Roni's POV
Hindi pa rin mawala sa isip ko lahat ng bonding, enjoyment at tuwang naranasan namin sa Boracay trip.
Syempre, special thanks to Tonsy dahil kung hindi dahil sakanya ay hindi ko mararanasan ulit ang saya ng buhay. Isa pa, natutuwa rin ako dahil alam kong napasaya namin siya ng sobra sa araw ng kaarawan niya.
Si Missy, she's already 3 months pregnant. Until now I'm so happy for them, and also excited for their baby.
Hindi masyadong maselan ang pagbubuntis niya kaya nakasama pa namin siyang mag-enjoy sa Boracay.
Pero syempre bago yon, tinanong niya muna yung OB niya if pwede siyang mag-join sa iba't ibang beach activities and she said yes.
Todo rin ang pag-alalay at pagbabantay namin sakanya dahil kahit hindi maselan ang pregnancy niya ay she's still pregnant at may buhay siyang dinadala.
Si Missy lang din ang hindi uminom last night dahil of course, bawal.
Ang bestfriend ko naman na si Jelai, hindi ko alam kung bakit hindi pa sila nagkaka-baby ni Junjun. Siguro ay wala pa silang balak dahil pareho silang focus at busy sa trabaho.
Ako? Hahaha, wag na tayong umasa. Kahit kelan hindi kami magkaka-baby ni Borj dahil ayaw niya. Baka isumpa pa ko non kapag nagka-anak siya sakin.
"Nakahanda na yung pagkain mo dyan for dinner." saad ko nang makita ko siyang pababa ng hagdan.
Halos kagigising lang namin pareho dahil pagdating namin kanina ay natulog muna kami dahil sa sobrang pagod sa byahe.
"Ikaw?" kunot noo ko naman siyang tinignan dahil sa pagtataka tungkol dito.
"Anong ako?"
"kumain ka na?" this is the first time na tinanong niya ko kung kumain nako. Lagi kasi siyang walang pake pagdating sa mga ganitong bagay as long as nabubusog siya.
"hindi pa, mamaya na lang pagtapos mo." mahinahon kong saad.
"No, maghanda ka ng two plates. Sabay tayong kakain." Napa-awang ang bibig ko nang marinig kong sinabi niya ito.
"What?"
"Bingi ka ba? sabi ko maghanda ka ng plato na good for two dahil sasabay ka saking kumain." iritado niyang sambit.
"Ano pang hinihintay mo? kilos na." dagdag pa niya nang mapansing still in shocked ako dahil sa mga ikinikilos niya.
Naghanda nako ng dalawang plato para saming dalawa at nagsimula nang kumain.
"So, how's the trip? I mean, did you enjoyed it?" panimula niya na muli kong ikinagulat dahil alam kong hate na hate niyang kausapin ako but now, he's the one who's making the first move to talk.
"Ah, y-yes. Ikaw?"
"I don't know, maybe." walang gana niyang saad.
We just talk about some things, hindi naman deep talk pero masasabi kong sa pag-uusap naming iyon ay may mga nalaman din akong kaunti tungkol sakanya.
Hindi pa din nagsisink in sakin kung bakit bigla na lang siyang bumait this past few days, hindi ko alam kung anong nagawa ko para maging ganto siya ka-kalmado kapag kaharap ako.
Ayoko namang umasa na unti-unti nakong natututunang mahalin ni Borj dahil sa sobrang dami ng nangyari, hindi nako umaasa pang mamahalin niya ko.
Kahit gaano ko pa ka-gustong mahalin niya rin ako ay parang unti-unti ko na ring natatanggap na hanggang dito na lang talaga kami.
YOU ARE READING
Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'
FanficThis story follows the journey of Roni, a woman deeply in love with her brother's bestfriend named Borj. Despite her best efforts to win his heart, Borj remains to be mad at her because of their unwanted marriage. And for him, it is all Roni's fault...