Roni's POV
Isang linggo na ang nakalipas simula noong sinugod ako sa hospital dahil nalipasan ako ng gutom ng isang buong araw.
I'm with Tom right now, we're here on his bar dahil dito namin napiling i-celebrate ang muling pagkikita namin after how many years we didn't see each other.
Ngayon lang natuloy ang usapan naming maghang-out together dahil buong linggo rin akong busy.
Kinailangan ako sa coffee shop dahil sa sobrang daming customer, problema at emergency.
Bukod doon, I also went to Laguna to check Borj's resort. Pabalik balik ako doon dahil I can't stay there for too long. I need to go back here in Antipolo because I also have a business na kailangan ko ring asikasuhin.
Syempre, inaasikaso ko rin si Borj at ang bahay namin. I was busy and tired at the same time for the whole week kaya hindi ko na naisingit pa itong plan namin ni Tom.
And now that my schedule is finally free, hindi na kami nag-aksaya pa ng oras. Sinusulit na namin itong gabing ito dahil bukas at sa mga susunod na araw ay magiging busy na ulit kami pareho.
"How's your drink?" aniya.
We both ordered drinks with no alcohol, we just want to enjoy this night nang hindi nalalasing para mas lalong masulit namin itong reunion naming dalawa.
"Taste good" sagot ko.
"Well, good to know. Eh ikaw? kumusta ka?" pangungumusta niya.
"Alam mo hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang may sarili ka nang bar."
"Roni, wag mong ibahin ang usapan. Ano? kumusta ka?" halata sa mukha ni Tom ang pagka-seryoso.
"O-okay naman. I'm happy with...with Borj." nginitian ko siya nang pilit para ipakitang okay lang talaga ako.
"Alam mo Roni, didirechuhin na kita. I know na merong something na hindi magandang nangyayari between you and Borj. Now, umamin ka sakin, are you really happy with him?" napalunok naman ako dahil dito. Matalinong tao si Tom, observant at malakas ang instinct.
"Ano ka ba Tom, of course I'm happy with him, he's my husband." pagpapalusot ko.
"No you're not. Come on Ronalisa, sakin ka pa ba magsisinungaling? I know you're hiding something." seryosong saad niya.
Napa-buntong hininga na lang ako dahil alam kong wala na talaga akong takas kay Tom. "Bakit nga ba sayo pako nagsinungaling eh alam ko namang simula nung dumating ka lahat ng kilos namin ni Borj binabantayan mo, and I know rin na matalino kang tao at nase-sense mo lahat ng nangyayari sa paligid mo. Kaya fine, I'll tell you what's really happening to me."
"See? go ahead, hahayaan kong matapos kang magkwento bago ako magreact o sumingit. I'll listen." aniya.
Huminga muna ako ng malalim. Alam kong magagalit to kapag narinig niya lahat but I need to do this. Siya lang ang kaya kong pagsabihan ng mga nangyayari sa buhay ko even before.
Ngayon pa lang naiimagine ko na ang mga pwede niyang gawin kay Borj pero kilala ko si Tom, kapag pinakiusapan ko siya, hindi niya ako bibiguin.
I'm hesitant pero I trust him, alam kong si Tom lang ang makakatulong sakin para gumaan ang loob ko kahit papano.
Hindi ko to magawa kapag kaharap ko ang barkada dahil kaibigan din nila si Borj at ayokong masira ang pagkakaibigang meron sila.
"What I and Borj have right now was all nothing. Para simulan lahat, noong 23rd birthday ni kuya, we celebrated it. Syempre sa pagcecelebrate, hindi mawawala ang inuman. Sobrang saya namin noong gabing iyon dahil nakumpleto ulit kami, alam mo naman, lahat kami may mga kanya-kanya nang pinagkakaabalahan.

YOU ARE READING
Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'
FanfictionThis story follows the journey of Roni, a woman deeply in love with her brother's bestfriend named Borj. Despite her best efforts to win his heart, Borj remains to be mad at her because of their unwanted marriage. And for him, it is all Roni's fault...