23: Dark Intentions

291 27 6
                                    

Borj's POV

Halos 30 minutes na kaming naghihintay sa balita ng doctor. Habang tumatagal mas lalo akong kinakabahan at nag-aalala para sa mag-ina ko.

Bakas din sa mga mukha ng barkada at ng parents ni Roni ang sobrang pag-aalala.

Ilang minuto pa ay finally, lumabas na rin ang doctor mula sa emergency room na nag-check kay Roni.

"Doc? Doc kamusta po yung asawa't anak ko? okay lang po ba sila?" natatarantang saad ko.

"Mister, okay na okay po ang mag-ina niyo. Your wife is safe as well as the baby."

Lahat kami ay nakahinga ng maluwag, kulang na lang ay magtatatalon kaming lahat sa tuwa dahil ligtas si Roni at ang baby namin.

"Uhm, excuse po doc? Ako po yung mother ng patient. Gusto ko lang pong malaman kung bakit dinugo yung anak ko?" curious na tanong ni Mommy Marite.

"Ah yes, it is because of direct trauma to the uterus due to the hard fall. The impact from the fall result to damage her uterine walls or blood vessels which cause bleeding to the patient.

To be honest, aside from that, it is also because of cervical trauma. Ang cervix po kasi mommy ay very sensitive during pregnancy at prone pa sa any injury. That's why the patient experienced bleeding.

Pero ma-swerte po ang pasyente at kayo mister dahil mahigpit ang kapit ng baby niyo. Hindi po maselan ang pagbubuntis niya. Pero kahit ganon, that doesn't mean na hindi na natin siya iingatan at imomonitor.

If ever na maulit po ito, hindi na po namin alam kung makakasurvive pa ang baby. Baka the next time na mangyari ulit ito, hindi lang ang baby ang malagay sa panganib, the patient will also be in danger. One more, iwasan din po nating ma-stress ang pasyente." god! hindi ko na hahayaang mangyari ulit ito. Ayokong mawala sakin ang baby namin lalong lalo na si Roni.

Medyo kinabahan ako sa statement ni Doc, naaawa rin ako kay Roni dahil hindi pala biro ang pinagdaanan niya. Trisha really have to pay for this.

Nagpasalamat lang kami kay Doc bago siya tuluyang umalis. Ilang minuto pa ay nilipat na si Roni sa private room na pagiistay-an niya until tomorrow.

Sila Mommy Marite at Daddy Charlie ang nag-volunteer na pumunta sa bahay namin para kumuha ng ilang gamit na kakailanganin ni Roni.

Lahat kami ay kasalukuyang naghihintay na bumalik ang consciousness niya. Habang naghihintay ay hindi naman namin maiwasang mag-kwentuhan.

"Kawawa naman ang bestfriend ko, kahit kelan hindi ko naimagine na mangyayari to sakanya." panimula ni Jelai.

"She's too innocent to experience these things. Hindi ko rin maimagine ang magiging reaksyon niya if ever na may nangyari ngang masama sa baby." ani Tonsy.

"Hindi naman mangyayari to kung hindi dahil sa demonyong ex ni Borj. Wag talagang magpapakita sakin yan Borj sinasabi ko sakanya, kahit babae pa siya hindi ko siya sasantuhin." bakas sa mukha at tono ng boses ni Yuan na seryoso talaga siya.

"Grabe yang Trisha na yan, akala ko nung una mabait, wala palang pinagkaiba kay satanas. Paano mo napagtiisan yon Borj? Pag nakita ko talaga yon ibibigay ko sakanya yung gulong gusto niya." hindi ko alam na ganito pala ka-affected si Junjun sa nangyari kay Roni. Nakakatuwa lang dahil kahit hindi sila masyadong close, mahalaga pa rin pala sakanya ang asawa ko.

"Hay nako, alam niyo kayong dalawa? pag may mga ganitong nangyayari, palagi niyo nalang pinapairal yang init ng ulo niyo." panenermon sakanila ni Jelai.

"Paanong hindi iinit ang ulo ko Jelai eh kapatid ko ang pinag-uusapan dito? hindi lang si Roni, pati yung pamangkin ko. Hindi ko alam kung anong kaya kong gawin kung may nangyari talagang masama sakanila. Walang pwedeng manakit sa kapatid ko, kahit sino pa, mapapatay ko talaga." galit na galit na sambit ni Yuan.

Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'Where stories live. Discover now