Chapter 3

2.8K 79 4
                                    

Reverse Card

Kenji's POV



That girl! She will pay for what she did to me. Siya lang ang kauna unahang gumawa sakin no'n! at hindi ako natutuwa. Ang isang katulad niya pa ang gagawa sakin nun? Kainis!


" Uy, Kenji. Mukhang badtrip ka ah? lukot na lukot mukha mo. " natatawang sabi ni Ryler. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya't nag peace sign siya. Tsk.




" Tungkol ba 'yan kay Triyx? Tanggal angas mo 'no? ".  patawa tawang sabi ni Verry. Oo! Tungkol nga 'to doon sa bobitang 'yon.



" May alam akong ganti para sakaniya, gusto mo malaman? " saad ni Helix. Hindi ko ineexpect na magbibigay 'to ng suggestions. Madalas tahimik 'to e.




Trinity's POV




Nang makauwi ako ay walang taong sumalubong sakin. Malamang, dalawa lang kami ni Kuya Velo dito sa bahay e. Puro maids lang ang nandito, pero sa tingin ko nag grocery sila kaya wala manlang katao-tao dito. Sana manlang nag iwan ng isa, pero maatas naman security ng mansion kaya no need to worry na daw.




Dumiretso agad ako sa kusina para makakuha ng makakain. Gutom ako e, bakit ba.




Binuksan ko yung ref at nakita ko namang may pizza doon. Siguro iinitin ko nalang, may microwave naman si Kuya dito. Imposibleng wala, mansion 'to uy. Kinuha ko ang pizza at nilagay sa may microwave. Nagpipindot ako doon at hinayaan nalang muna. Nakakatuwa nga tingnan e, naikot ikot, hindi kaya mahilo siya dyan?




Habang hinihintay ko mainit yung pizza, kumuha muna ako ng soft drinks sa ref. Every week my stock ng ganito dito. Nalaman kasi ni Kuya na favorite ko 'to kaya binilin niya sa mga maids na isama na 'to sa grocerys. Pero wag daw ako so-sobra dito baka hindi na niya ako patikimin. Kesa naman daw energy drink ang iniinom ko, dati kasi naingganyo akong uminom non kahit hindi ako pagod. In the end, nahospital ako dahil sa ginawa ko na yung tubig. 4 ba naman kada araw e. Pero tinigil ko nadin, lakas kasi mang-banta ni Kuya Velo. Kaya ayon, pinayagan akong soft drinks nalang.



Tumunog na ang microwave, at agad ko ng binuksan ito para makuha ang pizza. Kinuha ko iyon at ang softdrinks ko. Pumunta na ako sa kwarto para doon na ito kainin. Ayoko sa living room. Ayoko kasing may mga maids o butler ang nakatitig o nakabantay sakin habang nakain. Ang weird kaya nun!




Bigla nalang tumunog ang cellphone ko kaya't sinagot ko ito. Si Kuya Velo pala ang tumatawag. Tungkol saan na naman kaya 'to?




"{ Hey, I can't go home tonight. May meeting kami. }"



" Sige, Kuya. Ingat po kayo. " sagot ko sakaniya.




"{ Sige, ingat ka din diyan. Don't forget to remind the maids to lock the main door. Goodbye, I love you. } " pag tapos no'n ay pinatay na niya ang call. Aba, anong nakain nito at ang sweet niya ngayon. Mukhang nakakain ng strawberries ah. That's his favorite kasi.




Nag tingin ako ng messages at nakita ko ang isang message na sa tingin ko GC namin. Hindi ako natuwa sa pangalan ng GC, what the heck?!




Cute si Trinity

Murphy: Ganda ba ng pangalan ng gc natin? 😜

The Only Pearl Of SECTION Z ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now