Chapter #34

47 2 0
                                    

ELYSIA'S POV:

"Elysia? Tyler? "

Napahinto kami sa pag lalakad ni Shenna nang may tumawag sa amin ni Tyler, pamilyar ang boses nya.

==FLASHBACK==

"I love you my little sister, promise ni kuya po-protektahan kita kahit anong mangyari. Hindi ka iiwan ni kuya, ganon kita ka-mahal ni kuya"

"Talaga kuya? Hindi mo ako iiwan?"

"Oo, promise ni kuya 'yan sa'yo"

==END OF FLASHBACK==

"Elysia!"

Napabalik ako sa reyalidad ng itulak ako ni Shenna, nanlaki ang mata ko ng tamaan ng bala si Shenna. Agad kong naalala si Tyler, na hawak na ng lalaking tumawag sa akin. 

Lumapit ako kay Shenna at tinalian ang tama niya sa hita, at inalalayang mag lakad.

"Sumunod kayo" tumango na lang si Shenna, kaya sumunod na lang sin kami.

Nang makalabas na kami sa gubat laking gulat ko ng makita ko sila Boss, kompleto silang Pito.

"Ely! Tyler!"agad na lumapit sa amin si Boss, inalalayan naman nila kuya Axel si Shenna.

Naramdaman kong niyakap ako ni Boss kasama si Tyler, hindi ko maiwasang mang-laki ang mata ko at mamula ang mukha ko.

Agad akong bumitaw at tiningnan ang lalaking nakamaskara na sumundo sa amin, lahat ay tahimik tanging hikbi ko at ni Tyler lang ang naririnig.

Lumapit ako sa lalaking nakamaskara at dahan-dahang tinanggal ang maskarang nakasuot sa kanya.

Napatakip ako sa bibig, sya nga. Sya nga ang taong inaalala ko, ang kapatid ko. Si kuya Evan.

Sunod-sunod na tumakas ang mga luha ko sa aking mata, naramdaman ko naman na niyakap nya ako. 

"Shh, nandito na si ku--"

"May reunion pa lang nagaganap dito! Sa wakas nakita ko na din kayong mag kapatid!" napalingon kami sa nag salita, agad na na-alerto ang lahat.

Cedric Wang..

"Buhay ka pa pala?" malamig na tanong ni kuya at tinago ako sa likod nya, naramdan ko namang hinawakan ako ni Boss. Hindi ko maiwasang mamula ng bahagya, ano bayan nasa bingit pa kami ng kamatayan eh.

"Hayop ka! Evan! Pinatay mo ang kapatid ko!" napalingon ako kay kuya, anong pinag uusapan nila?

"Ako nga ba ang pumatay sa kapatid mo o ikaw na inutos mong ipakidnap ang kapatid ko noon dahil dyan sa kabaliwan mo sa kanya!" malamig na sambit ni kuya.

Napaatras ako mg bahagya ng mag tutukan ng baril ang dalawang panig, nilingon ako ni Cedric na nakangisi.

"Calli, Calli, Calli you f*cking trickes me! Gusto mo bang malaman kung ano ka talagang tao!? Hahahaha isa ka lang din namang mamatay ta--"

"Shut up! Bastard!" rinig kong anas ni kuya, tama sya hinahanap ko kung sino ako. Tama sya mamatay tao ako, pero hindi ko sinasadya iyon.

Sa mundo ng aking pamilya, kung hindi ka lalaban mamatay ka. Kung mahina ka, mamatay ka. Kung wala kang alam sa mundo ng Imperyo ng Mafia, mamatay ka.

"Haha! Hahaha! Hahahaha!" ramdam kong napalingon ang lahat sa akin, umiling-iling pa ako habang tumatawa.

"Gusto mo bang mag pakilala ako? Best friend Cedric?" lumapit ako sa tabi ni kuya, at pinulot ang baril sa tinatapakan naming lupa. Hinaplos-haplos ko baril habang nag papakilala ako.

"Ako lang naman si Elysia Calliope Hernandez, ang nag iisang taga pag mana ng titulo ng imperyong Camora Empire"pag kapakilala ko, tinutok ko ang baril sa kanya. 

THERON'S POV

"Haha! Hahaha! Hahahaha!" napalingon kami kay Ely ng tumatawa ito, parnag ibang tao na ata ang kasmaa namin. 

Ang maamong mukha kanina, ngayon ay isang matapang na mukha na. Hindi makikitaan ng emosyon, na kangisi ngunit iba ang pahiwatig ng kanya mata.

"Gusto mo bang mag pakilala ako? Best friend Cedric?" lumapit si Ely kay Thunder at pinulot ang baril.

"Ako lang naman si Elysia Calliope Hernnadez, ang nag iisang taga pag mana ng titulo ng Camora Empire" sabay tutok ng baril kay Cedric Wang.

Nag tinginan kaming anim, so all this time alam nyang sya ang susunod na taga pag mana ng titulo ng Camora Empire.

"Sa mundo ng patayan, kailangan mong lumaban. Kung mahina ka, mamatay ka. Kung wala kang alam sa mundo ng patayan, mamatay ka ng maaga"malamig na sambit ni Elysia.

Naalerto na lang kaming lahat ng mag paputok ng baril si Cedric Wang, agad kaming nag tago ni Elysia sa likod ng kotse. Nakipag palitan na din ng bala ang mga tauhan ni Evan.

Sumenyas si Evan na tapos na, kaya lumabas na kami. Tiningnan ng iba kung may buhay pa ba o wala na.

"Alam mo ang lahat?"tanong ni Evan kay Elysia.

"Oo, matagal na" nakangiting sambit ni Elysia at lumapit sa akin, binuhat nya si Tyler.

Naisipan na naming umalis, nagulat kami ng may biglang putok sa bandang likudan namin. Narinig na lang namin ang pag bagsak, nilingon ko iyon at agad na lumapit.

"Elysia!" kinuha ni Glen si tyler at binuhat ko naman si Elysia.

Agad na nag madali ang iba, nang maisakay na namin si Elysia sa kotse ni Orion agad na kaming umalis at iniwan ang iba.

Shit! Akala ko tapos na! 

Nakarating na kami sa pinakamalapit na hospital, agad na dinala si Elysia sa E.R nag paikot-ikot ako sa may pinto ng E.R.

Dumating na din ang ibang kasamahan namin, may ibang may daplis kaya nag pagamot muna sila.

Ilang oras na kaming nag hihintay hanggang sa dumating sila Mom and Dad, naka-wheelchair naman si Tyler.

"Son, wala pa ba?" tanong ni Dad bakas ang pag-aalala sa boses.

"O my god, what's going on" sambit ni Mom habang pinapatahan si Tyler.

Mag-a-apat na oras na, hindi pa rin lumalabas ang doctor. Halos makatulog na kami, agad na nagising ang diwa ng iba ng bumukas ang pinto ng E.R.

"Where's the patient's family?"

"I'm her mother, how is she?" prisenta ni Mom.

"She's stable now, but she's in comatose right now hindi pa po namin alam kung kailan sya magigising.I shall take a leave I have  another patient, Thank you"

Dinala na sa isang private room si Elysia, sumunod na lang kami madaming naka-kabit sa kanya.

' Lalaban ka Elysia, a-amin pa ako sayo. Magiging Mommy ka pa ni Tyler, magiging Mrs. Villanueva ka pa. '

Babysitting the Billioner's SonWhere stories live. Discover now