4: Echoes of Friendship

235 21 1
                                    

Roni's POV

Maaga akong nagising para magluto ng pagkain ni Borj. Ito na ang nakasanayan kong gawin. Ang ipagluto siya ng breakfast.

Pero kahit ganon, never ko pa siyang nakasabay kumain. Noong bagong kasal pa lang kasi kami, nung unang beses naming magsasalo sa hapag-kainan ay sinigawan niya ako at pinaalis.

Kaya simula noon ay hindi nako sumasabay sakanya sa pag-kain. Minsan ay mauuna ako bago pa siya magising pero minsan naman ay mas pinapauna ko siya lalo na kapag late akong nagising. Ganoon ang set up namin sa isang buong taon.

Pagtapos magluto ay sakto naman ang pagbaba niya dahil hinahanda ko na ang makakain niya.

Habang kumakain siya ay naisip kong maglinis muna sa sala. Habang naglilinis ay biglang may nag-doorbell kaya agad akong lumabas upang tignan kung sino ito.

"Ms. Ronalisa Salcedo po?"

"Ako nga, bakit p-... teka? ikaw yung kagabi kuya diba?"

"yes ma'am, ako nga po. Delivery po ulit. Bouquet of flowers from your secret admirer. Pa-pirma na lang po ulit nito." saad ng delivery rider tsaka inabot sakin ang papel at ballpen. Pagkatapos kong pumirma ay binigay na niya sakin ang bouquet of flowers na hawak niya.

"Hoy Roni! sino ba yan at ang tagal mo dyan?!" rinig kong sigaw ni Borj.

Nang lumapit siya ay mas lalo pa itong nainis dahilan para pati ang rider ay pagbuntungan niya ng galit.

"Flowers? nanaman?!" pasigaw niyang saad. "Hoy Ronalisa, dalawa na sa mga lalaki mo ang nagpapadala ng flowers sayo, kelan kaba titigil sa pagiging malandi?"

"Borj, wag dito please." mahinahon ko siyang pinakiusapan dahil kung papairalin ko ang inis ko ay baka magtalo pa kami dito.

"Uhm, sir? kaano-ano po kayo ni ma'am Ronalisa?" pang-uusisa ni kuyang rider.

"Wala." tipid niyang sagot.

"he's...he's my husband" tinignan niya ako ng masama dahil dito.

"po? kung ganon...pero teka sir, ano pong dalawang lalaki na ang nagpapadala ng flowers kay ma'am? eh, iisang tao lang po ang nagpapadala ng mga yan." pagpapaliwanag niya.

"I don't care!" walang hiya hiya niyang sinigawan ang rider dahilan para lalo akong mainis.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil ayokong mag-eskandalo ngayon dito sa labas.

"Borj, ano ba?" mahinahon kong saad. "Uhm, kuya? kanino po ba kasi galing ito?"

"Ay, pasensya na po talaga ma'am, hindi ko po talaga pwedeng ibigay yung name niya pati na rin ang ibang details tungkol sakanya. Baka po pag nalaman niyang ibinigay ko sayo magsumbong po siya sa boss ko, matatanggalan po ako ng trabaho. Pasensya na po talaga." pagpapaliwanag niya.

"Ganon po ba? Uhm, pakisabi na lang sakanya kung sino man siya, itigil niya na to o di naman kaya, magpakilala siya sakin para naman makausap niya ko. Thank you." saad ko.

"Sus, sabihin mo dyan sa nagpapadala ng flowers, wag siyang maarte. May nalalaman pang pa mystery mystery ng pagkatao niya, akala mo naman kung sino. Magpakita kamo siya, willing akong ibigay sakanya si Roni, nang manahimik na ang buhay ko!" hindi ko na napigilan pa ang inis ko kaya nasigawan ko siya.

Valid naman siguro ang feelings ko para ipaglaban ito. Isa pa, masyado na niya akong ipinapahiya.

"Hindi ka ba talaga titigil? you're so unbelievable, pati ba naman sa harap ng ibang tao Borj?"

Unrequited Affection: 'The Unchosen Wife'Where stories live. Discover now