Roni's POV
"Kuya?" pagkuha ko ng atensyon niya na kasalukuyang mag-isa ngayon sa sala.
"Oh Roni, halika dito."
"Sorry nga pala sa nangyari kahapon, hindi ako nakapag-pigil eh. Sorry Roni ah, binigyan na naman kita ng ikaka-stress mo." paghingi niya ng paumanhin.
"Okay lang yun kuya. For sure sa ginawa mo matatauhan na yun si Borj, mas okay na rin siguro yon para tigilan na niya ko." kailangan kong maging matapang. Sana naman sa ginawa sakanya ni kuya tuluyan na niya kong hayaan.
Sana hindi na siya bumalik dito. Kasi aside sa ayoko na siyang makita, natatakot din ako na baka hindi na lang suntok ang matanggap niya kay kuya sa susunod.
"Mahal mo pa ba?" gulat ko siyang tinignan nang marinig ito mula sakanya.
"Alam mo kuya, hindi naman yun mawawala basta basta eh. Lahat ng hirap at sakit na binigay niya sakin tiniis ko dahil mahal na mahal ko siya, kaya hindi rin talaga ganun kadaling mag-move on. Isa pa, kaya naman ako nasasaktan ngayon is because I love him. Mahal ko si Borj pero this time, hindi ko na ipipilit yung kung anong meron kami. That's it, tatanggapin ko na lang." pakiramdam ko ay anytime bigla nanamang may tutulong luha sa mga mata ko.
Ang totoo niyan, namimiss ko na rin talaga si Borj. I badly want to feel his hugs and kisses again.
Pero sad to say, hindi na talaga ako magpapadala sa nararamdaman ko para sakanya. Alam ko namang sa una lang to and I also know na parte to ng process.
"Hindi mo ba ipaglalaban yang nararamdaman mo?" bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin? anong nangyayari kay kuya? parang kahapon lang kulang na lang ay lumpuhin niya si Borj dahil sa sobrang galit.
Ngayon siya pa tong parang nagpupush sakin kay Borj.
"Kuya, tao lang din ako, napupuno. And besides siguro naman enough na lahat ng efforts ko just to save our marriage diba? Sagad nako kuya eh, wala nang natira sakin, binigay ko na sakanya lahat pero wala, wala akong napala.
Yung ginawa nila ni Trisha? hindi acceptable yun kuya. Ibang usapan na yon. Buntis ako, magkakaanak na kami tapos bigla kong malalaman na nakabuntis din siya? Hindi ko kayang sikmurain yon.
Hindi ko kayang lumaki yung anak ko na nakikitang may ibang anak din yung daddy niya. Hindi ko kaya yun kuya. Ayokong maging miserable ang buhay ng anak ko." and I will do everything para patunayan kay Borj na kaya naming mabuhay ng wala siya.
I can take care of my child on my own. Without any help from him. Papatunayan ko yan.
"Roni, oo galit ako kay Borj, galit na galit ako sakanya, pero nakikita ko sa mga mata niya yung pagsisisi. Wala na ba talagang chance para maayos kayo? hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? pano yung anak niyo? ayaw mo bang maranasan niyang magkaroon ng buo at masayang pamilya?" aniya.
"Lahat ng chance na kaya kong ibigay nabigay ko na. Hindi na magbabago ang isip ko kuya, desidido at buo na ang desisyon ko, hindi na yun mababago.
Gustong gusto kong bigyan ng maayos na pamilya ang anak ko, pero paano kung yung mismong tatay niya ang nagdamot sakanya non? paano kung si Borj mismo ang gumawa ng dahilan para masira ang pamilya namin?
Mas gugustuhin kong palakihin siya nang ako lang, kaya ko kuya, ibubuhos ko sakanya lahat ng pagmamahal ko, hindi ko hahayaang maramdaman niyang may kulang." alam kong nararamdaman ni kuya na nahihirapan ako sa sitwasyon kaya niya to ginagawa.
Kahit hindi niya sabihin, alam kong pasimple niyang gustong maayos ang relasyon namin ng bestfriend niya.
Naguguluhan nga ko eh, ano kayang pumasok sa isip niya at ngayon pinagtutulakan niya kong ayusin yung marriage naming dalawa ni Borj?
YOU ARE READING
Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'
FanfictionThis story follows the journey of Roni, a woman deeply in love with her brother's bestfriend named Borj. Despite her best efforts to win his heart, Borj remains to be mad at her because of their unwanted marriage. And for him, it is all Roni's fault...