Chapter 14

1.9K 61 2
                                    

Enjoy





Trinity's POV






" Taraa, dun tayo sa may playground. " excited na saad ko. Gusto ko talaga mag laro doon at mabalik lahat ng mga memories kong nawala.




Lumaki ang ngisi nito habang nakatingin saakin. " Isip bata talaga. " sagot pa nito bago tumayo. Hahabulin ko pa sana siya kaso nakatakbo na ng malayo ang gago. Sumunod nalang ako sakaniya hanggang sa marating namin ang malawak na playgroud. Konti nalang ang mga batang naglalaro dahil malapit naring mag lunch time. Umupo ako sa may swing at itinulak naman ng madahan ni Kenji ito.







" Kenji, alam mo ang pogi mo pag ngumingiti ka. Kaya lagi kang ngumiti. " sabi ko sakaniya habang pinag mamasdan ang paligid. Ramdam ko naman ang pag ngiti niya dahil sa unti unting pag lakas ng tulak nito sa swing.







" So you're saying that I'm not handsome when I'm not smiling? " inosenteng tanong nito. Tumango ako at nagulat nalang ako nang lumakas ang pag uga ng swing. Tarantado! Nilakasan talaga niya ang tulak.





" Pogi ka na! Oo na! Itigil mo na 'tong swing! Gago! " sunod sunod na sigaw ko dahil sa taas ng pag swing ko. Kulang nalang lumipad ako papuntang outer space. Lord, gabayan niyo po ako.







" Ano ulit 'yon? Hahaha! " rinig ko ang malakas niyang tawa habang tinitingnan ako. Para akong batang umiiyak dahil sa takot at kaba na baka lumipad talaga ako. I swear! Pag nakababa ako dito talagang ingungudngod ko talaga siya sa lupa!






" P-pogi ka na kahit nakasimangot ka! Bwisit! Ibaba mo na ako K-kenji! " inis na sigaw ko dahil sa pataas ng pataas ang swing. Rinig ko na rin ang pag tunog ng mga turnilyo nito. " Sinasabi ko talaga sayo, Akihiro! Pag ako sumubsob dito papatayin kita! AHHHHH-" napasigaw ako dahil umikot na ang swing. As in! Para akong pinapatay dahil sa hilo.





Tumigil na ang pag ugong ng swing at kita ko naman ang tawang tawa na ekspresyon ni Kenji. Tuwang tuwa talaga siya tuwing nakikita akong miserable! " Bwisit kang hayop ka! Lumapit ka dito at gigilitan kita! " tumakbo ako papunta sakaniya at siya rin namang tumakbo papalayo. Para kaming mga batang nag hahabulan dahil sa buong playground ay naikot namin kakatakbo. Ang gago naman ay tawa ng tawa habang ako ay hingal na hingal sa pag habol sakaniya.







" YODEPOTA- " hindi natuloy ang mura ko nang tuluyan na akong madapa at una ang mukha. Pag tayo ko ay halos maluha ako dahil sa hapdi ng mukha ko. Natigilan si Kenji at lumapit sakin. Sinamaan ko pa siya ng tingin at dahan dahan na sana akong tatayo pero mukhang hindi kinaya ng mga paa ko. Muli akong bumagsak at tuluyan ng tumulo ang luha ko. " P-putangina ka, kasalanan m-mo 'to. Huhuhu. " iyak ko habang nakaupo sa lupa. Wala akong pakealam kung madumihan ako dahil masakit ang katawan at mukha ko!






" Psh. You're so kulit kasi eh. Hinabol mo pa ako, look at you. Halika na, bubuhatin kita. " saad ni Kenji at tumalikod sakin para ma-piggy back ride ako. Hindi na ako umarte dahil sa masakit nga ang katawan ko. Tumatawa tawa pa siya kaya binatukan ko siya. " Aww. What is that for? " umaray siya at ako naman ngayon ang natatawa. Halata kasing nakasimangot na siya habang nag lalakad na kami papunta sa isang bench.






" Ikaw kasi! Ang hapdi tuloy ng mukha ko! "





Kainis ka talaga Hiro.






" Diyan ka lang. I'll get some first aid kit, wag ka ng mag kulit. Mabilis lang ako. " saad nito at tuluyan nang umalis. Nawala na ang likod nito sa paningin ko kaya madahan kong hinawakan ang mukha ko. Aray! Wrong move!






Natamaan ko ata ang sugat sa mukha ko kaya napaiyak ako. Bwisit ka Hiro, papatayin talaga kita.





Nakita ko naman ang lalaking patakbong pumupunta sakin. Hanggang sa marating niya ang harap ko. " Why are you crying? hm? " alalang tanong sakin ng tanginang Haring Kumag. Sinamaan ko siya ng tingin habang siya naman ay kala mo inosente dahil sa paraan ng pag tingin nito sakin.






" Umalis ka sa harapan ko. Sasampalin kita. "







" No, I'll treat your wounds. " saad nito at binuksan ang kahon na dala niya. He starts to clean my wounds and put alcohol in it. " Aray ko! Tangina! " saad ko at napasigaw. Masakit! Mahapdi!







Natapos ang pag gagamot niya sakin at nasa likod na niya ulit ako ngayon, pabalik kami sa sasakyan dahil kakain narin kami ng lunch. Kita namin ang mag kapit bahay na nagsisigawan ata. Napatigil kami saglit para maki-marites.






" HOYY! PUTANGINA MO! " rinig kong sigaw nung isa sa kapit bahay niya. Nakasilip ito sa bintana at inis na sumisigaw.






" YUNG MGA BARKADA MO! NANG BABATO SA BAHAY NAMIN! HA! "









Tawang tawa kami ni Kenji habang nanonood sa pinag aawayan nila. Ngayon nalang ulit ako tumawa ng ganito kalakas. At kasama ko pa talaga ang hindi inaasahang tao na makakasama ko.









" WAG KAYONG MAMBABATO SA BAHAY NAMIN! PUTANGINAMO! " sigaw ulit nung lalaki sa kapit bahay niya. Lumakas ang tawanan namin at napatingin ang mag kapit bahay samin. Agad kaming tumakbo papalayo.







" HAHAHAHAHA! Putangina. " tawa ko ng malakas nang makalayo kami sa mag kapit bahay. Ito namang kasama ko panay din ang tawa, parang 'di nabibigatan sakin.







" What the fuck is that scene? HAHAHAHHA " tawa rin nitong isa. Nakarating kami sa sasakyan at panay parin ang tawa. Naisakay na niya ako sa loob at pumasok narin siya sa drivers seat.






" Siguro ganon tayo pag mag kapit bahay 'no? Tapos ikaw yung nasigaw, Hahahaha! " natatawang saad ko habang siya naman ay pinaandar na ang sasakyan. Ewan ko kung saan ang susunod na destination namin pero nag e-enjoy ako.






" Nah uh. I'm not like that! I'm not a warfreak like you! " inis na saad nito. Tumawa nalang ako sakanya dahil pula na ang tenga nito. Kabilis naman mapikon ay.






" Seriously, I enjoyed this date so far. Thank you. " nakangiti nitong saad sakin. Ngumiti nalang din ako sakaniya at tumango. Sana lagi nalang siyang ganito, nakangiti.





Fuck you, Kenji. Bakit ginagawa mo 'to sakin?




~~~~


Chapter 14 is done! Please vote and comment, Thankshie! [05/17/24]

The Only Pearl Of SECTION Z ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now