38: The Beginning of Us

343 37 29
                                    

Roni's POV

Basti's here, pumasyal lang sya para bisitahin kami ni Camilla.

Kasalukuyan akong nasa kwarto ng anak ko para sunduin siya dahil pinaglutuan ulit kami ni Basti for dinner.

Ilang minuto pa ay bumaba na rin kami para makakain na.

Pagbaba namin ay si Basti ang sumalubong samin but he's calling someone and nakatalikod siya samin kaya hindi niya pa kami nakikita.

Hindi ko alam pero parang may bumubulong sakin na pakinggan yung pakikipag-usap ni Basti sa katawagan niya sa kabilang linya.

Naka-loud speaker din ito kaya rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila.

B: [What? nagkita sila?]

T: [Yes, alam mo Basti? dapat na tayong mag-ingat, sa susunod niyan sila nang mag-ama o di naman kaya ay sila Borj at Roni na ang magkita.]

Tila na-estatwa at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang marinig ito mula sa kausap niya.

B: [I think you're right. We will not let them to meet each other. Lalo na si Borj at Roni, for sure kapag nagkita sila masasayang lahat ng pinaghirapan natin.]

T: [So anong plano?]

B: [Chill, Trisha. Pag-iisipan natin ng mabuti yan. This time, hindi na tayo papayag na hanggang dito na lang tayo. You need to get Borj's love and attention again habang ako naman, kailangan kong makuha si Roni.

Kaya pwede ba? pilitin mo na yang Borj na yan para pirmahan ang annulment as soon as possible, natatagalan nako eh.]

My god! hindi ko kinakaya ang mga naririnig ko. Ang kapal ng mukha niya!

And wait, he was talking with...Trisha?

T: [Ikaw ang mag-chill Basti, malapit na yan, just trust me.]

B: [Siguraduhin mo lang. By the way, how's my daughter?]

What? his daughter? anong ibig niyang sabihin? may anak siya?

kay Trisha?

So that means...

No, no...no!

T: [She's fine, alagang alaga ni Borj. Paano? paniwalang paniwala na anak niya.]

Oh my god! hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. I know what's happening, unti-unti kong naiintindihan but I still need a clear answer from Basti!

B: [Good. Sige na, I'll just call you back some other time. Baka bumaba na yun si Roni.]

Nang ibinaba niya ang tawag ay walang patumpik-tumpik kong tinawag si Shaina para i-akyat ulit si Camilla.

Basti and I need to talk at ayokong makita niya kung paano ko kakausapin ang hayop na Basti na to.

"Shaina!" sigaw ko.

Gulat na napalingon sa pwesto namin si Basti at parang tila na-estatwa sa kinatatayuan niya. Parang hindi na nga rin siya humihinga dahil sa sobrang kaba.

"Ate? bakit po?"

"I-akyat mo muna si Camilla, may kailangan lang kaming pag-usapan ni Basti saglit." bakas sa tono ng boses ko ang panginginig sa galit.

Habang nagsasalita rin ay nakatuon lang ang atensyon ko kay Basti, pakiramdam ko rin ay nanlilisik ang mga mata ko sa mga oras na to.

Noong nai-akyat na ni Shaina si Camilla ay doon nako dahan-dahang lumapit sakanya.

Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'Where stories live. Discover now