5 YEARS AFTER
Borj's POV
"Daddy, can you play with me?" aniya.
"Baby, daddy needs to work. Just call your mom and play with her, okay?" pag-tanggi ko habang kasalukuyang nagbibihis.
"Okay." tipid na sagot nito.
Woah, limang taon na pala ang nakakalipas.
Ang bilis ng mga pangyayari, akala ko hindi nako makakabangon mula sa sakit. Ilang araw, buwan at taon ako walang ibang ginawa kundi isipin...
siya.
Flashback
No! hindi pwede!
"Borj!" rinig kong pagtawag ni Yuan sakin. Hindi ako makalapit sakanila, hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko nang mapagtantong wala na si Roni.
She's gone, she left me. This is her plan pala, to leave me without any idea. Ang sakit!
Umiiyak na lumapit sakin si Yuan at agad akong niyakap habang ako ay kasalukuyan pa ring blangko ang mukha, umaasa na nandito pa si Roni, o di naman kaya ay bigla niya maisipang bumalik.
Nagsilapit na rin ang buong barkada sa pwesto namin. I saw them crying even Tonsy, Junjun and Tom.
"Borj, nakaalis na siya. Hindi na kayo nag-abot." parang dinurog ang puso ko nang marinig ito.
Dito na rin nagsimulang magbagsakan ang mga luha kong kanina pa nagbabadyang pumatak.
"Hindi, hindi Yuan. Sabihin mong nagbibiro ka lang, please. Hindi aalis si Roni, hindi niya ko iiwan. No, hindi pwede!" napaupo na lang ako at doon humagulgol.
Ilang minutong walang nagsalita sakanila, they're just staring at me while crying. Si Yuan naman ay nakayakap lang sa akin habang umiiyak at patuloy akong pinapakalma.
Noong kalahating oras na ay inaya na nila kong umuwi. Kahit ayoko pa ay wala akong magawa dahil hindi sapat ang lakas ko ngayon para pigilan silang alalayan akong lumabas ng airport.
Minutes after ay nakarating na kami sa bahay nila Yuan, dito nila ko dinala pansamantala.
"Borj, i'm sorry." panimulang saad niya.
"Bakit naman ganon pare? May plano pala siyang umalis nang hindi ako sinasabihan. Pati kayo, alam niyong iiwan niya nako pero kahit isa sainyo wala man lang nagsabi sakin noong marami-rami pa siyang oras dito. Ang sakit." here we go again, hindi ko na naman mapigilang umiyak.
Ang sakit kasi, yun na pala yung mga huling araw niya dito sa Pilipinas hindi ko man lang nasulit. Hindi ko man lang siya napigilang umalis.
If I only knew it, if I only knew.
"Borj, ayaw lang namin na pareho kayong mahirapan. She wants it. Kami dito? sa totoo lang ayaw naman talaga naming umalis siya eh, pero wala kaming magawa. She just want to live with a peaceful life at wala kaming karapatang ipagkait yun sakanya.
We're very sorry kung hindi namin sinabi sayo agad, i'm so sorry. Pasensya na kung hindi man lang kayo nabigyan ng pagkakataong makapagpaalam sa isa't isa." ani Yuan.
YOU ARE READING
Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'
FanfictionThis story follows the journey of Roni, a woman deeply in love with her brother's bestfriend named Borj. Despite her best efforts to win his heart, Borj remains to be mad at her because of their unwanted marriage. And for him, it is all Roni's fault...