Roni's POV
"I love you, Roni" rinig kong bulong ni Borj na ngayo'y patuloy na nakayakap sakin.
I love you?
He loves me? Mahal ako ni Borj? Mahal na niya ko?
Dahil dito ay agad akong bumitaw at nagtatakang tumingin sakanya.
"M-mahal moko?" tanong ko.
"Oo Roni, I love you at hinding hindi ako magsasawang ulit ulitin yun sayo." aniya na siyang dahilan para tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko dahil sa sobrang saya.
"Paano?" saad ko pa habang patuloy sa pag-iyak.
Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko sa mga oras na to. Kung kelan hindi nako umaasa na mahahalin niya pabalik, ngayon pa mag-iiba ang ihip ng hangin.
"Honestly, hindi ko rin alam. Bigla ko na lang naramdaman na parang lagi kitang gustong kasama. Tapos kapag kasama naman kita, ang bilis ng tibok ng puso ko. And to top it all, I fell in love with you unexpectedly." bahagya niyang hinawakan ang mukha ko habang nagsasalita.
"Pero kahit hindi ko man inaasahan to, hindi ko parin pinagsisisihan na minahal kita. Siguro isa sa mga dahilan kung bakit ako na-fall sayo ay dahil sa pagiging strong mo. You're the strongest woman I've ever known.
And that makes me appreciate you more not only as a friend but this time, as my wife." dagdag pa niya.
"H-hindi ako makapaniwala, akala ko hindi mo na talaga ko kayang mahalin. Sobrang saya ng puso ko ngayon Borj. Hindi mo alam kung gaano mo dinoble ang saya ko. Mabibigyan ko na nang happy family si baby!" natupad ang wish ko, ang mabigyan ng masayang pamilya ang anak namin.
"I'm sorry Roni, sorry kung ngayon lang. Sorry kung sinayang ko yung isang taon sa pagmumukmok, masyado kasi akong nagpabulag sa nararamdaman ko. Kung sana una pa lang maluwag na kitang tinanggap edi sana hindi nasayang ang isang taon, edi sana mas maaga kitang natutunang mahalin. Mas marami na sana tayong nagawang memories together. Sobrang nanghihinayang ako." aniya.
Kung sana noon pa nga Borj...
Pero ayos lang, ang mahalaga eto kami ngayon, parehong masaya. Tsaka isang taon lang naman ang nasayang, pwede pa naming bawiin yun.
"Borj, I understand, naiintindihan kong nadala ka lang sa sitwasyon. Tsaka it's okay, kahit kelan hindi naman ako nag-tanim ng sama ng loob sayo. Kalimutan na natin lahat, okay? Let's just move on and be better for our baby." nakangiti kong saad.
"Thank you Roni, sobrang swerte ko na ikaw ang babaeng pinakasalan ko. Kahit hindi maganda ang pakikitungo ko sayo nung una, hindi mo pa rin ako iniwan. Nag-stay ka sa tabi ko, sobrang thank you." this is the first time na makitang umiiyak si Borj. Mas lalo kong nararamdaman ang sincerity niya dahil dito.
Malaking achievement na para sakin ang maging dahilan ng pag-iyak niya.
Now, I realized na hindi pa pala talaga huli ang lahat para saming dalawa. Naniniwala na rin ako sa kasabihang 'hangga't may buhay, may pag-asa'.
Salamat Borj, hindi mo alam kung gaano moko napasaya ngayon. Mag-ama nga talaga kayo ni baby, grabe niyo ko pasayahin!
"I stayed dahil mahal kita, ginawa ko lahat ng yon ng buong puso. Kahit alam kong hindi mo kayang suklian ang pagmamahal na binibigay ko, hindi pa rin ako nagdalawang isip na subukan. Hindi ko naman ineexpect na dadating ang araw na to. Worth it lahat Borj, worth it lahat ng pinagdaanan ko. Thank you and I love you too." niyakap naman niya ko ulit ng mahigpit dahil dito. Hindi na namin napigilang ilabas ang mga emosyon namin.
YOU ARE READING
Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'
FanfictionThis story follows the journey of Roni, a woman deeply in love with her brother's bestfriend named Borj. Despite her best efforts to win his heart, Borj remains to be mad at her because of their unwanted marriage. And for him, it is all Roni's fault...