Borj's POV
The next day
Hindi ko na alam kung pano ako nakauwi kagabi, sa sobrang kalasingan ay wala na akong alam sa mga nangyari.
Noong nag-away kami ni Roni kahapon, umuwi agad ako dahil nagbabaka-sakali akong nandito na rin siya, but I was wrong.
Pag-uwi ko ay wala pa rin siya. I waited her for hours pero hindi talaga siya dumating. Dahil sa sobrang inis ay nagdesisyon na lang akong pumunta sa bar at magpaka-lasing.
Para din pansamantala ko munang makalimutan ang nangyari at kung paano sinikreto ni Roni sakin ang tungkol sakanila ni Basti.
Buti na lang at sinamahan ako ni Jv, one call away lang din naman yon basta bar ang pupuntahan.
Madaling araw na ako nakauwi, ang huling naaalala ko lang ay nagda-drive ako.
When I check my phone right now, may 7 missed calls ako galing kay Tom.
Bakit naman niya ko tatawagan ng ilang beses?
When he called me ay nasa bar nako kaya hindi ko nasagot ang mga tawag niya.
Kahit sobrang curious ay hindi na ako nag-abala pang tawagan siya upang tanungin. Hindi rin naman kami close.
Pagkatapos kong maligo ay agad na rin akong bumaba dahil nakakaramdam nako ng gutom.
Pag-baba ko ay nakita ko naman si Roni na naghahanda ng pagkain ko.
"Saan ka nagpunta kahapon?" pambungad na tanong ko.
"I was with Tom yesterday, nandoon lang kami sa rooftop ng bar niya, doon na rin ako nagpalamig ng ulo." sagot niya.
"Ikaw pa talaga ang may ganang magpalamig ng ulo. Masyadong pa-victim. Hindi na lang umamin." hindi na siya umimik pa pagkatapos kong sabihin ito.
Habang kumakain kami ay bigla na lang siyang tumayo sa kinauupuan niya at nagmamadaling tumakbo papunta sa cr.
Sinundan ko siya dahil sa pag-aalala. I saw her vomiting for the second time.
Bakit ba siya nagsusuka tuwing umaga?
I gave her a glass of water at ininom niya rin ito agad. Dahil sa curiosity, I decided to ask her if what's happening and if she's okay.
"Are you okay? ano bang nangyayari? masama pa rin ba pakiramdam mo?" sunod-sunod na tanong ko.
"I'm okay, sumama lang siguro ang tyan ko." aniya.
Hindi ko naman na siya kinulit pa, tinuloy ko na lang ang pagkain ko at ganon din ang ginawa niya.
Roni's POV
Muntik nako don, buti na lang nakapag-isip agad ako ng palusot.
Sasabihin ko rin naman sakanya pero I think this is not the right time. Nararamdaman kong hindi pa ngayon.
Habang kumakain ay ang daming pumapasok sa isip ko. Naninibago at nagtataka pa rin ako kung bakit biglang nag-iba ang pakikitungo sakin ni Borj.
Before the trip, ibang iba na ang pagtrato niya sakin. He's not making things complicated ng walang dahilan, unlike before na kahit maliit na bagay, kahit simpleng pag-galaw ko ay naiinis na agad siya.
Pero ngayon? ibang ibang Borj ang kaharap ko, he's so calm and most of the time, pinapafeel niya sakin na hindi nako iba sakanya.
Nagagalit siya pero paminsan minsan na lang, siguro kapag kasama ko si Tom, hindi ko alam kung anong problema niya, basta everytime na kasama ko si Tom, nag-iiba ang mood niya.
YOU ARE READING
Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'
FanfictionThis story follows the journey of Roni, a woman deeply in love with her brother's bestfriend named Borj. Despite her best efforts to win his heart, Borj remains to be mad at her because of their unwanted marriage. And for him, it is all Roni's fault...