Borj's POV
"What happened? may nangyari ba satin?" natataranta kong tanong.
"Borj, hindi pa ba obvious?" siya pa may ganang magtaray. Wala na talagang kahihiyan.
What the hell!
"Wtf Trisha!" sigaw ko.
"Diring diri? akala mo naman first time natin to." nakita ko ang pag-irap na ginawa niya pagkatapos niya itong sabihin.
"Pero pinagsisisihan ko lahat ng yon!" galit na galit kong sigaw.
"You're so mean to me, Borj. Baka nakakalimutan mo? may hawak nakong alas ngayon." aniya na lalong nagpa-init ng ulo ko.
"No, you can't do that. Alam ko ang iniisip mo. Hindi mo magagamit to laban sakin, hindi maniniwala sayo si Roni!" konti na lang ay masasaktan ko na ang babaeng to.
Dahil sa sinabi ko ay tumawa naman siya bigla na siyang nagpa-kunot ng noo ko.
Baliw.
"Talaga? Well, let's see, Benjamin." kinuha niya ang cellphone niya na nakapatong sa bedside table at pinakita sakin ang kuha niyang picture na magkatabi kami at nakayakap pako sakanya.
No, no!
"Wala ka talagang kahihiyan Trisha. Hindi mo ba talaga kami titigilan? subukan mo kaming sirain ni Roni, itutuloy ko ang kaso laban sayo!" hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita dahil nagmamadali nakong nagpunta sa cr upang maligo at magbihis.
After ko ay siya naman ang sumunod na naligo. Hindi ko na siya hinintay pang matapos. Umalis na agad ako para umuwi.
Hindi ko sure kung nakauwi na si Roni pero may duplicate key naman ako ng bahay kaya makakapasok ako doon.
Nagpaalam nako kay Jv tsaka ako tuluyang umalis.
Roni's POV
Kakauwi ko lang and it's already 11am. Hinatid na rin ako nila kuya. Bukas ay babalik kami sa cottonwood dahil nagpromise kami kila mommy na ihahatid namin sila sa airport.
Pag-uwi ko ay ganon pa rin ang ayos ng bahay, walang nabago. Ibig sabihin ay wala pa si Borj.
Hindi siya umuwi?
Sinilip ko na rin ang kwarto, cr at likod ng bahay pero wala talaga. Tsaka ko lang naalala na wala pa nga pala ang kotse niya.
Hindi kaya nakauwi na talaga siya tapos may pinuntahan lang?
O baka naman sumunod kila mommy para sunduin ako?
Tatawagan ko na sana siya para masagot lahat ng tanong sa utak ko nang bigla naman siyang dumating.
Nung nakita niya ko ay nagulat ako noong bigla siyang tumakbo sa pwesto ko para yakapin ako ng mahigpit. I can also hear that he's sobbing.
Is he crying?
"Borj? are you crying? what happened?" nag-aalalang tanong ko. Medyo kinakabahan na rin ako, may kakaiba akong nararamdaman.
"Love? Come on, tell me, anong nangyari?" dagdag ko pa pero hindi talaga siya sumasagot.
Nakayakap lang siya sakin habang patuloy sa pag-hikbi. Rinig na rinig ko at alam kong umiiyak talaga siya.
Borj's POV
Noong nakita ko si Roni, parang tumigil ang mundo ko. Sobrang na-miss ko siya.
At bukod doon, lalo akong naguilty noong kaharap ko na talaga ang asawa ko.
YOU ARE READING
Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'
FanfictionThis story follows the journey of Roni, a woman deeply in love with her brother's bestfriend named Borj. Despite her best efforts to win his heart, Borj remains to be mad at her because of their unwanted marriage. And for him, it is all Roni's fault...