Borj's POV
Kakauwi lang namin ni Roni from Laguna.
Ito ang unang beses na pumasok kami sa bahay nang walang kahit na anong galit sa isa't isa and it really feels so good. Sobrang gaan sa pakiramdam.
Sa isang buong taon, maraming away, sigawan, sakitan at iyakan ang nasaksihan ng bahay nato.
Ngayon, we're finally here to make a lot of happy memories together with our baby. Wala nang away, wala nang kahit anong negative.
After eating lunch, nagpaalam ako kay Roni na aalis lang ako saglit.
Noong una ay nagtataka pa siya dahil wala akong nabanggit sakanya na may lakad agad ako pag-uwi namin, pero noong nagtagal ay pumayag din naman siya.
Kahit labag sa loob ko ay kailangan kong tawagan si Tom para humingi ng tulong para sa gagawin kong ito.
Nabanggit na rin kasi sakin ni Roni na si Tom ang kasama niya noong araw na nalaman niyang buntis siya.
Nakakainis man pero thankful pa rin ako kay Tom dahil hindi siya nagdalawang isip na samahan si Roni noong mga panahon na kailangan niya ng makakasama.
I know that he likes Roni, noong una ko pa lang siyang nakita, alam ko na kung anong totoong nararamdaman niya sa asawa ko.
Hindi lang bestfriend ang turing niya kay Roni kundi more than that pa. Kahit hindi niya sabihin ay halata yon sa mga kilos at tingin niya.
Kaya rin siguro sobra akong naiinis sakanya nung simula pa lang.
Pero hindi ko pa rin maitatanggi na isa siya sa mga taong pinaka-pinasasalamatan ko dahil sa pagpaparamdam niya kay Roni na worth it at special siya.
At sa pagsama sakanya noong mga panahon na wala ako for her kahit pa alam kong may feelings siya para kay Roni.
T: [Borj? napatawag ka?]
B: [Pare, kung ano man yung hindi natin pagkakaunawaan, pwede bang isantabi na muna natin yon kahit ngayon lang? I just need your help.]
T: [Help? anong klaseng tulong?]
B: [Magkita na lang tayo sa restaurant malapit sa coffee shop ni Roni.]
T: [Ayusin mo lang Borj, pagkakatiwalaan kita ngayon. Pupunta nako.]
B: [Thanks pare, kita na lang tayo doon.]
Pagkababa ko ng tawag ay agad na rin akong nagtungo sa lugar na napag-usapan namin ni Tom.
Pagdating ko ay wala pa siya, hindi ako pwedeng magreklamo dahil nanghingi lang din naman ako ng favor.
Hindi rin naman nag-tagal ang paghihintay ko dahil ilang minuto lang noong dumating ako ay dumating na rin siya.
"Okay, Tom, hindi nako magpapaligoy-ligoy pa pare. Alam ko na lahat ng tungkol kay Roni, lahat lahat. Pati yung pregnancy niya, alam ko rin na ikaw yung kasama niya nung araw na nalaman niyang buntis siya kaya ikaw lang ang pwede kong hingian ng tulong." dinerecho ko na siya dahil nagmamadali nako, mamayang gabi na ito kaya kailangang gawin ng mabilisan.
"Wait, so you mean...sinabi na pala sayo ni Roni yung about sa pagbubuntis niya?" tanong niya.
"Lahat pare, yung kung paano siya nagmakaawa sa lahat ng taong involve sa pagpapakasal namin, even about what Trisha did to her sinabi na rin niya. Kahit pa yung about kay Basti, lahat Tom." pagpapaliwanag ko.
"Edi mabuti pala kung ganon, ano namang plano mo ngayong nalaman mo na yung ginawa ng magaling mong ex sa bestfriend ko? Pasalamat siya babae siya Borj dahil kung hindi baka nung kwinento pa lang sakin ni Roni yon sinugod ko na siya at sinapak." bakas sa boses niya ang inis.
YOU ARE READING
Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'
FanfictionThis story follows the journey of Roni, a woman deeply in love with her brother's bestfriend named Borj. Despite her best efforts to win his heart, Borj remains to be mad at her because of their unwanted marriage. And for him, it is all Roni's fault...