2: The Anniversary

277 22 1
                                    

1 year after

Roni's POV

Ngayon ang first wedding anniversary namin ni Borj.

Ang bilis, 1 year ago na pala noong kinasal kami.

One year na rin akong nagtitiis sa pagiging malupit niya sakin.

Dito ako nakatira sa bahay ni Borj, hindi na kami bumili ng bahay dahil siya lang din naman ang nakatira dito.

Since ito ang first year namin together, I decided na umabsent muna sa coffee shop para mag-prepare ng surprise for him.

Nag-prepare lang ako ng simple but full of love na surprise para sakanya. Nagluto ako ng iba't ibang pagkain, nagpa-lobo ng mga red balloons at ikinalat ang mga ito sa sahig, Nagdesign din ako sa wall na may nakasulat na 'Happy Anniversary, Love!', hinanda ko na rin yung gift kong dati niya pa gustong gustong bilhin.

Wala siya ngayon, for sure nasa bar nanaman yon. Simula nung ikasal kami puro inom, gimik at tambay sa bar na lang ang inatupag niya.

Ako na rin ang nag-aasikaso sa resort niya sa Laguna dahil pinabayaan niya yon. Nag-resign na rin siya sa restaurant na pinapasukan niya bilang chef.

Sinira ni Borj ang buhay niya dahil sa sobrang galit niya sakin.

Hindi alam nila kuya, mommy at daddy ang ginagawang pagpapahirap sakin ni Borj, ganon din ang family niya at ang barkada. Ang alam nila ay masaya kaming dalawa.

Kapag kasama at kaharap kasi namin sila ay kunwaring mabait at alagang alaga ako ni Borj. Hindi ko rin sinasabi sakanila ang pinagdadaanan ko dahil mahal ko si Borj at ayokong masira ang image niya sa kanilang lahat, lalong lalo na kay kuya Yuan.

Simula noong ikasal kami ni Borj ilang babae na rin ang dinala niya dito sa bahay, ilang babae na ang kinama niya at lahat yon ay nasaksihan ko.

Magkahiwalay kami ng kwarto dahil sabi niya, ayaw niya raw akong katabi sa kama. Sa kwarto niya dinadala lahat ng babaeng inuuwi niya dito. Kahit masakit ay hinahayaan ko lang.

Mas okay na yon kesa mawala sakin si Borj, mas hindi ko kakayanin.

Sa isang buong taon din naming magkasama, never siyang naging mahinahon sa pakikipag-usap sakin, lagi niya akong pasigaw kausapin, minsan naman ay hindi niya ako pinapansin.

May mga panahon din na sinasaktan niya ko physically, lalo na kapag lasing siya.

One time, sinurprise visit ako nila kuya at ng barkada dito, nakita nilang may pasa ako sa braso, nagpalusot na lang ako na nabangga lang yon sa lamesa noong tatayo na dapat ako. Naniwala rin naman agad sila at hindi na nagtanong pa.

Lahat ng sakit naranasan ko na kay Borj pero lahat yon tinanggap at hinayaan ko lang na gawin niya sakin. I love him so much, lahat gagawin at iintindihin ko para sakanya. Tsaka isa pa, sanay na rin naman ako.

Hinding hindi ko siya susukuan dahil alam kong dadating ang oras na matatanggap at mamahalin niya rin ako.

It's 12am, nagising ako dahil sa ingay na narinig ko mula sa pinto. Hindi ko rin namalayan na nakatulog na pala ako dito sa sofa kakahintay sa asawa ko.

Binuksan ni Borj ang ilaw at nakita niya ang mga inihanda ko.

Nagulat ako dahil hindi siya lasing. Ibig sabihin ay hindi siya sa bar galing, saan kaya siya pumunta?

"Ano nanaman tong kabaliwan na to, Ronalisa?!" imbes na masurprise at matuwa ay sigaw ang ibinungad niya sa akin.

"Uhm...B-borj? hindi mo ba naaalala? ngayon yung first wedding anniversary natin" pilit ko siyang nginitian.

Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'Where stories live. Discover now