==KINABUKASAN==
*Beep*beep*beep*beep*
Nagising ako sa ingay ng cellphone kong de-keypad na neregalo ng kapatid ko nung nag graduate ako nung highschool. I miss him.
4:30 am na, kaya nag asikaso na ako sa sarili ko at bumaba para mag handa ng breakfast ng alaga ko.
"Ang aga mo naman Iha, mamaya pa namang 7:00 am ang pasok ng anak ni sir"bungad ni manang Lita sa akin pag kapasok ko sa kusina.
"Nako, sanay na po ako, isa pa po para narin po makatulong ako sa inyo"napatango naman sya at ngumiti.
"Sana lang Iha, kayanin mo ang batang yan nako madaming maid na ang umaalis dahil sa kanya kagaya rin ng ama nyang mainit ang ulo"
"Hayaan nyo po nanay Lita, mapapasunod ko din yan hindi ko susukuan si Tyler"
"O sya, ikaw na ba mag luluto ng breakfast ng alaga mo? O ipagluluto ko na?"
"Ako na lang nanay Lita para naman makapag dilig na kayo, wag nyo na pong alalahanin ang breakfast nila Madame at Sir"
"O sige Iha ha, salamat"lumabas na si Manang Lita sa kusina kaya ako nalang ang naiwan, nag umpisa na akong mag hanap ng lulutuin kong breakfast nila.
Nakuha ko na ang hotdog, bacon, egg, ham and cheese. Kumuha din ako ng celery, tomatoes, pecha, at beef.
Habang nag hihiwa ako ng dapat hiwain ay napag isipan kong mag music para naman may saya habang nag luluto.
Nagulat ako dahil biglang bumukas ang refrigerator yun pala si sir Theron lang pala, kumuha ng tubig.
"G-good Morning sir Theron"magalang kong pag bati at pinag patuloy na ang pag hihiwa ng lulutuin ko.
"Good morning, why you're so early?"malamig na tanong nya kaya naman, napahinto ako saglit at pinag patuloy na.
"Ah, kasi po tutulong ako sa mga gawain dito habang tulog pa si Tyler"napalingon ako sa basong binaba nya kaya tiningnan ko sya, tango lang ang sinagot nya.
"Is this your phone?"malamig na tanong nya, tumango naman ako sa kanya at lumapit sa stove. "You need to buy a new phone"malamig na dagdag nya at umalis na.
Napailing nalang ako at pinag patuloy ang ginagawa ko, matapos kong lutuin ang hotdog, bacon, egg at ham tiningnan ko na ang oras it's 5:39 am already.
Kaya sinunod kong asikasuhin ang pechay baguio, tomatoes, beef and cheese. Matapos kong asikasuhin yun ay umakyat na ako sa 3rd floor sa kwarto ni Tyler.
Pag bukas ko ay bumungad sa akin ang mag amang mag katabing nakahiga at mag kayakap. Napalingon naman si sir Theron sa akin at tumango kaya lumapit ako sa bed.
"Son, wake up or els--"
"Good morning, Dad"
"Good morning too, son" nag tatalon naman si Tyler sa bed nya, nang lumingon sya ay naging seryoso na ang mukha.
"Morning" tipid nyang salita at humiga saka sumiksik sa ama nyang nakahiga. Nag simula na akong ayusin ang gamit ni Tyler sa school.
Habang nag aayos ako ay nag iingay naman ang mag-ama, nakakatuwa lang na masaya sila. Asan kaya ang Mommy ni Tyler?
![](https://img.wattpad.com/cover/367300111-288-k384358.jpg)
YOU ARE READING
Babysitting the Billioner's Son
AksiA heartwarming and humorous tale of a struggling young adult who takes on the challenge of babysitting the son of a wealthy and powerful billionaire. As the protagonist navigates the world of luxury and privilege while caring for the precocious chil...