1 month after...
Roni's POV
Today is my birthday. Ayoko sanang magcelebrate pero pinilit ako nila mommy dahil once a year lang naman daw ito.
It's 3pm, nagsisimula nang magsi-datingan ang mga bisita sa bahay namin ni Borj, dito ko rin kasi piniling magcelebrate.
Maya maya lang ay dumating na rin ang barkada.
"Sister! Happy birthday!" masiglang pagbati ni Jelai.
"Happy birthday Roni!" nakangiting saad ni Junjun.
"Happiest birthday Roni!" ani Tonsy.
"Happy birthday lil sis, love you" pagbati ni kuya sabay beso sakin.
"aaaahhh, happy birthday sis Roni!!!" sabay sabay kaming napatakip sa mga tenga namin dahil sa sigaw at malakas na boses ni Missy.
Pagkatapos nilang bumati ay agad naman nilang inabot sakin ang mga regalong hawak nila.
"Thank you guys, tara pasok kayo. Kuya, nandun sila Mommy sa loob" pag-aaya ko.
Habang naglalakad ay bigla akong napahawak sa balakang kasabay nito ang pag iba ng expression ko na tila para bang nasasaktan.
Napansin ng barkada ito kaya para hindi sila mag-alala ay nagkunwari na lang ako na hindi na masakit at sinenyasan silang okay lang ako.
Iniwan muna namin ang boys kila Mommy dahil niyaya ako nila Jelai at Missy na lumabas saglit.
"Sis? nasan si Borj? halos kumpleto na bisita mo pero yung asawa mo wala? nagtatakang saad ni Jelai habang patuloy na iginagala ang kanyang paningin.
Nagbabaka-sakaling makita niya si Borj.
"h-ha? uhm, a-ano kasi eh...may, may inaasikaso lang sa resort. Nagka-problema daw kasi eh. Actually nung una ayaw niya pa ngang umalis kasi nga birthday ko raw, pinilit ko lang siya na unahin na yon since emergency talaga." pagpapalusot ko.
Sa totoo nyan, hindi ko talaga alam kung nasaan ngayon si Borj. Nag-away kasi kami kaninang umaga dahil kay Trisha, bigla siyang umalis at hindi ko alam kung saan nagpunta.
Flashback
Kasalukuyang naliligo si Borj ngayon, habang naglilinis ako ay nakita ko ang cellphone niya sa table. Hindi ko man gustuhin ay parang may humihila sakin para i-check ito.
May password ang cellphone niya, triny ko lahat ng pwede niya gawing passcode pero isa lang ang gumana. Anniversary date nila ni Trisha.
Kahit sa password si Trisha pa rin.
Nabasa ko kung paano siya yayain ni Trisha na magcheck-in sa motel, nagreply pa si Borj na pumapayag siya.
Ang sakit. All this time si Trisha pa rin? 1 year na ang nakalipas pero si Trisha pa rin ang mahal niya. And wow! nakabalik na pala siya.
The same day after kami ipagkasundo ni Borj ng family namin ay ayun din ang araw na nalaman naming nag-break na sila ni Trisha. That night ko rin nalaman na kaya pala umiiyak at galit na galit sakin si Borj nung pinuntahan ko siya ay dahil sa break up nila.
Few weeks after, nalaman naming lahat na umalis na pala si Trisha papuntang states para doon na manirahan.
I feel sad and guilty for what happened pero wala akong magawa.
Isa rin sa mga reason kung bakit galit na galit sakin si Borj ngayon ay dahil buong akala niya ginusto kong maikasal kami.
Alam niyang matagal ko na siyang gusto kaya akala niya ay wala akong ginawa para hindi matuloy ang kasal namin.
YOU ARE READING
Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'
FanfictionThis story follows the journey of Roni, a woman deeply in love with her brother's bestfriend named Borj. Despite her best efforts to win his heart, Borj remains to be mad at her because of their unwanted marriage. And for him, it is all Roni's fault...