AN: I'm not good at making fighting scenes po! Bear with it for awhile 🥰
Saved
Trinity's POV
" Hoy! Oh, kumain kana. "
Habang nakaupo ako sa kahoy na higaan na ito. Binigyan ako ni Kuya Kidnapper ng isang plato na may kanin at ulam. " Ayaw ni boss na magutom ka daw. Ewan ko ba dun bakit ayaw ka pang ipapatay. " saad ni Kuya Kidnapper at iniwan ako. Iniisip ko kung kakainin ko ba 'to o hindi, baka may lason e. Kaso kahapon pa ako walang kain, nag iinarte daw kasi ako kaya hindi na ako binigyan ulit.
Sayang naman kung hindi ko kakainin diba?
Napag desisyunan ko nalang na kainin. Nag wawala na din kasi yung mga dragon ko sa tiyan, gusto nang kumain. Habang kumakain naman ako ay bumalik si Kuyang Kidnapper. May dala itong upuan at saka itinabi sa tabi ng higaan na inuupuan ko. Nako, baka make upan niya ulit ako para mag mukha daw akong nasaktan.
" Hi Kuyang Kidnapper, bakit bumalik ka?" tanong ko at kumain ulit. Hindi naman siya sumagot at tiningnan lang ako.
Tinarayan ko siya, testing lang natin kung magagalit ba. " Wag mo akong tarayan diyan, buti nga mabait ako sayo eh. " sagot ni Kuyang Kidnapper at nag cross arms. Nakakatawa rin 'to e, meron bang nangki-kidnap na mabait? Siya lang ata kilala kong ganun.
" Alam mo, ang gulo mo rin 'no? Ki-kidnapin mo ako eh wala ka namang mapapala sakin. " sagot ko at sumubo ulit ng last na kutsara ng rice at ulam. Binaba ko na ito at hinayaan nalang, kukunin naman nila 'yan. " Wala naman talaga kaming planong saktan ka. May gusto lang kaming makompirma. " sagot nito sakin.
Ano naman yun?
Hindi nalang ako nag tanong at nag muni muni nalang. Hanggang sa may naisip akong itanong sakaniya. " May mag liligtas kaya sakin dito? Ikaw Kuya? Alam mo bang meron? " nang itanong ko iyon sakaniya ay tumingin naman ito sakin ng may pag tataka. Bakit? Ano bang mali na mag tanong diba? Sabi nga kung may kailangan, mag tanong.
" Meron. Anytime parating na sila--" naputol ang sinabi ni Kuyang Kidnapper nang may narinig kaming pag sabog sa labas at ang pag yanig ng lupa. " Andito na sila. Sabi sayo eh. Sige diyan kana muna. " dugtong naman nito sa naputol niyang sabi at saka umalis na. Ang weird talaga nun kahit kailan.
Pupunta kaya sila Kenji?
Speaking of the devil. Nakita ko na siya, pero bakit parang kinakabahan ako? Hindi ko alam kung kaba ba yung nararamdaman ko o excitement na makikita ko na ulit siya. May mangyayari bang masama? Aish! Ano ba itong mga naiisip ko, imposibleng may mangyaring masama.
" WIFE?! WHERE ARE YOU? " rinig kong sigaw ni Kenji sa labas. Mukhang tago talaga itong pinag lagyan nila sakin, kasi hindi ako basta basta makita nila Kenji e.
Lumapit ako sa may pintuan at saka kinatok nang kinatok. " ANDITO AKO! TULONG! " sigaw ko at patuloy na pinagkakatok ang pinto. Pero mukhang nasugatan lang ang mga kamay ko kakakatok pero wala namang nakakarinig sakin. " T-tulong! Nahihirapan n-na ako. " ewan ko pero nakaramdam ako ng panlalambot at yung feeling na babagsak ako anytime. Dahil ba ito sa pinakain sakin? Trinaydor ako ni Kuyang Kidnapper! Akala ko mabait siya.
Babalik na sana ako sa higaan nang bumagsak na ako, pero hindi ko naramdaman ang lamig ng sahig. Kundi ang bisig ng isang tao, mukhang nabuksan na nila ang pinto. " D-dumating ka, akala ko h-hindi mo na a-ako ililigtas. " huling sinabi ko at tuluyan na akong nilamon ng dilim.
