46: FINALE: Happily Ever After

389 33 17
                                    

2 YEARS AFTER

Roni's POV

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you."

"Happy Birthday Camilla!" sabay sabay na saad ng lahat.

Today is Camilla's 7th birthday.

Time flies so fast, big girl na ang baby namin.

"Happy birthday baby, blow your candles na." ani ko.

Napuno ng palakpakan at pagbati ang buong lugar matapos i-blow ni Camilla ang mga candles ng cake niya.

Si Borj naman ay masayang pinapanood ang anak namin habang karga karga si Nathan.

Yes, our son.

He is Nathan Amori S. Jimenez, a 2 years old lovely and charming baby boy.

Maraming nagsasabi na kung si Camilla ay kamukhang kamukha ni Borj, si Nathan naman daw ay parang carbon copy ko rin. Well, minsan ay nakikita ko rin naman iyon.

Simula noong ikasal kami ni Borj ay talagang walang naging malalang problema.

Halos hindi rin kami nag-aaway, may mga tampuhan lang which is normal sa marriage pero hindi rin naman nagtatagal at naaayos din.

And now, ito kami. A one big happy family. Happily married with our two little angels.

Marami kaming bisita today kaya medyo hassle at busy. Invited kasi lahat ng classmates ni Camilla pati yung teacher nila.

Also, ang barkada at mga families din namin ay nandito lahat.

"Love, let's eat." pag-aaya ni Borj.

Agad din naman akong sumama, hinawakan ko lang ang kamay ni Camilla habang si Borj ay kasalukuyan pa ring buhat si Nathan.

Magkakasama kaming naglakad papunta sa table ng barkada.

"Wow, happy family. Happy birthday Camilla namin!" bungad samin ni kuya.

"Hi Camilla, happy birthday! ninang Jelai loves you so much." aniya.

"Happy birthday baby, love ka ni Tita Missy, more bonding of us to come."

"Hello Camilla, happy 7th birthday. Here's my gift." woah, ang galante talaga ni Tonsy pagdating sakanya, ang laki ng gift.

Actually, spoiled sakanya ang anak namin, favorite inaanak niya raw kasi hahaha.

"Happy birthday Camilla, big girl ka na. Tito Junjun loves you so much."

"Hi sweetheart, happy birthday!" ani Tom.

Pati kami ni Borj ay hindi maiwasang matuwa everytime na may bumabati kay Camilla. Nakakatuwa dahil marami talagang nagmamahal sakanya.

Simula noong dumating si Nathan sa buhay namin, kahit kelan hindi nabawasan yung pagmamahal namin sakanya, mas nadagdagan pa nga eh.

We all love Camilla so much lalo na kami ng daddy niya. She will always be our first and forever baby.

After naming kumain ay pumasok na muna kami sa loob ng bahay, bibihisan ko si Camilla dahil natuyuan na niya ng pawis itong suot niyang dress.

Kanina pa rin kasi nakikipaglaro sa pinsan at mga friends niya.

Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'Where stories live. Discover now