Roni's POV
Tila hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon nang makita kung sino ang kasama at kausap ng anak ko.
It's...Borj.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, ang bilis ng tibok ng puso ko.
Oh my god, this is so unexpected. Thank you Lord!
Finally, Camilla and Borj met each other. Their paths crossed for the first time. I feel like i'm the happiest woman right now.
"R-roni?" kasalukuyan pa rin siyang hindi makapaniwala na nakita niya kami dito.
Dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa tabi ng anak ko para lumapit sakin.
Ngayon, kasalukuyan nang magkalapit ang mga katawan namin. Nakatingin ng diretcho sa mga mata ng isa't isa at tanging mga tibok lang ng puso namin ang naririnig sa mga oras na to.
Naninikip ang dibdib ko hindi dahil sa sakit kundi dahil sa sobrang pagkagulat at...pananabik sakanya.
I missed Borj so much, hindi ako makapaniwalang after how many years, he's in front of me again. Unexpectedly.
Hindi ako makapaniwalang sa hindi inaasahang pagkakataon pa kami muling magkikita.
"B-borj..." maluha-luhang saad ko.
Niyakap niya ko na siyang ikinagulat ko. At hindi lang yon basta basta yakap, yakap yun ng pananabik at pangungulila.
I also heard him sobbing, oh no, he's crying.
Hindi ko rin naman mapigilang maiyak nang maramdaman ko ulit ang yakap niya.
Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon. Parang ayaw niya na nga akong bitawan eh, nararamdaman kong miss na miss ako ni Borj at ganoon din ako sakanya.
"I missed you so much." rinig kong bulong niya.
Maya maya pa ay kumalas na rin siya sa pagkakayakap at muli akong hinarap.
"Roni, bakit ngayon lang? bakit moko iniwan? bakit ngayon ka lang bumalik?" sunod sunod na tanong niya.
"I'm so sorry. Patawarin moko kung ilang taon ang sinayang ko. Patawarin moko sa pang-iiwan sayo.
Masyado akong naging duwag, mas pinili kong takasan ang sakit at problema kesa ipaglaban yung pagmamahal ko sayo. I'm so sorry for making your life miserable.
Forgive me, Borj..." maluha-luhang sambit ko.
Hinawakan niya ang magkabilaang-pisngi ko at diretcho sa mata akong tinignan.
"You don't have to say sorry, tapos na yun Roni, nangyari na lahat. Tsaka naiintindihan din kita, hindi ko iniinvalidate ang feelings mo dahil alam kong valid ang reason mo para magalit at mas piliing magpakalayo.
It's not your fault, Roni. It's my fault, hindi ako nag-iingat, hindi ko inisip lahat ng pwedeng mangyari. Ang tanga ko, nasayang yung limang taon dahil sa kapabayaan ko, i'm so sorry." umiiyak na wika niya.
Aww, it's not your fault, my Borj. Kasalanan to nila Basti at Trisha, they ruined us.
"Don't blame yourself. It's not your fault, Borj. Kung alam mo lang kung sino ang may pakana ng lahat ng to." I think he deserves to know.
He deserves to find out kung paano siya harap-harapang trinaydor ng babaeng nakasama niya ng ilang taon sa iisang bubong.
Kung paano siya ginago at pinagmukhang tanga ni Trisha.
YOU ARE READING
Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'
FanfictionThis story follows the journey of Roni, a woman deeply in love with her brother's bestfriend named Borj. Despite her best efforts to win his heart, Borj remains to be mad at her because of their unwanted marriage. And for him, it is all Roni's fault...