ELYSIA'S POV
"Elysia!"napalingon ako sa mga tumawag sakin, sila lang naman mga kaibigan ni Boss.
Nag uunahan pa sila pa-punta sa akin, napatawa na lang ako ng biglang umakyat si Tyler sa bed at masamang tumingin sa Dad nya.
"Pwede ba Justine doon ka sa kabila nauna ako!" si Clark.
"Ano ka hello? Nauna ako kaya doon ka tab--'
"Two of you, shut up! Ako ang uupo dyan, di ba tyler?" si Lysanded.
"Yes Tito Lysander, and Dad come here dito ka sa tabi ni Yaya Calli" bibong sagot ni Tyler, napatawa na lang ako.
"Ang daya naman, kami nauna dy--" si Christian.
"Anong kaguluhan ang ginawa nyo dyan sa bed ni Elysia!?" napatingin silang pito kay Lyra na naka pamaywang, lumapit naman ito at pinatayo ang pito.
"At sinong may sabing tabihan nyo si Elysia!?" para tuloy silang umamong pusa kay Lyra, napa hagikhik naman kami ni Tyler bumelat pa si Tyler.
"Aba't bata k— aray! Tama na Tita!" si Justine, piningot kasi sya ni Lyra habang sila Lysander, Orion, Christian at Clark nag pipigil ng tawa.
"Alam nyo bang bawal ma-stress si Elysia? At bawal din ang malikot sa tabi nya? At mas lalong bawal din ang masyadong malapit!" nakayuko ang pito ngayon, para silang bata na nakagawa ng kasalanan sa magulang.
"Tita, promise mo hindi na po kami mag kakagulo ulit sa tabi ni Elysia" si Christian.
"Siguraduhin nyo, sige luhod. Lumuhod kayo walang tatayo hangga't hindi dumarating ang iba pang pinaluto ko!" walang nagawa ang pito at lumuhod na lang sila, kawawa pati si Boss na damay na wala namang ginawa.
"Mom, do--"
"Shut up, luhod!"
Kahit na nakaluhod sila, napakaingay pa rin dahil nag aasaran sila kasama na si Tyler. Napalingon ako sa pinapanood kong chinese drama ang title ay Story Of Yanxi Palace.
Napalingon kami sa nag bukas ng pinto, hoping na pag kain na yun para makatayo na sila. Pero hindi pala kawawa, si theo pala iyon na gulat na gulat sa nakita nya. Sino ba naman ang hindi magugulat? Biruin mo pitong nag ga-gwapuhang lalaki nakaluhod.
"Honey, what are they doing?"
"Makulit sila baka mapaano si Elysia alam mo naman ang sinabi ng doctor, kaya ayon pinaluhod ko" simpleng sagot ni Lyra.
‘ Yung totoo, mag papahinga lang ako ng ilang araw yun lang ang sabi ng doctor. Over protective ni Lyra. ’
"Honey, paakyat na ang iba pang Yaya"
"Boys, tayo mag ayos na kayo ng sarili nyo" mataray na utos ni Lyra, napahinga naman ng maluwag ang pito at umupo sa sahig bago tumayo.
"Sa wakas" usal ni Justine, narinig naman sya ni Lyra kaya napatago si Justine sa likod ni Lysander.
"Lyra, nandito na kami. Hello Elysia, miss na miss kita" sumulpot si Manang na kababalik lang ulit, lumapit sya at niyakap ako kaya yumakap din ako sa kanya.
"Miss you din Manang, kamusta ka na po?" tanong ko.
"Ako dapat iha ang nag tatanong nyan, ikaw ang kamusta" ngumiti naman ako sa kanya at tumingin sa iba na nag hahanda ng pag kain bago ako sumagot.
"Okay na po ako, papahinga at konting check up na lang po ang kailangan ko" tumango-tango sya at ngumiti.
"Sia! Miss you na tagal mong natulog?" naka pout na saad ni Eyang isa sya sa nag lilinis ng kwarto ko, cute naman sya pero mas cute si Tyler.
"Miss na din kita haha"
"Wag ka mag alala Sia! Ang kwarto mo ay makintab na sa kakalinis ko doon pa nga ako natutulog minsan"saad ni Eyang.
