37: The Hidden Truth

293 34 21
                                    

Trisha's POV

I know Camilla, she's the biological daughter of Borj. Totoong anak niya kay Roni.

Paano ko siya nakilala? well, paano at kanino nga ba?

You'll find out later...

So, ngayong nagkita na ang anak ko at si Camilla, hindi malayong makasalubong o makita na rin siya ng biglaan ni Borj.

So that means, we need to make a plan kung paanong hindi sila magkita.

Kahit kelan!

Lalong lalo na silang dalawa ni Roni. I won't let their paths to cross again, hinding hindi ako makakapayag.

About Ciara, she's my biological daughter...but not Borj's.

Yes, hindi siya anak ni Borj. Anak ko siya sa ibang lalaki, sa lalaking konektado din kay Roni.

Our plan became successful, limang taon namin silang napaghiwalay. Ilang taon ang nasayang sa kanila at dahil yon sakin, samin.

Flashback

5 years ago...

Dahil sa nararamdaman kong sakit at galit kay Borj ay gusto kong mag-inom, magpakalasing at kalimutan ng pansamantala lahat.

Hindi ko sinasadyang matulak si Roni na dahilan para duguin siya dahil lasing ako at hindi ko alam ang ginagawa ko.

But because of what he did? ang sugudin at pagsalitaan ako? well, I think Roni really deserves it.

Walang hiya siya, inagaw niya na nga sa akin noon si Borj ngayon naman yung babaeng yon ang dahilan kung bakit galit na galit siya sakin.

Sinasabi ko sainyo, hindi niyo magugustuhan ang ganti ko. Hindi ko kayo patatahimikin, hindi ko kayo hahayaang maging masaya.

I will do everything to destroy your relationship. Hintayin niyo Ronalisa at Benjamin, babalikan ko kayo!

I'm on my way papunta sa bar. Maya maya pa ay nakarating na rin ako at agad na pumasok. For now, ang gusto ko lang ay makalimot kahit pansamantala lang.

Habang naghahanap ng vacant table ay bigla kong nakabangga si Epoy, isa sa mga college friend ko.

Niyaya niya ko na sumama sakanya dahil may kasama raw siya, hindi naman nako tumanggi dahil wala na rin akong makitang bakanteng pwesto.

"Basti, friend ko." ani Epoy.

Oh, Basti...

Infairness, may itsura siya. He's good looking at mukhang mayaman.

"Hi, I'm Sebastian Barrios but you can just call me Basti. How about you?" pagpapakilala niya. Iniabot niya pa ang kamay niya para makipag-shakehands.

Agad ko naman itong tinugunan.

"H-hi, I'm Trisha James. Trisha for short." saad ko.

"Oh, nice name Trisha. By the way, nice to meet you." aniya.

Nginitian ko naman siya bilang sagot. Halos ilang minuto rin bago ako tuluyang naging komportable sakanya.

Maya maya pa ay hindi namin namamalayan na nag-eenjoy na kami sa company ng isa't isa.

Kwentuhan, tawanan at biruan, ilan lang yan sa mga ginawa namin habang nag-iinom.

Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'Where stories live. Discover now