BONUS CHAPTER

1.2K 28 25
                                    

Anger



" How are you? I've been asleep for 10 months. May kalokohan ba silang ginawa sayo? " tanong ni Kenji habang nakaupo kami rito sa bench. Nasa rooftop parin kami ngayon at pinag mamasdan ang magandang sunset.



" U-uhm. Wala naman. "




" Tell me the truth. " ani Kenji. Mukhang hindi ako makakapagsinungaling sakaniya. Ang katotohanan niyan hindi naman Section Z ang may kagagawan sakin non.



Kundi ang Section J. Nalaman nila kung anong ginawa ko kay Kitty, which is classmate nila. Mukhang nagalit sila at binalikan ako. Syempre exempted na roon si Vlare dahil alam naman nating lahat na best friend ko iyon.





Binalikan ako ng halos kalahati ng classmates ni Kitty. Halos babae ang kasama roon dahil narin social butterfly itong si Kitty. Halos mabugbog ako sa ginawa ng mga iyon, hindi ako makaganti dahil narin tinali nila ako sa upuan. Kamay at paa ko ang hindi makagalaw. Kasalukuyang wala noon ang Section Z dahil sabi ni Ms. Claro ay may pinagawa siya sa Section Z boys. Totoo naman iyon dahil bago ako masaktan ng Section J ay nakita ko ang mga kaklase kong nag p-push up sa gymnasium.





" You can't lie to me. " ani Kenji at ngumisi. Hindi ko alam kung yung ngisi niya ba na iyon ay pang asar ko ngisi na galit na.



" G-ganto kasi 'yon. "



Flashback

Monday. Papasok na ako ng school at kasabay ko sa sasakyan sila Kuya Velo at Kuya Trevor. Sumama lang daw itong si Kuya Trevor kasi bored sa bahay. Umalis din sila Mama at Papa, may inaasikaso raw tungkol kay Leviathan. Nakatakas kasi ang gagong iyon kasama ng mga kasamahan niya. Naikwento narin ni Mama ang nangyare bakit siya nakatakas, dahil nasalisihan sila nito.



" Wag kang gagawa ng kalokohan, Trinity ha. Nakabantay ako sayo. " huling saad ni Kuya Velo bago ako ihatid sa classroom.




Ang unang teacher namin ngayon ay si Ms. Claro. Pero nadatnan kong wala ang mga kaklase ko sa classroom at tanging si Ms. Claro lamang ang nandoon. Inaayos ang teacher's table.


" Ma'am, nasaan po sila? "


" Andoon sa gymnasium, may pinagawa kasi ako. U-uh, kailangan ko na umalis. " ani Ms. Claro at saka nag madaling lumabas ng classroom. Naiwan niyang nakabukas ang cabinet sa ilalim ng teacher's table kaya sinarado ko nalang.


Ang weird lang dahil nag mamadali siya. Siguro may gagawin. Pero bakit bukas ang cabinet? Ang alam ko si Kuya Velo lang ang nakakapagbukas no'n.

Nilapag ko nalang muna ang bag ko sa may upuan ko at saka napag desisyonan na lumabas nalang. Wala rin naman akong gagawin sa classroom kung mag hihintay lang ako roon.
Pupunta ako ngayon sa canteen. At tiyak na madadaanan ko ang gymnasium. Hindi naman kalayuan ang canteen kaya mabilis lang ang lakad ko.


" 100 push ups daw, Tolentino! "

" Lul! "

" Luh, Ma'am oh! "




Sa tingin ko mali nga lang ang inaakala ko. Andito naman pala talaga sila, nagkukulitan pa.

Maya maya pa ay habang nag lalakad ako. May biglang humila sakin. " Ano ba?! Saan mo ako dadalhin, tangina! Bitawan mo ako! "



" Fucking shut up! " saad naman ng humila sakin. Hindi ako makawala dahil mahigpit ang hawak niya sakin, baka nga bumakat sa pulsuhan ko ang kamay niya sa sobrang higpit.


The Only Pearl Of SECTION Z ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now