31: Breaking the Chains

213 30 11
                                    

Roni's POV

Kasama ko si Tom ngayon, sinundo niya ko sa bahay nila kuya dahil gusto niya raw akong makasama ngayong araw.

Hindi niya raw kasi sure kung kelan ulit mauulit to o kung magkikita pa raw ba kami someday.

Actually, hindi ko rin naman kasi talaga sigurado kung babalik paba ako. Sa ngayon, gusto kong magpaka-layo layo at wala pa sa plano ko ang bumalik balang araw.

Gusto ko na lang kasing mabuhay ng tahimik habang buhay. Yung malayo sa gulo, problema at sakit.

Gusto ko nang lumayo kay Borj.

Kaya ngayon sa pag-alis ko, hindi ko talaga alam kung magkikita-kita pa kami ulit. Hindi ko sinasabi sa barkada o kay kuya dahil alam kong sobrang malulungkot sila.

"Anong iniisip mo?" biglang saad ni Tom na siyang ikinagulat ko.

Nandito kami sa rooftop ng bar niya, maganda rin kasi talaga ang view mula dito.

Kakabalik niya lang din, bumaba siya saglit para kumuha ng drinks para saming dalawa.

"Bakit kaya ang damot damot ng tadhana?" tanong ko habang kasalukuyang nakatingin sa malayo.

Umupo na muna siya sa tabi ko bago muling nagsalita.

"What do you mean?" nagtatakang tanong niya.

"Bakit lagi na lang akong nasasaktan? bakit ba lahat ng saya palaging napapalitan agad ng lungkot? hindi ba pwedeng forever na lang maging masaya?" hay, eto na naman ako. Sinapian na naman ni sadness.

Pero totoo naman eh, bakit ba hindi na lang pwedeng maging permanente ang pagiging masaya?

"Kasi kailangan muna nating maging malungkot, maging miserable at masaktan bago tayo tuluyang maging masaya. Roni, hindi naman maiiwasang masaktan kapag nagmamahal ka.

Lahat tayo pinagdadaanan yan, ang kaibahan lang, ikaw kasi masyado mong inuubos ang sarili mo. Kaya ayan, wala nang natira sayo." sagot niya.

"Alam mo kasi Tom, kapag nagmamahal ka, lahat ng kaya mong ibigay, ibibigay mo for that person. Hindi mo na maiisip kung anong kahihinatnan non, basta para sayo, handa mong gawin lahat para sa taong yon.

At ganon ako kay Borj, masyado akong nagpabulag sa nararamdaman ko sakanya kaya ang ending, ako tong nasasaktan ngayon." tumitibok na lang ata ang puso ko para masaktan.

Bakit ganon? ang hirap maging masaya pero ang daling masaktan? Ang unfair.

"Alam mo Roni? sa totoo lang, hangang hanga ako sayo. You're the strongest woman I've ever known. Paano mo nagagawang bumangon pa pagkatapos ng lahat?

Sobrang pure mo magmahal kaya sobrang swerte ni Borj sayo. Kung pwede ko lang hilingin na sana ako na lang si Borj..." gulat akong napatingin sakanya nang sabihin niya ito.

"A-anong ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong ko.

"Roni, ang manhid mo talaga." mas lalo ko pang ikinagulat ang paghawak niya sa kamay ko. "Siguro naman unti-unti mo nang naiintindihan?" dagdag niya.

"T-tom..."

"Roni, you're so special to me. From the day that we first met until now, hindi nagbago yung kung paano ka makita ng mga mata ko at kung gaano kabilis tumibok ang puso ko kapag kasama at kausap kita.

From day one up to this last moment, hindi nagbago ang pagtingin ko sayo. Nung una kitang makita, pakiramdam ko biglang tumigil yung mundo ko.

Doon ko first time naramdaman yung sinasabi nilang 'love' at dahil yun sayo. You made me realize that it's not the end of everything. Na may pag-asa pang mabago ang nakasanayan ko.

Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'Where stories live. Discover now