AN: HAPPY 20K READS! THANKYOUSOMUCH! I don't know what to say, but I want to thank all of you for voting. Salamat din kung nag co-comment kayo. At yung mga silent readers diyan, thankyousomuch! ❤️
Game
Trinity's POV
" Tara na, baka kung ano pang magawa ko sa isa diyan. " saad nitong katabi ko habang nakatayo. Si Joshua, ewan ko bakit napaka init ng ulo niya ngayon. Tapos nakabusangot pa, parang pinagbagsakan ng langit at lupa.
Pumasok na kami sa loob ng resort. Meron kasi rin kasing pool dito, just in case ayaw niyo mag swim sa beach o kaya pang picture purposes.
" Mag s-share si Trinity, Kitty, at Vlare sa kwarto. Okay? Dahil tatlong babae sila. Walang mag babalak na gumawa ng kalokohan. Katabi lang ng kwarto nila ang kwarto ni Kenji, Joshua, Xerox, at ni Murphy. " anunsyo ni Clifford. Tumango tango naman silang lahat bilang pag sang ayon. Pero may biglang umepal, sino pa ba? Edi si Kitty.
" Ew! Ayokong makatabi 'yan no! "
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Kapal pala ng mukha nito. " The feeling is mutual. Mangangati kasi ako kung sakaling kasama kita sa kwarto. " saad ko. Tumingin naman ito sakin na para bang may sinabi akong ikamamatay niya. Kasama naman namin si Vlare sa kwarto, kaya't wala naman na akong aalalahanin pa. May makakausap ako kung sakaling maburyo ako.
" Ang arte mo naman. Akala mo ang kinis mo, mukha ka namang higad. Ay sorry! Kaugali mo rin pala 'yon. " saad ni Vlare kay Kitty. Bigla namang nag hiyawan ang mga mokong na kasama namin. " Wooo! Higad daw! " saad ni Ryler. Nag tawanan naman sila sa sinabi ng loko. Pero ngayon, masama na ang tingin ni Kenji sakanila kaya natahimik. Takot sila don?
" Fucking shut your mouth, Virago. " saway ni Kenji. Ah, concern nga pala siya sa bruha. Hindi ko naalala.
" Ikaw ang manahimik, Fujimoto. Kung ayaw mong nasasaway yang kasama mo, wag siyang mag inarte. Baka bigwasan ko kayo parehas. " maanghang na sabi ko. Napatingin naman siya sakin, pero naging matigas ako at tumingin din sakaniya. Kung sa tinginan lang din naman, paniguradong talo siya sakin. Isang kindat ko lang diyan, babalik 'yan sakin. Pero kawawa naman si Kitty kung ganon. " Don't mind him, let's go. " saad ni Joshua. Hinila na niya ako papunta sa kwarto ko, kasunod sila Xerox, Murphy, at Vlare. Ewan ko nalang kung susunod ba yung bruha.
Nang makarating na kami sa pintuan ng kwarto ko ay kinuha ko na kay Xerox ang bag ko. " Alas syete na rin nga pala. Bumaba na kayo pag tapos, kakain na. " paalala ni Murphy saming dalawa. Tumango naman kami at ngumiti sakanila bago sila bumaba. Nailapag narin kasi nila ang mga gamit nila sa kabilang kwarto kaya't bumaba na lang sila, hindi rin naman sila pwedeng tumambay dito sa kwarto dahil mahigpit na pinag babawal iyon ng ibang mokong.
" Alam mo, kulang nalang isubsob ko sa pag mumukha ni Kitty yan si Kenji. " saad ni Vlare habang nag aayos kami ng mga gamit namin. May tatlong kama rin kasi rito kaya sakto lang saming tatlo. Napatingin naman ako sa sinabi niya at bahagyang tumawa. " Hayaan mo na sila, wala naman tayong magagawa kung papatulan nalang siya lagi. " sagot ko nang matapos ako sa pag aayos.
YOU ARE READING
The Only Pearl Of SECTION Z ( UNDER REVISION )
FanfictionSi Trinity ay isang magandang babae na may kutis perlas, at may magagandang mga mata, makakapal na kilay na siyang bumagay sa mukha niya, at mapulang labi. Siya ay isinilang at iniwan ng Mama at Papa niya sa Kuya Velo niya. ~~~~~ Pumasok siya sa is...