Roni's POV
"Ganon ganon na lang yon Roni? pagkatapos ng lahat? ilang taon kang naghirap tapos 10 minutes na apology lang okay na agad?" ani Tom.
"I know, pero Tom kung yun lang yung way para matahimik nako, why not? kung pagpapatawad lang ang magiging daan para magkaroon nako ng peace of mind na matagal ko nang hinahanap bakit hindi ko subukan?
Wala namang masamang magpatawad diba? kung Diyos nga nagpapatawad what more pa ako na tao lang at nagkakamali rin. Everybody deserves to be forgiven and a second chance. Tsaka 1 week na ang nakalipas noong napatawad ko siya, we're very okay now." seryosong saad ko.
"Hay nako, ewan ko sayo. Minsan hindi ko na alam kung matutuwa pa ba ko sa mga desisyon mo." inakbayan ko na lang siya at nginitian bilang paglalambing.
Sanay na kami sa gantong set up ni Tom, wala na ring malisya dahil alam naming pareho na we're bestfriends, wala nang iba.
"Si Borj, anong balak mo sakanya?" inalis ko ang pagkakaakbay sakanya at muling bumalik sa pagiging seryoso.
"I don't know. Hindi ko na alam." nakayukong wika ko.
"Ni minsan ba sinubukan mong i-explain at ipaintindi sakanya na wala talagang nangyari sainyo ni Basti?" seryosong pagtatanong niya.
"Oo naman, I did. Pero as usual, kung anong pinaniniwalaan niya yun na yon, hindi yun marunong makinig sa explanation ng ibang tao.
Nasanay na nga lang ako sa pagiging ganon niya hanggang sa natutunan ko na lang din na wag nang ipaglaban ang side ko everytime na nagtatalo kami.
Tinatanggap ko na lang lahat ng false accusations niya dahil wala rin namang mangyayari if ita-try kong ipagtanggol ang sarili ko." sagot ko.
"Hay nako Ronalisa, alam mo? ako na lang talaga nahihirapan sa sitwasyon mo. Hindi ko alam bakit napaka tyaga mo sa lalaking yon eh kulang na lang ipatapon ka niya sa Mars sa sobrang inis sayo tapos ikaw dyan patay na patay pa rin sakanya." sarkastiko niyang saad sabay irap.
"Eh alam mo naman kung gaano ko siya ka-gusto noon pa man. Syempre ngayong araw araw na kaming magkasama, mas lalong lumalim yon." and as it goes deeper, mas lalo kong narerealize na minsan, hindi pala talaga lahat ng nagmamahal ay nasusuklian ng pagmamahal din.
As long as napaparamdam mo sakanyang mahal mo siya, okay ka na don kahit alam mong hindi mo yon mararanasan pabalik.
"Oo tapos kung gaano kalalim yang pagmamahal mo sakanya, ganon din kalalim yung sugat na binibigay niya sayo. Kung ako sayo, iiwan ko na yan. Kung bakit pa kasi nagtitiis ka dyan eh ang dami daming lalaki dyan na mas kaya kang mahalin." he's right pero wala akong magagawa, si Borj talaga ang hinahanap ng puso ko.
Maniniwala na lang talaga ako sa katagang 'everything happens for a reason' dahil alam kong may dahilan kung bakit hinahayaan ng tadhana na patuloy kong mahalin si Borj na puro sakit lang ang dulot sakin kesa subukang kumilala ng ibang lalaki na kayang lamangan ang pagmamahal na kaya kong ibigay.
"Tom, love is not all about fun and kilig, syempre sa love, kailangan mo ring masaktan at masugatan para masabi mong nagmamahal ka talaga." saad ko.
"Yun na nga eh, pero sa case mo, puro sakit at sugat lang ang nakukuha mo, walang fun at kilig." grabe talaga kung magsalita itong si Tom, dire-direcho. Pero, may point din naman siya, totoo at may sense naman lahat ng sinasabi niya.
"I love him, hindi ko siya susukuan at iiwan. Hindi nako umaasa pa pero malay natin, diba? Tsaka marami nakong tiniis at sinacrifice for him, hindi ako papayag na masayang lang lahat ng yon. Hangga't kaya ko, magsi-stay ako. Yun lang, period."
YOU ARE READING
Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'
FanfictionThis story follows the journey of Roni, a woman deeply in love with her brother's bestfriend named Borj. Despite her best efforts to win his heart, Borj remains to be mad at her because of their unwanted marriage. And for him, it is all Roni's fault...