Roni's POV
It's been 5 years and everything seems pretty good.
Tahimik, payapa at walang problema. Nakuha ko yung buhay na gusto ko and i'm so glad about it.
Everything was at peace simula noong dumating ako dito sa States. At masasabi ko na tama talaga ang naging desisyon ko, wala akong pinagsisihan sa pag-alis ko.
For the whole 5 years that I stayed here, hindi ko pinutol ang kahit na anong connection ko sa barkada. Friends ko pa rin sila sa lahat ng social media accounts ko.
Natatawagan at nakakausap pa rin nila ko through chat, lalo na si Jelai at Missy.
Kung may isang tao man akong pinutulan ng koneksyon sa akin, yun ay si Borj. I cut him off from my life pero hindi ibig sabihin non ay kinalimutan ko na siya.
Simula noong dumating ako dito sa US para na rin akong nagsimula ng panibagong buhay. Binlock ko siya sa lahat ng social media accounts ko, even sa contacts para hindi na talaga niya ko matawagan.
I don't know where he is right now, kung nakalipat na ba siya ng bahay o nandoon pa rin siya sa bahay niya dati. Wala na rin kasi akong any updates about him.
Wala namang nababanggit sakin ang barkada tungkol sakanya kaya kahit isang information ay wala akong alam simula nung umalis ako.
Wala nakong balita sakanya but I hope he's doing good.
Sa isang exclusive subdivision kami nakatira dito ng anak ko. Actually, kapitbahay namin sila Sunshine, she has her own family na rin.
Sila mommy and daddy, naka-uwi na 2 years ago pa. Since nandito na rin naman ako, ako na ang hiningian nila ng favor kung pwedeng ako ang magmanage ng restaurant nila Tita Agnes dito.
Na-kwento ko na rin sakanila yung nangyari. They never get mad at Borj, hindi naman kasi sarado ang isip ng parents ko kaya madali nilang maintindihan ang mga bagay-bagay.
Ngayon, masasabi kong maayos, successful at tahimik ang buhay ko dito.
"Roni, luto na yung lunch, tara kain na tayo." ani Basti.
"Uhm, sige Basti, gisingin ko lang yung anak ko." saad ko.
Yes, Basti's here. Hindi ko nga alam pero few days lang simula noong dumating ako dito sa States ay bigla na lang siyang dumating.
Kung paano niya nalaman kung nasaan ako, sinabi ni daddy. Bestfriend kasi ni daddy yung daddy niya, si tito Rick.
We're not living under the same roof pero katabi lang ng bahay namin yung bahay niya.
He was one of the people na talagang tumulong sakin para makapag-move on. Lagi niya kong pinapayuhan na kalimutan na si Borj at magsimula na lang ng panibagong buhay which is aaminin kong medyo nakatulong naman sakin.
Thankful ako kay Basti dahil simula una, hindi niya talaga ako iniwan. Noong nagsisimula pa lang ako, siya yung taong nagparamdam sakin na kaya ko.
5 years na kaming magkasama dito sa States at masasabi kong nabalik namin yung closeness at friendship na nasira noon.
Nakita ko rin yung sincerity at pagsisisi niya sa ginawa niya dati, hindi rin naman nagtagal at tuluyan nang bumalik yung tiwala ko sakanya.
We're in good terms now.
Lagi siyang nandito sa bahay, kulang na nga lang ay dito na siya tumira dahil sa araw-araw na pagpunta niya pero ayos lang naman sakin.
Mas gusto ko pa nga yon kasi kahit papaano may nakakatulong ako lalo sa pag-aalaga sa anak ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/368267925-288-k153197.jpg)
YOU ARE READING
Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'
FanfictionThis story follows the journey of Roni, a woman deeply in love with her brother's bestfriend named Borj. Despite her best efforts to win his heart, Borj remains to be mad at her because of their unwanted marriage. And for him, it is all Roni's fault...