Roni's POV
Parang unti-unting nadudurog ang puso ko nang marinig iyon mula kay Trisha.
Bakit? Bakit Borj?!
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, pakiramdam ko ay anytime bigla na lang akong babagsak.
I'm strong, pero bakit ngayon parang ang hina hina ko?
"Get out of here bago pako makagawa ng hindi maganda sayo." mahina pero punong puno ng galit na saad ni Borj.
"Ikaw naman, Borj. Hindi ka ba natutuwa ngayong magkaka-baby na rin tayo? don't tell me hindi mo to ginusto? remember, ikaw ang pumilit at nag-aya sakin nung gabing yon, pinagbigyan lang kita." mas lalo siyang tinignan ng matalim ni Borj dahil dito.
Tahimik lang akong nakikinig sa pag-uusap nila. Hindi ko pa kayang magsalita, hindi pa sapat ang lakas ko para sumabay sakanila.
Nanghihina pako dahil sa magka-halong sakit at galit na nararamdaman ko ngayon.
"What the hell, Trisha? baliw ka ba? lasing ako non, hindi ko alam ang ginagawa ko. Pwede ba? tumigil ka na please. Nakakahiya ka na, kahit konting kahihiyan bigyan mo naman ang sarili mo. Tanggapin mo na lang na si Roni na ang mahal ko at kahit kelan hindi mo na yon mababago." nilapitan niya si Trisha at harap-harapan itong ipinamukha sakanya.
"Paano mo nagagawang pagsalitaan ng ganyan ang mommy ng magiging anak mo? And you, Ronalisa, siguro naman enough na yang picture namin ni Borj para patunayang nagsasabi ako ng totoo?" aniya.
"Pwede ba? umalis ka na! get out!" sigaw sakanya ni Borj habang pilit siyang pinapalabas ng bahay.
Noong lumabas sila, unti-unti nang nagsi-sink in sakin lahat. Lahat ng kahayupan nilang dalawa.
At ngayon, unti-unti naring nalilinawan at nabibigyan ng sagot ang mga tanong sa utak ko.
I suddenly remember the next day after Jv's birthday.
Noong pagkauwi ni Borj ay bigla na lang niya akong niyakap habang umiiyak.
Noong pinilit niya kong mangako na wag maniwala sa sasabihin ng iba lalo na sa mga taong gustong manira samin.
Ngayon, naiintindihan ko na. Kaya niya ako biglang niyakap habang umiiyak ay dahil sa nagawa niya.
Kaya niya ako pinilit na mangako ay para unahan si Trisha, para kung ano man ang sabihin niya ay hindi ko paniwalaan. Para hindi ko paniwalaan ang about dito.
Ang galing!
But I found out na Trisha was telling the truth, enough na yung ultrasound niya at picture nila ni Borj para mapaniwala ako. Sapat na yon, sobra sobra pa.
Sa mga oras nato, isa lang ang naiisip kong gawin.
Habang nasa labas si Borj ay tumakbo nako paakyat sa kwarto namin para mag-impake.
Ilang minuto pa ay bigla naman siyang dumating, gulat niya akong tinignan nang makita ang ginagawa ko.
Mahirap pero kailangan ko itong gawin, for the both of us and of course for our baby. Ayokong lumaki siya sa ganito kagulong buhay. Ayokong masaksihan niya ang panlolokong ginawa ng daddy niya.
Pilit niyang inaagaw sakin ang maleta at mga damit na inilalagay ko dito pero nagmatigas ako, nilalabanan ko ang pwersa niya para hindi siya magtagumpay.
At noong napuno nako, hindi ko na napigilan pang magsalita.
"Ano ba?! let me go! pwede ba? hayaan mo nako. Aalis ako at hindi mo na mababago ang desisyon ko, naiintindihan mo ba yon?" sinadya kong diinan ang bawat salitang binibitawan ko para maramdaman niya kung gaano ako kagalit sakanya.
YOU ARE READING
Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'
FanfictionThis story follows the journey of Roni, a woman deeply in love with her brother's bestfriend named Borj. Despite her best efforts to win his heart, Borj remains to be mad at her because of their unwanted marriage. And for him, it is all Roni's fault...