1 month after
Roni's POV
Isang buwan na ang nakalipas, at sa isang buwan na yon, sobrang daming nangyari.
I'm two months pregnant now, maliit pa rin ang tyan ko at hindi pa ganon ka-halata. Mabilis na rin mag-change ang mood ko, palagi akong naiirita o di naman kaya ay pabago bago ang desisyon.
Madalas nakong makaramdam ng morning sickness, mas malala na rin ngayon ang mga cravings ko.
Lately, lagi na lang akong naiinis kay Borj, siguro ay pinaglilihian ko siya. Minsan pa nga ayoko siyang makita o makatabi, pero pag wala naman siya ay gustong gusto ko siyang makita.
Halos one month narin since mommy and daddy went to states. According to them, they will stay there pa for 5 years.
Marami daw kasing naiwan na problema yung restaurant nila Tita Agnes, they need to fix it bago ito ipagkatiwala kila Kuya Jerry.
Yung about naman sa kaso sa isa sa mga tauhan ni Basti, napabayaan ko na rin. Masyado kasi akong nag-focus kay Borj at sa pregnancy ko.
Isa pa, sabi ni Basti ay hindi na raw niya mahanap yung tauhan niya na yon. Nagtago raw, hindi namin alam kung saan nagpunta.
Hinayaan ko na rin. Narealize ko lang, kung si Trisha nga ay napatawad ko ng ganon ganon lang, siya pa kaya? just like what Trisha did to me, wala rin namang nangyaring masama sa baby.
Kaya I will give him another chance na lang to do good things. Everybody deserves second chance naman diba? I will just move on and focus na lang sa baby ko para hindi na yun maulit.
Si Trisha, isang buwan na rin siyang walang paramdam. Hindi na siya nagpapakita or kahit call ay wala kaming natatanggap mula sakanya.
Siguro ay okay na rin yon. I'm sure she learned her lesson na, siguro ay natanggap na rin niya yung samin ni Borj.
Thanks to her for giving us the peace that I wanted.
Ngayon, kasalukuyan kaming nandito sa park kung saan din kami tumambay ni Borj noong bago ako mahospital dahil sa pag-sugod ni Trisha.
I'm with Borj. The whole barkada was also here. Dito namin napagdesisyunang mag-breakfast and it's already 8 in the morning.
Wala pa masyadong tao kaya super relaxing and quiet pa ng paligid.
Tanging ingay lang ng barkada ang naririnig ko ngayon.
Ang saya, ngayon na lang ulit kami nakumpleto after one month. Last na nakumpleto kami, noong na-hospital pako.
Masyado na rin kasi kaming busy sa mga kanya kanya naming buhay lately.
Si Kuya, nag-focus sa restaurant niya at kay Missy. Si Missy naman ay kasalukuyang nag-leave na muna sa trabaho niya as a fashion designer dahil 5 months pregnant na siya.
Si Junjun, na-busy rin sa pagiging recording artist. Habang si Jelai, nagpapaka-busy naman sa business niya.
Saming lahat, si Tonsy lang ang pinaka-free lagi, the 'one call away' in the barkada. May sariling company na yan ha, pero nabibigyan pa rin kami ng oras.
Matagal tagal ko na rin hindi nakaka-bonding si Tom ng kaming dalawa lang, pero nakakausap ko naman siya through call. Kumustahan at kwentuhan lang ang halos ginagawa namin.
Hindi na siya makabisita dahil busy rin siya sa bar, gabi gabi kasi ay halos sobrang daming customers. May mga nagpapa-book pa ng birthday celebrations sa rooftop ng bar niya.
Si Borj naman, nakakatuwa dahil siya na ang nag-volunteer na mag-manage muna ng shop ko habang naka maternity leave ako.
Siya rin naman kasi ang dahilan kung bakit ang aga ko mag-maternity leave. Paano, napaka-oa, hindi pa naman malaki ang tyan ko pero ayaw nakong mapagod at magtrabaho. Magpahinga na lang daw ako.
YOU ARE READING
Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'
FanfictionThis story follows the journey of Roni, a woman deeply in love with her brother's bestfriend named Borj. Despite her best efforts to win his heart, Borj remains to be mad at her because of their unwanted marriage. And for him, it is all Roni's fault...