Kenji's POV
" D-dumating ka, akala ko h-hindi mo na a-ako ililigtas. " nanlambot ako sa huling mga sinabi niya at tuluyan na siyang nahimatay.
Sorry we're late, wife.
Ilalabas ko na sana siya nang may makasalubong akong kalaban. Hindi pa naman ako napapansin nito kaya't nilapag ko muna si Trinity sa higaan at saka hinarap ang mga kalaban. This bullshits kept on getting in my way, huh? Then you will experience hell.
Sumugod ako sakanila at saka pinag susuntok ang lalaking kaharap ko ngayon. Wala itong dalang baril kaya't hindi ako mahihirapan. Hinawakan ko ang braso nito at saka pinilipit papunta sa likod. Nag pupumiglas pa ito pero hindi ko na siya hinayaang makatakas. " Who's the mastermind?! " tanong ko habang nag pupumiglas siya.
" W-wala kang makukuhang sagot sakin! Kahit p-patayin mo pa ako! " sagot naman nito kaya wala akong choice kundi patayin ito at baliin ang leeg. I will do anything just for my queen. Kahit kapalit pa nito ay ang kaharapin ko si kamatayan.
May sumugod ulit na kalaban kaya't hinawakan ko ang braso nito at binali. Sinuntok ko sa mukha at saka sinipa sa maselang bahagi niya. " Stop pestering my wife, assholes! " sigaw ko saka sinalubong ang mga lalaking handa na akong sugudin.
Habang kinakalaban ko ang tatlo ay hindi ko namalayan na may isa pa sa likod ko kaya napalo ako nito sa may braso. Ramdam ko ang pag dugo at bali nito pero hindi ko ininda. I need to fight for my wife. Pero mukhang hindi matutupad ang sinabi ni Velorousse na dapat wala kaming sugat. Dahil ngayon palang ay may natamo na ako. " Damn you! " sigaw ko at saka sinuntok sa ilong ang lalaking pumalo sa braso ko. Knock out ito kaya hinayaan ko na at nag focus sa tatlong kinakalaban ko.
Sumusuntok sila pero iniiwasan ko lang. I'm gaining my energy, so that I can beat them one by one.
Nang makaramdam ako ng lakas ay saka ako sumuntok sa mukha nito at sinunod ang dibdib. Kinuwelyuhan ko ito at sinapak. " That's your punishment for hurting my wife! " sigaw ko at pinatumba ang kaharap ko ngayon. Two more left and we're done.
" Do you think you can beat us? HAHAHAHAH stop dreaming, Fujimoto! Talo kana! " sigaw ng isa at doon nag pantig ang tenga ko. Sinugod ko siya at saka pinaulanan ng suntok. You can't shut your mouth, huh?
Binalian ko ito ng buto sa may braso at paa. Saka ko sinapak ulit ang mukha nito para tuluyang ma knock out. One more left. Tumingin ako sa kasamahan niyang unti unti nang lumalayo. " What? Pumunta ka dito. " saad ko at unti unting lumalapit sakaniya. Mukhang natakot ko ng sobra at tumakbo na ito. Scaredy cats.
Naalala ko si Trinity sa kwarto kaya tumakbo ako papunta roon. She's still sleeping. My queen is resting, I need to be careful not to wake her up. Binuhat ko siya. Like a bridal style, so that she can rest freely. Tiningnan ko ang mga mata nito na nakapikit. Napakaganda niya talaga, kahit saang anggulo ko tingnan. Wala man lang siyang kapintasan.
" You don't have to worry wife. You're safe now, as long as you're with me. No one can hurt you. "
~~~~
Chapter 41 is done! Please vote and comment, Thankshie! [06/19/24]
YOU ARE READING
The Only Pearl Of SECTION Z ( UNDER REVISION )
FanfictionSi Trinity ay isang magandang babae na may kutis perlas, at may magagandang mga mata, makakapal na kilay na siyang bumagay sa mukha niya, at mapulang labi. Siya ay isinilang at iniwan ng Mama at Papa niya sa Kuya Velo niya. ~~~~~ Pumasok siya sa is...