18: Love in Bloom

357 32 10
                                    

Borj's POV

Malayo pa lang kami ay tanaw na namin ang hinanda namin ni Myla at ng ibang staffs ko kanina habang nag-uusap sila Roni at Leslie.

Actually, hindi ko hinayaang sila lang ang magprepare nito, nagpatulong lang ako sakanila but most of it ay ako ang gumawa.

Gusto ko kasing paghirapan lahat ng bagay na ibibigay ko kay Roni dahil yun ang deserve niya.

Bakas sa reaksyon niya ang pagtataka, she has no idea about this since this was a surprise picnic date. Idea ko to lahat, gusto ko kasi siyang pasayahin ngayon.

Kung pwede lang araw araw ay gagawin ko mabawi ko lang lahat ng araw na naramdaman niyang mag-isa siya.

Nang tuluyan na kaming makalapit sa exact place kung saan ito nakapwesto ay doon na tuluyang naiyak si Roni.

Napaka-iyakin niya ngayon, siguro ay isa na sa dahilan non ang pagbubuntis niya. Nabasa ko kasi na isa sa mga nagiging ugali ng buntis ay ang pagiging iyakin.

But it's okay, as long as those tears are because of the joy that she's feeling right now ay hindi ko yun pipigilan.

"Do you like it?" bungad na tanong ko.

"Borj, you don't have to do this." aniya.

"But I want to. Hayaan mokong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko sayo, Roni. You deserve this, walang wala pa nga to sa lahat ng ginawa mo to save our marriage eh. Let's have a seat and watch the sunset together, Mrs. Jimenez?" kita ko ang patuloy na pagpatak ng mga luha ni Roni dahil dito.

Alam kong sobrang natutuwa siya ngayon pero katulad nga ng sabi ko, walang wala pa to sa lahat ng efforts at sacrifices niya to save our marriage.

"Sure, Mr. Jimenez." nakangiting saad niya.

Hay salamat, ngumiti rin.

"This time, I feel happy to see you cry not because you're hurt but because of happiness. Pero Roni, you look more beautiful when you smile. Can you please always smile for me?" saad ko na lalo pang nagpa-ngiti sakanya.

"Hindi ko mapapangako yan Borj but if that what makes you feel na masaya ako sayo, I will." nakangiting wika niya.

Inalalayan ko na siyang maupo para makapag-usap kami ng mas maayos.

We are sitting in front of the beach, listening to the relaxing sound of these waves, enjoying the view and watching the sunset together.

Mas lalong kumakalma ang paligid kapag si Roni ang kasama ko. For me, she's the real definition of 'pahinga'. I feel more relax when I'm with her.

Siya ang pahinga ko sa magulong mundong ito. Kung idedescribe ko ang nararamdaman ko para sakanya ngayon, hindi ko na ata kayang mabuhay kapag nawala siya sakin.

I just realize na hindi pala talaga basehan ang oras at araw para masabi mo kung gaano mo na kamahal ang isang tao.

I mean, hindi sa tagal ng panahon naka-base ang paglalim ng pagmamahal mo sa partner mo. Kasi kahit bago pa lang kayo, hindi imposibleng lumalim agad yung love na nararamdaman mo sakanya.

At ako? kahit maikling panahon pa lang simula nang maramdaman kong nafa-fall nako kay Roni, masasabi ko nang masyado nakong na-attached sakanya.

I feel so much love for her. At ngayon, masasabi kong I love her more than anything in this world. Walang kahit na anong bagay ang makakapantay sa pagmamahal na nararamdaman ko para sakanya ngayon.

"Borj, hello? okay ka lang ba?" nang marinig ko ang boses niya ay parang nabalik ako sa reyalidad mula sa malayong lugar kung saan ako nakarating dahil sa pag-iisip sakanya.

Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'Where stories live. Discover now