Roni's POV
"Congrats Borj and Roni!" sabay sabay na saad ng lahat.
After ng proposal ay dumiretcho na kami sa restaurant inside this resort of Borj for the after party.
Our engagement party.
Magdi-dinner lang kaming lahat dito then after this ay napagkasunduan naming uminom.
Pinilit lang nila ko dahil minsan lang naman daw kaya wala rin akong nagawa, si Borj naman daw ang bahala sakin.
Magkakasama kaming kumakain ngayon sa iisang table habang masayang nagku-kwentuhan, nag-aasaran at nagbi-biruan.
Kasama namin ang parents and siblings ni Junjun, daddy and yaya ni Jelai, parents ni Tonsy at Tom, grandparents and mommy ni Borj. And of course, my parents.
Kaming magbabarkada lang ang iinom dahil yung mga parents namin ay maagang babalik ng Manila bukas dahil sa mga business nilang hindi pwedeng pabayaan.
Maiiwan ang mga kaibigan namin with us dahil gusto pa raw nilang mag-enjoy dito. Parang mga walang trabaho eh.
"Anong plano? kelan ang kasal mga anak?" biglang saad ni daddy.
"Si daddy naman, kaka-propose pa lang po kaya ni Borj noh, hindi pa nga kami nakakapag-usap ng kaming dalawa lang eh." wika ko na siyang nagpatawa sa lahat.
"Uhm, balak ko pong gawin as soon as possible. Hindi na rin po kasi ako makapaghintay na ikasal ulit kay Roni." bigla namang singit ni Borj sa gitna ng tawanan.
Palihim lang akong napapangiti dahil baka asarin pako nila kuya. Pero syempre, hindi yun nakatakas kay Jelai.
"Uy si sister, kinikilig." aniya. Sarkastiko ko naman siyang inirapan habang nakangiti. Okay, I'll admit, kinikilig talaga ko.
"Alam mo Junjun, kulang na sa lambing tong bestfriend ko eh noh, kaya pwede ba? please lang, paki-lambing na para manahimik." sarkastiko kong saad.
"Ganon ba? sige Roni, mamaya to sakin." ani Junjun dahilan para lahat kami ay matawa. Even tito Cesar, tita Elsie and tito Roger ay nakikitawa rin.
"Pero kidding aside, congrats Roni anak, and of course Borj dahil napa-yes mo yan hahaha. Wag mo nang sasaktan yang baby namin ha, we trust you Borj." seryosong sambit ni mommy.
Napatingin naman ako kay Borj na kasalukuyang nagsasalita. "I will mommy Marite, hindi ko na po sasaktan ulit si Roni. Thank you po for trusting me, ako na pong bahala sa anak niyo, I will take good care of her as well as our daughter."
"Aww, nakaka-touch naman." pang-aasar sakanya ni kuya dahilan para tignan niya ito ng masama.
"Biro lang, pero Borj! ingatan mo yang utol ko ah, pag yan pumunta sa bahay ng umiiyak hindi talaga ako magdadalawang isip na sapakin ka. Alagaan mo yang disney princess natin, maldita nga lang, pero kaya mo yan." dagdag pa niya.
"Kuya!" saway ko sakanya.
Nagtawanan naman silang lahat dahil dito. Kahit kelan talaga eh.
Naka-upo sa lap ngayon ni Borj si Camilla habang ako naman ang nagpapakain sakanya.
Nakakatuwa lang dahil naeexperience na niya ngayon yung one big happy family na matagal na niyang gustong maranasan.
Nararanasan na niyang maalagaan ng daddy niya and i'm so happy for her because of it.
Few minutes later
"Roni? Borj? pwede bang sa room na muna namin matulog tong si Camilla? namiss ko tong baby namin ng dada eh." pagpapaalam ni mommy.
YOU ARE READING
Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'
FanficThis story follows the journey of Roni, a woman deeply in love with her brother's bestfriend named Borj. Despite her best efforts to win his heart, Borj remains to be mad at her because of their unwanted marriage. And for him, it is all Roni's fault...