Roni's POV
It's 7 pm, halos 6 pm na rin ng gabi noong naisipan naming umahon na sa paliligo.
Kasalukuyan kaming nagpa-prepare ng long table malapit sa pool nitong resort. Dito namin napagdesisyunang mag-dinner dahil relaxing at tahimik ang paligid.
This is also our last night here at Boracay, bukas ng 1 pm ang flight namin pabalik ng Manila.
"Grabe, nakakapagod tong araw na to pero sobrang nag-enjoy ako." panimulang saad ni Junjun.
"True, sana we can go back here noh? ang saya kasi kapag kumpleto tayo." ani Missy.
"Alam mo Missy, sure naman na babalik tayo dito eh. Kaso, matatagalan pa yon kasi for sure pagbalik natin ng Manila, busy nanaman lahat." malungkot na sambit ni Jelai.
"Basta ako kahit gaano ka-busy I can make time for you guys, sabihan niyo lang ako." mabuti pa si Tonsy, he can still prioritize the barkada kahit may sarili na siyang company.
Habang nag-uusap usap sila ay napansin kong biglang tumayo si Kuya. Pumunta siya sa gilid ng pool at naupo doon.
Sinundan ko siya para kausapin about sa pagtatampo niya sakin.
"Kuya?" hindi niya pa rin ako pinapansin. I sat beside him para mas makausap ko siya ng maayos.
"Sorry kasi hindi man lang kita naisipang kumustahin o puntahan this past few weeks, sorry kung feeling mo kinalimutan na kita. Pero kuya alam mo namang hindi mangyayari yun eh.
Kahit naman ilang araw, linggo, buwan, taon o kahit dekada pa tayong hindi mag-usap ikaw pa rin naman ang kuya ko.
Sorry na kuya, matitiis mo ba talaga akong hindi pansinin at kausapin the whole trip? Kasi ako hindi ko na kaya, miss na miss na kita. Miss ko na yung masiyahin at masigla kong Kuya Yuan." hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak. Yumuko na lang ako para hindi niya mapansin ang pag-iyak ko.
Ilang minuto pa ay naramdaman kong inakbayan niya ko dahilan para mapatingin ako sakanya.
"I missed you too, Roni. Sorry din sa pagiging immature, binigyan pa tuloy kita ng alalahanin simula kahapon. Nagtampo lang naman ako kasi hindi ako sanay na walang Roni na nangungulit sakin.
Actually, nagseselos na nga ako kay Borj eh. Buti pa siya palagi mong kasama, samantalang ako kundi pa dahil kay Tonsy hindi pa kita makikita at makakausap ulit.
Sorry Roni ah, alam mo naman kung gaano kita ka-mahal kaya ako nagkakaganto eh." aniya, lalo pa kong napaiyak dahil dito. Sa wakas, okay na ulit kami ni Kuya.
"Thank you for loving me kuya, simula noon hanggang ngayon the best ka talaga. I love you!" nakangiting saad ko habang patuloy ang pagtulo ng mga luha ko.
"Hahaha nambola ka pa. Siya nga pala, kumusta ka? kayo ni Borj?" sunod sunod akong napalunok dahil dito.
"Ha? kami ni Borj? o-okay naman kuya. Kayo ni Missy? kumusta kayo?" ibinalik ko na lang sakanya ang tanong para hindi na siya magtanong pa ulit tungkol samin ni Borj.
"Ayon, syempre sa buhay mag-asawa hindi maiiwasan ang tampuhan, away tsaka mga misunderstandings pero naaayos din naman agad. Ikaw Roni, kapag sinaktan at pinaiyak ka ng malala ni Borj wag kang matatakot magsabi samin ha, lalo na sakin. Kahit bestfriend ko yan uupakan ko talaga yan pag nalaman kong sinasaktan ka niya." he's so over protective when it comes to me. That's exactly the reason why I'm not letting him know the way Borj treating me.
Kasi alam kong kahit bestfriend niya si Borj, hindi siya magdadalawang isip na saktan ito kapag nalaman niya lahat.
"S-yempre naman kuya. Kapag, kapag sinaktan ako ni Borj ikaw ang unang-una kong pag-pagsasabihan. P-promise." utal utal kong saad dahil sa sobrang kaba.
YOU ARE READING
Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'
FanficThis story follows the journey of Roni, a woman deeply in love with her brother's bestfriend named Borj. Despite her best efforts to win his heart, Borj remains to be mad at her because of their unwanted marriage. And for him, it is all Roni's fault...