1 month after
Roni's POV
"Hindi ba talaga ikaw yung nagpapadala sakin ng mga flowers na to?" nakailang beses nako sa pagtatanong kay Tom kaya for sure ay rinding rindi na siya.
"Alam mo Roni, pang 100 times na tanong mo na sakin yan. Ilang ulit pa ba? hindi nga ako, okay? Isipin mo kasing maigi kung sinong may motibo para padalhan ka ng sandamakmak na bulaklak" iritang saad niya.
"Halos araw araw ko iniisip kung sino pero wala talaga, hindi ko talaga alam kung sino."
It's been one month at hindi pa rin natitigil ang sunod sunod na pagpapadala ng mga bulaklak sakin.
"Eh diba puro sorry ang laman ng mga cards? tapos meron pa minsang nakasulat na nagawa niya lang yon dahil mahal ka niya. So ang ibig sabihin, kung sino man yung nagpapadala niyang mga yan is may gusto sayo. Hindi rin malabong dahil sa kagustuhan niyang mapasakanya ka ay nakagawa siya sayo ng isang malaking kasalanan kaya siya humihingi ng tawad ngayon. Ano? may idea ka na ba kung sino?"
Oh no! unti-unti nakong nagkaka-idea kung sino nga ba ang nasa likod ng mga flowers na ito.
Kung siya man nga, sana ay wag na siyang magpakita. Masaya na ko at matagal nakong naka move on sa nangyari, kung makikita ko man siya ulit ay hindi ko na alam pa ang mga mangyayari sakin.
Tom and I were still talking nang biglang dumating si Borj. He was drunk, for sure ay galing siya sa bar.
"Oh, you're here again dude." pagewang gewang siyang lumapit sakin at umupo sa tabi ko sabay akbay.
"Tom, you can go home na, it's late na rin. Ako nang bahala dito." marahan kong inalis ang kamay ni Borj na kasalukuyang nakapatong sa balikat ko at dahan-dahang tumayo.
Nang akmang tatayo nako ay bigla naman niya kong hinila ng malakas dahilan para muli akong mapaupo.
Lalapit na sana si Tom sakin para kunin ako pero agad ko siyang pinigilan dahil baka magkagulo pa lalo't lasing si Borj.
"Pare, dahan dahan lang. Nasasaktan si Roni." mahinahong pakikiusap ni Tom sakanya.
"So? ano naman kung masaktan siya? anong pakialam mo? ha? bakit? boyfriend ka ba niya? pwes, asawa niya ko kaya kung anong gusto kong gawin sakanya, gagawin ko, maliwanag?" saad ni Borj habang patuloy na naka-akbay sakin. Medyo nasasaktan na rin ako dahil sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.
"Lalaki ka ba talaga? hindi mo ba nakikitang nasasaktan na siya? bitiwan mo siya dahil kung hindi, hindi rin ako magdadalawang isip na tawagan sila Yuan para malaman na nilang lahat ang mga kawalang-hiyaang pinaggagagawa mo kay Roni!" pati ako ay nagulat sa sinabing ito ni Tom.
Ayokong makarating ito kahit kanino, lalo kila Kuya.
"Tom, please? wag ka na lang makialam. Kung may magsasabi man sakanila, hayaan mong ako ang gumawa non. Sa ngayon, let me handle this. Kilala ko si Borj at alam ko na ang gagawin ko lalo sa mga ganitong sitwasyon dahil hindi ito ang unang beses na umuwi siyang lasing. Please, just leave." maayos na pakikiusap ko sakanya.
"No, hindi ako aalis Roni. Dito lang ako, babantayan kita. Hindi ako papayag na saktan ka nanaman ng gagong yan." dahil sa sinabi niyang ito ay inis na tumayo si Borj at madiin siyang itinulak.
Hindi nagdalawang isip si Tom na gumanti mula sa pagkakatulak sakanya. Nang mapansin kong magsusuntukan na silang dalawa ay agad akong pumagitna upang awatin ang mga ito.
"Ano ba kayo? para kayong mga bata kung umasta! ikaw Borj? ano bang problema mo? bakit ba lahat ng bagay dinadaan mo sa pisikalan? wala ka na ba talagang ibang alam gawin kundi manakit at magpahirap ng mga tao?
YOU ARE READING
Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'
FanficThis story follows the journey of Roni, a woman deeply in love with her brother's bestfriend named Borj. Despite her best efforts to win his heart, Borj remains to be mad at her because of their unwanted marriage. And for him, it is all Roni's fault...