11: Bonding

255 30 4
                                    

Roni's POV

Pagtingin ko sa oras ay 6pm na, napasarap ang tulog ko dahil sa sobrang antok at pagod.

Borj was still sleeping, nakaharap siya sa side ko kaya kitang kita ko ang maamo niyang mukha habang natutulog.

He's so handsome, mukha siyang mabait at inosente kapag tulog. Kabaligtaran sa kung ano talagang ugali ang meron siya.

I love Borj so much, kahit sino hindi siya mapapalitan sa puso ko.

Marami nakong napagdaanan sa kamay niya, lahat ng sakit naranasan ko na. Kulang na lang ay ibitin niya ko para maging punching bag pero lahat yon tiniis ko.

Lahat ng pambababae, pananakit, hurtful words tinanggap ko dahil para sakin, mas okay na yon kesa mawala siya. Mas hindi ko kakayanin kapag nawala siya sakin.

Kahit sobrang mahirap ang pinagdadaanan ko ngayon, nasanay na rin ako sa ganon. Sanay nako sa presence niya kaya I don't want to lose him.

Masyado na rin akong maraming effort at sacrifices just to make him stay kaya hindi ako papayag na mabalewala lang lahat ng yon.

Masakit lang kasi hanggang ngayon, ako pa rin ang sinisisi niya sa lahat ng to. Never ko napagtanggol ang sarili ko sakanya dahil mas pinili kong manahimik at paulit ulit ko pang mas pipiliing manahimik para hindi kami masira.

Lahat ng ibinabato niya saking sisi, maling akala at kasalanan lahat yun walang katotohanan. Mas pinili ko lang talagang hindi ipaglaban ang sarili ko dahil sa tingin ko yun ang tama.

Ngayon, hindi ko siya maintindihan. He's giving me mixed signals kaya hindi ko alam kung ano ba talagang gusto niyang mangyari.

He kissed me, he gave me his neck pillow para lang maging comfortable ako at kalmado niya akong kinakausap palagi.

Of course natutuwa ako dahil sa mga yon pero hindi ko pa rin maiwasang matakot dahil pakiramdam ko ay pakitang tao niya lang lahat ng iyon.

Parang nararamdaman kong matinding sakit ang magiging kapalit ng lahat ng ito.

"Why are you staring at me?" biglang saad niya na dahilan upang bumalik ako reyalidad at marealize na gising na siya.

"H-ha? w-wala. Maliligo nako para makalabas na tayo." ang awkward pala kapag nahuli kang nakatitig sakanya. Ganito rin kaya naramdaman niya kanina nung nagising din ako?

Mabilis lang ang ginawa kong pagligo dahil hindi naman ako masyadong pinagpawisan kanina. Pagtapos ko ay naligo na rin naman agad siya.

Habang nag-aayos ng sarili ay may biglang kumatok. No choice ako kundi buksan ito dahil wala si Borj.

"Tom?"

"Pumunta ko dito para sunduin kayo ng magaling mong asawa. Ready na yung dinner, kayo na lang hinihintay."

"Ha? uhm, mauna ka na Tom, sabay na kaming pupunta don ni Borj. I'll just wait for him, naliligo pa siya eh."

"Okay." tipid niyang sagot.

Aalis na sana siya pero bago mangyari yon ay tinawag ko muna siya para magpasalamat. "Uhm, Tom?"

muli siyang napalingon dahil sa pagtawag ko sakanya. "yes?"

"Thank you." pagpapasalamat ko.

"Para saan?" nagtatakang tanong niya.

"For everything." nakangiting saad ko.

"Sus, ngayon pa nagdrama. Oh siya sige na mauna nako, sunod na lang kayo." aniya.

Pag alis niya ay sinarado ko na ulit ang pinto at ipinagpatuloy ang pag-aayos sa sarili.

Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'Where stories live. Discover now