21: New Beginning

283 27 3
                                    

Roni's POV

"Good morning, love." bungad na bati ni Borj pagka-dilat na pagka-dilat ko.

"L-love?" hindi makapaniwalang saad ko.

Totoo ba to o nananaginip lang ako?

"Roni, alam ko iniisip mo. Hindi ka nananaginip, okay? If you'll just allow me, pwede ba kitang tawaging love palagi?" aniya.

Nginitian ko naman siya dahil dito. "Of course Borj. You don't have to ask for my permission. Tsaka ano ka ba? eh dati ko pa nga pinagdadasal yan ano."

"I love you, love." nakangiting wika niya.

Dahil he's in a good mood, naisipan ko naman siyang asarin, hahaha. "I love you too, Borj."

"Borj? siguro hindi mo nako mahal kaya hindi moko tinatawag na love noh? ang sakit mo naman Roni. Tara, baba na tayo." lalo pakong natawa noong umakto siya na parang nalungkot talaga ng sobra.

"Hahaha ang oa mo Borj, syempre joke lang yun noh. I love you too, love." ani ko.

Kitang kita ko ang saya sa mga mata niya nang marinig niyang tinawag ko siyang 'love'.

Hay, ang cute!

Niyaya na niya akong bumaba para kumain ng breakfast. Pero bago yon ay naghilamos na muna ako.

Pagbaba namin ay nagulat naman ako sa nakita ko dahil may nakahanda nang pagkain.

Nagluto siya, pinaglutuan niya ko...

Hindi ito ang first time na nagluto siya for me. Ang unang beses ay noong masama ang pakiramdam ko without any idea na buntis na pala non.

Pero mas iba pa rin ang feeling ngayon dahil noong una, ginawa niya lang yon dahil no choice siya.

"Let's eat?" pag-aaya niya.

"Bakit hindi moko ginising? para sana ako na ang nagprepare ng breakfast natin." pagrereklamo ko.

"Diba nga sabi ko sayo gagawin ko lahat para bumawi? tsaka masanay ka na, okay? Hayaan mokong gawin lahat ng hindi ko nagawa sayo noon. Ang gagawin mo lang is to rest, yun lang okay nako." saad niya na dahilan upang mapangiti ako.

"Hindi mo naman na kasi talaga kailangang bumawi. Enough na sakin yung nandito ka para samin ni baby. You don't have to prove yourself."

"Roni, hindi ko hahayaang palampasin na lang lahat ng yon. Hindi ko kayang walang gawin para bumawi. Wag mo nakong alalahanin, I know what I'm doing at hindi ako nagsisising gawin lahat ng to. I will do everything for you, for our baby and for our family." ibang ibang Borj na talaga ang kaharap ko ngayon. He cared for me a lot, nakakatuwa.

Nagsimula na kaming kumain nang bigla kong maisip yung about sa agreement nila ni Leslie.

"Uhm, love?" panimula ko.

"Yes love?"

"Yung, yung about sa offer sayo ni Leslie sa Italy, kelan alis mo? ready na ba lahat ng papers na need mo or kailangan mo ng tulong? just tell me para makahingi ako ng tulong kay Tonsy to prepare it as soon as possible." dire-direchong saad ko.

Borj's POV

Nagulat ako ng biglang i-open ni Roni ang tungkol dito. Pero siguro this is the right time na rin to inform her about Leslie's offer.

Ang totoo niyan, hindi ko naman talaga tinanggap yung alok ni Leslie, I declined it dahil kay Roni.

Alam kong hindi siya matutuwa sa naging desisyon ko dahil mas pinili ko siya over my career pero hindi ko rin naman kayang umalis lalo pa ngayong nalaman kong magkaka-baby na kami.

Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'Where stories live. Discover now