"Kaya pala nawawala ka minsan, nasa kwarto ka pala ni Sia ha lagot ka sakin mamaya sa mansion!" sulpot ni Linda sya naman ay nag pupunas ng mga furnitures. "Sia miss na kita!" at niyakap ako, niyakap ko din sya habang napapatawa ng mahina.
"Hay nako! Halina kayo, kakain na at si Tyler daw ang mag papakain kay Elysia" pag-aaya ni Manang sa dalawa, si Linda at Eyang ang mas close ko sa mga katulong sa mansion.
Ilang oras silang nakatambay dito nag tatawanan, kwentuhan at asaran. Pawang walang problema ang lahat, nakakatuwa naman.
Pakiramdam ko bumalik ang pamilya ko..
‘ Why I'm getting excited with them? ’
"Thinking to much, Cal" nilingon ko si Kuya na hawak ang orange. "You want some?"I nodded to him.
"Kuya, it's been years . I thought yo-"
"I never forget you, Cal. I'm always watching."
"Bakit hindi ka nag papakita?"
"delikado ang buhay mo. Kailangan kong lumayo sayo para hindi ka mapahamak, kahit alam kong kaya mong lumaban."
"Kaya iniwan mo ako? Psh Kuya naman alam mo namang iniwan tayo nila Mom and Dad pati ikaw iniwan ako, alam mo kung gaano yun kasakit?" sambit ko binato sa kanya ang balat ng orange.
"Kaya nga nag pakita na ako sayo ngayon, nung malaman ko na nasa puder ka ni Theron masaya ako kasi kahit papaano makikita kita." kinuha nya yung balat na binato ko sa kanya at pinag laruan. "Nung makita ko yung ginawa mo nung araw na nasa Mall kayo, alam kong ikaw iyon base palang sa galaw mo kuhang kuha mo na si Mom" dagdag nya at tumayo.
"Alaga ko sya, ayoko ng masasaktan sya."
"You need to be stronger, Cal. Pag kalabas mo ng hospital mag sisimula na ang tunay na gyera sa larangan ng mapya, at ikaw ang susi para kay Tyler."
"What do you mean, Kuya?"
"Tyler is the next heir of Cosa Nosta Empire, kailangang ingatan si Tyler at ikaw ang kalasag ni Tyler."
"Why me?"
"Dahil iyon ang tadhana mo, Cal. Balang araw mamimili ka sa dalawa at sana, piliin mo yung mahalaga sayo."
"Kahit anong mangyari, hindi ko hahayaang sugatan nila si Tyler" Tiningnan ko si tyler na nakikipag asaran.
"Cal, paano kung isang araw ikasal ka? Tatanggapin mo ba?" liningon ko si Kuya na seryoso ang tingin sa akin.
"Ikasal? Kanino naman Kuya? Isa pa wal-"
"Ikakasal sa kapwa mo mafia, Cal. W-wag ka sanang mahulog sa taong yun pag kinasal ka."
"Why?"
"Akala ko ba hahanapin mo si Ace?" napatigil ako sa sinabi ni Kuya.
‘ Tama ka Kuya, hahanapin ko nga sya pero paano? Bracelet lang ang palatandaan, paano kung tinapon ny-- ’
"Don't worry, Cal. Sa tingin ko makikita mo sya baka nga nasa tabi tabi lang sya." binigyan ko sya ng pag tatakang tingin, pumunta na sya kay Tyler at nakipag asaran na din.
‘ Tunay na gyera? Ito ba ang tadhana ko? Ang lumaban para sa batang kakikilala ko palang? Bakit ako ang napiling kalasag? Gayong mahina ako? ’
Tiningnan ko ang kisami at pumikit, inaalala ko yung mga nakaraang pangyayari sa buhay ko.
‘ Ace saan ako mag sisimulang mag hanap sayo?
![](https://img.wattpad.com/cover/367300111-288-k384358.jpg)
YOU ARE READING
Babysitting the Billioner's Son
ActionA heartwarming and humorous tale of a struggling young adult who takes on the challenge of babysitting the son of a wealthy and powerful billionaire. As the protagonist navigates the world of luxury and privilege while caring for the precocious chil...