Roni's POV
"Happy birthday Roni!" bati sakin ni Borj pagka-gising na pagka-gising kaninang umaga.
It's my 28th birthday, we just prepared a simple birthday celebration. Hindi na rin kami lumayo pa, dito ko piniling mag-celebrate kila mommy.
I choose to celebrate it here dahil ito yung lugar na pinaka tini-treasure ko.
Dito ako lumaki, maraming memories ang nabuo at dito ko nakilala yung mga taong ngayon ay malaking bahagi na ng buhay ko.
We just invited those people na talagang malalapit lang sa puso ko. Ang barkada, family nila, family ni Borj at family ko.
Nakakamiss dito, sa lugar kung saan kami lumaki ng buong barkada, nabuo at nagka-sama samang gumimik.
Those memories were just, THE BEST!
Magdi-dinner lang kami mamayang gabi, ganoon ko kasi napiling i-celebrate ang birthday ko.
Simple man pero alam kong magiging masaya dahil kumpleto at nandoon lahat ng mga taong mahalaga sakin.
Nandito na kami nila Borj at Camilla sa bahay nila mommy. Kanina pa kaming umaga dito and now, it's already 3 pm.
Ang barkada, nasa bahay na rin ng mga families nila dito sa cottonwood.
Actually, kami lang namang magkakaibigan ang umalis dito sa subdivision pero ang mga pamilya namin ay dito pa rin talaga nakatira.
After 5 years, ngayon ko na lang ulit makakasamang mag-celebrate ng birthday lahat ng mahahalagang tao at talagang naging malaking parte ng buhay ko.
This is also the first time na magbi-birthday ako ng ayos kami ni Borj bilang mag-asawa. At higit sa lahat, kasama ko silang dalawa ni Camilla.
By the way, medyo nagtatampo ako kay Borj. Kaninang umaga niya pa kasi ako parang dinededma, hindi siya masyadong malambing.
Hindi niya rin ako masyadong pinapansin, parang wala lang ako salanya. Katulad ngayon, birthday na birthday ko pero wala siya dito.
Kaninang mga 1 pm pa siya umalis at hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta dahil wala siyang nabanggit sakin.
Borj's POV
Kasalukuyan akong nandito sa clubhouse, hindi lang ako. Kasama ko ang barkada.
Oo, ayos na kaming lahat. Nalaman nilang okay na kami ni Roni noong gabing sinurprise visit nila ang asawa ko.
Ang hindi nila alam, sila ang masusurprise.
Kinausap na rin nila ko tungkol kay Roni lalong lalo na si Yuan. Alam na rin nila lahat ng nangyari. Lahat ng panloloko samin nila Basti at Trisha.
Kahit sila nanghinayang sa five years na nawala samin ni Roni, pati friendship naming lahat nawala din daw dahil doon.
By the way, kaya kami nandito sa clubhouse ay dahil abala kami sa surprise birthday party na hinahanda namin para sa isang special na babae sa mga buhay namin.
Ang alam ni Roni, magkakaroon kami ng dinner mamaya, yun din kasi ang request niya. Pero syempre hindi naman kami papayag na yun lang yon.
We want this day to be a memorable one for her. Hindi namin hahayaang maging ganon ka-simple ang special day ng special girl namin.
Ang plano, wala talagang magaganap na dinner sa bahay nila Mommy Marite mamaya.
Sabi niya sakin kanina, she doesn't want to go outside her room hangga't hindi pa dinner time.
YOU ARE READING
Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'
FanfictionThis story follows the journey of Roni, a woman deeply in love with her brother's bestfriend named Borj. Despite her best efforts to win his heart, Borj remains to be mad at her because of their unwanted marriage. And for him, it is all Roni's fault...