Roni's POV
"Roni?! Borj?!" malakas na sigaw ni mommy na siyang dahilan upang magising kami ni Borj na kasalukuyang nasa tabi ko.
wait...katabi ko si Borj?! dito siya natulog sa kwarto ko kagabi?! OMG!!!
"M-mommy, d-daddy, let me explain..."
"You really need to explain this, Ronalisa. Hihintayin namin kayo sa baba." seryosong saad ni Daddy tsaka sila umalis at bumaba.
"Borj! ano ba kasing ginagawa mo dito?! bakit dito ka natulog?" sunod sunod na tanong ko.
"I don't know, okay? lasing din ako kagabi, hindi ko na alam kung saan at kaninong kwarto ako pumasok, akala ko kwarto to ni Yuan." pagpapaliwanag niya, bakas sa boses nito ang pagka-irita.
Flashback
Roni's POV
23rd Birthday ngayon ni kuya. Dito niya sa bahay napiling mag-celebrate kahit may sarili na siyang bahay.
May asawa na rin siya, her name is Missy, she's a fashion designer. Si kuya naman ay may sarili nang restaurant. Last year lang sila kinasal and I'm so happy for them.
It's already 8pm at nagkakasiyahan pa rin kaming lahat. Enjoy na enjoy lahat ng bisita ni kuya kaya hindi pa rin umuuwi ang iba.
Nasa ibang table kami, kasama ko ang barkada. Nagk-kwentuhan lang kami tungkol sa mga kanya-kanya naming buhay.
Si Jelai ay isa na ring businesswoman, sakanya pina-manage ng daddy niya ang isa sa mga business nila.
Si Junjun, isa nang recording artist. Pinagpatuloy niya ang pag-tugtog at pag-kanta dahil ito raw talaga ang gusto niya. Kasal na rin sila ni Jelai 2 years ago pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang baby.
Si Tonsy naman, he's already a CEO of his own company. Sobrang successful na niya pero single pa rin siya, nagtataka na nga kami kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nililigawan.
Si Borj, ang aking long time crush na bestfriend ng kuya ko. Isa na siyang Professional Chef, bukod doon ay may sarili na rin siyang resort. May girlfriend na rin siya, si Trisha. He loves her so much and we all know that. 1 year na sila.
Nagconfess ako sakanya noong 1st year college ako at siya naman ay 2nd year pero nasaktan lang ako sa naging sagot niya, hindi niya raw ako gusto dahil kapatid lang din ang turing niya sakin. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa nung time na yon.
Hanggang sa nalaman ko nalang na may girlfriend na siya, masakit pero kailangan kong tanggapin. Mahal ko siya kaya masaya na rin ako kapag nakikita ko siyang masaya, kahit pa hindi ako ang dahilan non.
Until now mahal ko pa rin siya at alam niya yon pero iniiwasan na niya ako dahil kay Trisha, dahil na rin siguro sa hindi niya ako gusto.
By the way, ako naman, I'm 21 years old at may sarili na rin akong business. May ari ako ng isang sikat na Coffee Shop dito sa Antipolo, may other branches din ako sa Manila at Quezon City.
Kila Mommy pa rin ako nakatira dahil wala pa sa balak ko ang bumukod.
Borj's POV
Hindi namin namamalayan ang oras, it's already 10pm. Nagsi-uwian na ang ibang bisita ni Yuan, kaming anim na lang ang nandito, masayang nagk-kwentuhan at nag-iinuman.
"I think it's enough, guys. We are all drunk" biglang saad ni Tonsy.
"No! let's drink more. Walang matutulog." saad naman ni Missy habang hawak hawak ang shot glass.
YOU ARE READING
Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'
FanfictionThis story follows the journey of Roni, a woman deeply in love with her brother's bestfriend named Borj. Despite her best efforts to win his heart, Borj remains to be mad at her because of their unwanted marriage. And for him, it is all Roni's fault...