Borj's POV
We're on our way pauwi sa bahay ko, kung nasaan ngayon si Trisha at Ciara. I'm with Roni right now, she wants to come with me raw dahil gusto niya ring makausap si Trisha.
Nahatid na namin si Camilla sa bahay na nabili ni Roni noong bagong dating sila dito sa Pilipinas.
May napag-usapan na rin kami about sa kung anong magiging set-up namin. We will going to live again under the same roof but this time, with Camilla na.
Habang nasa byahe, hindi ko mapigilang makaramdam ng gigil ngayon pa lang. Sana lang ay ma-control ko ang sarili ko mamaya.
"Are you sure you're ready to face her?" tanong ko.
"Yes Borj, kung noon pinalagpas ko yung pananakit niya sakin, ngayon hindi na. I want to talk to her at ipamukha sakanya na masaya at buo na ulit tayo." matapang na saad ni Roni.
Nginitian ko naman siya at muling itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.
Few minutes later
"Borj, nakauwi ka na pal- Roni?!" gulat niyang tinignan ang asawa ko nang makita niyang kasama ko ito.
"Ako nga, nagulat ka ba, Trisha?" bakas sa tono ng boses ni Roni ang pang-aasar na siyang dahilan para matawa ako.
"A-anong ibig sabihin nit-" naputol ang sasabihin niya at gulat akong tinignan habang nakahawak sa pisngi niya.
I slapped her, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ako pumapatol sa babae pero sa mga ganitong klase? walang babae babae sakin.
"Oops." ani Roni.
"Speechless ka noh? patikim pa lang yan Trisha. Actually walang wala pa nga yan sa lahat ng ginawa mong kademonyohan eh.
Confused ka? well, oo, alam na namin ni Borj lahat ng kahayupang ginawa niyo para mapaghiwalay at sirain ang pamilya namin." dagdag pa niya.
She's really brave. I can say na marami nga talagang nagbago kay Roni at isa na doon ang pagiging matapang at kaya na niyang ipaglaban ang sarili niya, especially ang tama.
Kung noon, lagi siyang umaatras at mas pinipili niyang takbuhan ang problema kesa ayusin, ngayon, nakakaproud dahil kaya na niyang lumaban.
"Alam na namin lahat, kung paano niyo kami pinagplanuhan ni Basti at kung paano niyo ginamit yung sarili niyong anak para lang makuha ang mga gusto niyo.
We already knew that Ciara is not really my daughter, hindi mo na made-deny dahil si Basti na mismo ang umamin non kay Roni.
Anak mo siya sa lalaking yon at hindi sakin, pinalabas mong may nangyari satin kahit wala naman pala talaga. Ngayon, malinaw na sakin na isa lang ang biological daughter ko at yun ay si Camilla, ang anak namin ni Roni." galit na galit na saad ko.
Kung hindi lang hawak ni Roni ang kamay ko baka nasampal ko na ulit tong Trisha na to eh.
"Wala ka nang maitatago pa sis, buking na buking kana. Paano ba yan? hindi mo na matutuloy yung plano mong makuha ulit si Borj?
Kayo naman kasi ni Basti eh, hindi kayo nag-iingat. Yan tuloy narinig ko lahat ng plano at pinag-usapan niyo sa phone last week. Better luck next time girl!" pasimple naman akong natawa dahil sa kung paano ito i-deliver ni Roni. Talagang may halong pang-aasar. Cute hahaha.
Kasalukuyan pa ring speechless si Trisha mula sa mga narinig samin.
Mukhang hindi pa sila nakakapag-usap ni Basti dahil hindi pa siya informed na buking na sila.

YOU ARE READING
Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'
FanficThis story follows the journey of Roni, a woman deeply in love with her brother's bestfriend named Borj. Despite her best efforts to win his heart, Borj remains to be mad at her because of their unwanted marriage. And for him, it is all Roni's fault...