Chapter 44

905 27 5
                                    

AN: Hello Snowbears! Ang bibilis niyoo! 7k reads na agad. Thank you very much! ❤️❤️





Unknown Call





Trinity's POV




Sunday. Nabanggit na rin sakin ni Kuya Velo na ngayon na daw ang lipat namin sa dormitory. Ewan ko dun, wala na kaming ginagawang kasalanan e.






" ANO TRINITY?! HINDI KA PA TAPOS DIYAN? " sigaw ni Kuya Trevor sa baba. Isa pa 'to, hindi makahintay. Nag aayos pa yung tao e.






Bumaba na ako hila hila ang maleta ko na puno ng gamit na gagamitin ko doon sa dorm ko. Nag iwan pa naman ako ng iba pang gamit dito sa bahay, para pag weekends dito ako uuwi. " Pababa na! Kung tinutulungan mo ako dito edi sana napabilis tayo! " sigaw ko pabalik nang nasa parte na ako ng hagdan. Nakita ko naman siya sa baba nito habang naka pameywang.






" You're so bagal talaga kahit kailan. Dalian mo na diyan, lagot tayo kay Kuya Velo nito. " nyenyenye.







Tumaas naman siya para tulungan ako. Kinuha niya ang maleta sakin, akala niya magaan lang. " Aray ko! " saad niya nang mag pagulong gulong siya pababa kasama ng maleta. Tumayo siya nang marealize niya na tinatawanan siya ng mga maids. Tiningnan niya ako ng masama. "Tinutulungan ka na nga nampapahamak ka pa! Bahala ka diyan, hmp! " sagot nito at lumabas na. Dinala parin naman niya ang maleta ko, pasaway talaga.






Nang makarating ako sa parking lot ay nadatnan ko naman siyang nilalagay ang maleta sa may trunk ng sasakyan ni Kuya Velo. Hinayaan ko na siya doon at pumasok na sa back seat. " Ano ka diyan? Hindi niyo ako driver. Dito ka sa harap kung ayaw mong kutusan kita. " masungit naman na saad ni Kuya Velo habang nakatingin sa salamin sa harap niya. Naku, iirap pa sana ako kaso pinagmamadali na niya talaga ako. Kaya ayon, napilitan akong pumunta sa harap.





Nang makaupo naman na ako ay saka pumasok si Kuya Trevor doon sa back seat, aba! Bakit siya pwede?! " Let's gooo! " parang batang sigaw nito. Sinamaan siya ng tingin ni Kuya Velo kaya natahimik siya.






~~~~~






" Okay. Line up. " saad ni Kuya Velo nang makumpleto na kami dito sa likod ng school. Kitang kita na namin kung gaano ka taas ang dormitory, pero bakit hindi kita sa labas?





Pumila na sila at sa unahan naman ako. Nilahad ko ang kamay ko at ngumiti. Tinarayan naman ako ni Kuya. Ouch, parang 'di kapatid. " Here. Ang duplicate niyang sayo ay nasa akin. Pag nawala tanungin mo ako, okay? Wag mo lang iwawala yang susi na hawak mo, kukutusan kita! " panimulang sermon.





Agang aga?!




" Also, your room is at the top of this dormitory. Nasa pinaka taas ka, alam kong tatakas ka e, kaso tamad ka naman mag lakad. Kaya sa taas kita nilagay. Ang boys lang ang pwedeng gumamit ng elevator. Gets? " paliwanag naman nito. Tumango nalang ako at gumilid na. Buti may dala akong keychain para ilagay sa susi ko! Ang cute, stitch siya.









Natapos ang bigayan ng susi kaya hinayaan na kami pumunta sa dorm room namin. Dadalhin ko na sana maleta ko nang sumulpot ang gagong Kenji. " Let me handle this. Hatid ko muna itong gamit ko sa room ko, and ihahatid na kita sa taas. Come. " saad nito at hinawakan ang maleta. Balak pa sana niyang hawakan din gamit ang kabilang kamay ang kamay ko pero laking gulat ko nang sumulpot si Kuya Trevor. " Ssh! No holding hands, kahit engage na kayo wala naman kayong label. Ikaw naman Kenji, stop flirting with my baby sister. " saad ni Kuya Trevor at inakbayan ako.






Inalis ko na ang akbay niya at nauna na ako. Daming drama, sasamahan lang naman ako eh. " HEY! WAIT FOR ME! " sigaw ni Kenji sa likod ko pero tumakbo na ako papunta sa loob.





Nag tago ako sa likod ng pinto nitong dorm at hinihintay na makarating siya. Nag bilang pa nga ako eh.





1...




2...



3...







" BOO! "







Pero ayun siya. Nakatayo sa harap ko habang hila hila ang maleta ko. " Bakit hindi ka nagulat?! " iritang saad ko. Tumawa namaj ang gago at binitawan ang mga maleta. Lumapit sakin at hinawakan ang dalawang kamay ko. " Wife, sino ba naman ang mag bibilang kapag manggugulat? Look, I laughed at you instead of being surprised. " saad pa nito na nag pasimangot sakin. Kailangan talaga sabihin?




Inalis ko ang kamay niya at umakyat na. Pero bago pa ako makahakbang sa isang hagdan ay hinila ako ni Kenji. " We're not going to use that stairs. Look, mabigat itong dala ko. Wala naman na si Velorousse. " saad pa nito at hinila na ako papasok sa loob ng elevator. Wala naman na akong nagawa kaya sumama nalang din ako.





Maya maya pa ay narating na namin ang 5th floor. Lumabas na ako at nasa likod ko naman si Kenji, dala dala ang maleta. Bag lang kasi ang sakanya, samantalang maleta ang akin. Habang nag lalakad kami ay nakasalubong namin si Joshua na kakalabas lang sa dorm room niya. " Uy, bakit mag kasama kayo? " tanong nito habang umiinom ng coke.








" Why? Have a problem with that? " pagsusungit nitong katabi ko. Siniko ko naman siya at sinamaan ng tingin. Ang sama talaga.






Tumingin naman ako kay Joshua na nagulat. " Sinamahan ko lang siya. Sige na alis na ako, sa taas lang naman nito ang dorm room ko. " saad ko at kinuha kay Kenji ang maleta ko. Nung una ayaw niya pang ibigay, pero nung sinamaan ko naman siya ng tingin ay bumigay na din. Ginamit ko na ang stairs, baka makita ako ni Kuya e. Malay niyo may CCTV dito.






~~~~~





" Woo! Sa wakas na tapos din! "





Katatapos ko lang sa pag aayos ng mga gamit ko sa kwarto ko. Ang cute! Halos lahat ay blue at halos lahat din ng stickers at stuff toys ko ay si Stitch!





Nagulat ako nang may tumawag, sinagot ko naman agad ito nang hindi tinitingnan ang nakalagay na pangalan. Ang weird, anong oras na din kaya. 11pm? Sinong gago ang tatawag ng ganitong oras?







"[ Spend your time with your love ones wisely. Because anytime, I can get you from them. ] "





Pinagsasabi nitong gagong 'to?







" Naka dr*gs ka ba? O sadyang sabog ka lang? Kung ako sayo itulog mo nalang 'yan, antok lang 'yan. Sige, goodnight!"







Baka kakagising lang, sabog eh








~~~~~


Chapter 44 is done! Please vote and comment, Thankshie! [06/20/24]

The Only Pearl Of SECTION Z ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now