24: A Big Mistake

247 27 11
                                    

Borj's POV

"Love? are you sure you don't want to come with me?" tanong ko.

"Yes, i'm okay. Tsaka hindi ko naman ka-close si Jv para sumama pako sayo, love." aniya.

"Pero siya na mismo nagsabi, pwede ka raw sumama. Sama ka na please?" pangungumbinsi ko sakanya.

"Love, don't mind me, okay? Mag-enjoy ka na lang doon. Pupunta na muna ko kila Mommy, matagal tagal ko na rin silang hindi nabibisita eh." Roni said.

"Kung inaalala mo kami ni baby, don't worry, okay na okay kami. Just go and enjoy love." dagdag pa niya.

"Thank you, love. Tara, hatid na kita kila Mommy Marite." pagpe-presinta ko para bago man lang ako umalis ay ma-sure ko na safe ang mag-ina ko.

"Borj, wag na. Susunduin ako ni Kuya Yuan, napag-usapan na namin to na sabay kami bibisita kila Mommy kaya go ahead, behave ha?" kahit naman hindi niya ako sabihan, magiging good boy lang talaga ako doon. Takot ko lang na makagawa ng ikakagalit ni Roni noh.

"You don't have to remind me, I'll behave, promise." itinaas ko pa ang kanang kamay ko bilang pangangako. Natawa naman siya dahil dito.

"Oh siya sige na, umalis ka na. Maya maya baka dumating na sila Kuya kaya mag-aasikaso na rin ako." hay nako, itinataboy nako ng asawa ko.

"Love naman eh, tinataboy moko, hindi mo na siguro talaga ako mahal." yumuko ako at umaktong parang nalulungkot na siyang dahilan para mas lalo siyang matawa.

"Alam mo Borj? ang oa mo talaga. I love you, love." pagkarinig ko nito ay masaya ko siyang tinignan at binigyan ng isang malawak na ngiti.

"I love you more, Roni. Sige na, aalis nako. Ingat kayo pag-alis ha, ingat kayo ni baby. Bye love." bago tuluyang umalis ay niyakap ko muna siya ng mahigpit at hinalikan sa labi ng halos ilang segundo.

Bakit ganon? iba ang pakiramdam ko ngayon. Para akong kinakabahan na ewan.

Hinalikan ko na rin siya sa noo at tyan, nagpaalam na rin ako ng pansamantala kay baby bago ako tuluyang umalis.

Hindi nako nagpahatid sa labas kay Roni, naiwan siya sa kwarto namin. Mag-aayos na rin daw siya dahil maya maya lang ay dadating na sila Yuan at Missy para sunduin siya.

I'm on my way to Jv's house. Birthday niya ngayon at invited ako. Sinabihan niya nga rin ako na kung gusto kong isama si Roni ay pwede naman.

Kaso lang, ayaw naman niya pero naiintindihan ko yon. Siguro ay hahayaan ko na muna siya ngayong makasama ang pamilya niya dahil matagal-tagal na rin noong huli silang nakapag-bonding ng sila sila lang.

Nagsabi na rin siya sakin kanina na baka bukas pa siya makakauwi, she want to spend more time with her kuya and their parents.

Pumayag ako dahil wala naman akong karapatang pigilan siyang makasama ang pamilya niya. Tsaka isa pa, kampante ako na safe siya doon.

Ilang minuto pa ay nakarating nako sa bahay ni Jv, marami nang bisita dahil halos 4 o'clock na ng hapon.

Pagkarating na pagkarating ko ay hindi ko naman kinalimutang tawagan si Roni para i-update na nandito nako.

B: [Hi love, i'm already here.]

R: [Good to know. Enjoy ka dyan. Wag mo kaming alalahanin ni baby, we're okay here.]

B: [Yes, love. By the way, andyan na ba sila Yuan?]

R: [Wala pa, but he called me naman na kanina. On the way na raw sila.]

Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'Where stories live. Discover now