The next day
Roni's POV
"Huy Roni, kanina ka pa tulala dyan, ano bang nangyayari sayo?" saad ni kuya na dahilan ng pagka-gulat ko.
"Ha? wala kuya, inaantok lang ako" pagdadahilan ko.
Actually napuyat lang talaga ako kaya kulang ang tulog ko. Kagigising ko lang pero inaantok pa rin ako.
Hindi kasi ako makatulog kakaisip kay Borj, panay tanong ako sa sarili ko kung okay na kaya siya kahit wala naman akong nakukuhang sagot.
Ngayon kaya? kumusta na kaya siya? bumaba na kaya ang temperature niya kahit papaano? or ayos na ang pakiramdam niya?
Gustuhin ko man siyang tawagan para kumustahin ay hindi pwede.
"Kagigising mo lang inaantok ka na naman? tsaka mukhang puyat ka Ronalisa ah. By the way, okay na ba mga gamit mo? maya maya lang aalis na tayo." aniya.
"Kanina pa po, saan ba kasi tayo pupunta?" ginising nila ko ng pagka aga-aga, pinaligo at pinag-asikaso pero ni isang clue kung saan kami pupunta ay wala akong natanggap mula sakanila.
Ano na naman kayang pina-plano ng mga to?
"Basta, malalaman mo rin mamaya." bakit ba hindi ko pwedeng malaman ngayon pa lang? konti na lang ay maiinis nako dito kay kuya.
"Bakit hindi pa tayo umalis? nakaupo na nga lang din kayo oh. Meaning, ready na rin kayong umalis. Eh ano pang ginagawa natin dito?" curious kong tanong. Paano ba naman kasi, tapos na rin silang mag-asikaso pero hanggang ngayon hindi pa rin sila nag-aayang umalis.
"Sis just wait oka-" naputol ang sasabihin sana ni Missy nang biglang may mga dumating.
Ang barkada?!
"Good morning guys!" bungad ni Jelai.
"A-anong ginagawa niyo dito? ano ba talagang meron? anong nangyayari?" sunod-sunod kong tanong sakanila.
"Wag ka na maraming tanong Roni. Tara na, aalis na tayo." napairap na lang ako kay kuya dahil dito.
Hay nako, papatayin talaga ako sa curious ng mga to.
Wala naman akong nagawa ng hawakan nila kuya at Jelai ang kamay ko upang hilahin palabas nitong bahay.
Wala talaga akong idea kung saan kami pupunta, basta bigla na lang akong pinag-impake ng damit nila kuya na good for 1 day daw dahil uuwi rin kami mamayang gabi.
Van ni Tonsy ang sasakyan namin and of course, siya ang driver. Nasa passenger seat si Junjun. Sila Missy, Kuya at Jelai ang magkakatabi sa likod. Kami naman ni Tom ang magkatabi sa gitna.
"Musta?" panimula niya.
"okay lang." tipid kong sagot.
Nasa kalagitnaan na kami ng byahe ngayon at tanging si Tonsy, Tom at ako na lang ang gising.
"Sinungaling." bigla siyang umiwas ng tingin pagkatapos itong sabihin. Matalim ko naman siyang tinignan dahil dito. "Hindi ka okay." dagdag pa niya habang nakatingin sa harap.
"Exactly. Tsaka alam mo naman pala, magtatanong ka pa." pagsusungit ko.
"Sungit." saad niya sabay sarkastikong umirap.
"Teka nga, saan ba kasi talaga tayo pupunta?" pagtatanong ko. Halos pang hundred times ko na atang tanong to hanggang ngayon wala pa ring sumasagot.
"Basta Roni, baka magalit pa sakin si Yuan pag sinabi ko sayo. Relax ka lang dyan, matulog ka kung gusto mo, mukha ka pa namang puyat." nahampas ko naman siya ng malakas dahil dito.

YOU ARE READING
Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'
FanfictionThis story follows the journey of Roni, a woman deeply in love with her brother's bestfriend named Borj. Despite her best efforts to win his heart, Borj remains to be mad at her because of their unwanted marriage. And for him, it is all Roni's fault...