AN: Hello guys! Ewan ko ba, pero sinisipag akong mag sulat ng mag sulat. Kaya kahit isang araw kaya ko mag update ng 2. Huhu, normal ba 'to? Please comment! Also, I dedicate this chapter to Ssantissay
His Fiancè
Trinity's POV
Nandito parin kami sa school at nasa classroom. Ang iba ay nag lalaro at ang iba naman ay nag kukulitan. Nakatitig lang ako sa labas nang kalabitin ako ni Verry. Ano na naman kayang kailangan ng mokong na 'to?
Tiningnan ko siya ng masama dahil inistorbo niya ang pagmumuni muni ko. " Ano na naman bang kailangan mo, Hidalgo? " inis kong tanong sakaniya. Tatawa na sana siya pero hinawakan ko ang tenga niya at hinigpitan ito. " U-uhm, T-t-trinity tawag ka k-kasi ni Kenji. A-aray ko po. " reklamo pa nito pero binitawan ko na din naman. Hinimas himas niya ang tenga niya at kitang kita ko na namumula ito.
Nag lakad na ako papunta sa upuan ni Kenji at hinampas ang table niya. " What the f*ck?! " mura nito. Mukhang nagulat ko ata siya.
" Ano bang kailangan mo, Mister Sungit?" tanong ko at umupo sa isang upuan na bakante. Nagpa-ngalumbaba ako rito at tiningnan siya ng maigi. Namula ang tenga nito at iniwas ang tingin sakin, anong problema niya?
Nahiya ampotek!
Kinalabit ko siya at inis na tiningnan. " Fine, I have something to tell you. Wag kang mabibigla, okay? " I nodded and wait for his next words and move.
" You're my fiancè. "
1......2.......3....... " ANOOO?! "
" Aray ko naman! Nasira eardrums ko, Triyx! "
" What the heck, bakit umiirit?! "
" Nagulo tuloy yung tower of cards ko!"
I stopped for a minute. Ano daw? Fiancè? Sino? Ako? Tangina?
" Kasasabi ko lang kanina, wag kang mabibigla. Pero sumigaw ka parin, sa may gilid ng tenga ko pa. Fuck, it hurts. " saad nito at hinihimas ang tenga niya. Aba sorry naman! Sino ba namang gago ang bigla biglang sasabihin na fiancè niya ako? Wala ba manlang munang clue? Yung ako mismo makakaalam? Ugh!
Hinarap ko siya sakin at hinawakan ang magkabilang balikat niya. Iniyugyog ko ito at nagsisisigaw. " Anong sabi mo?! Fiancè? Paano?! Putangina! " sigaw ko habang niyuyugyog ang balikat niya. Naulirat nalang ako nang may kumalabit sakin, si Murphy pala.
" Anong fiancè teh? "
Inis ko siyang tiningnan at nag taka naman siya. " EWAN KO! TANONG MO DIYAN SA BWISIT NA JIRO NA 'YAN! "
Nag walk out ako at pumunta sa may gilid ng classroom. Iniisip ko parin kung paano ko siya naging fiancè. Puta, pagdidiskitahan na naman ako ng mga stupidents nito eh. Tungkol kaya 'to sa past ng dating Section Z? O 'di kaya naging engage talaga kami pero hindi ko lang maalala? Putangina.
YOU ARE READING
The Only Pearl Of SECTION Z ( UNDER REVISION )
FanfictionSi Trinity ay isang magandang babae na may kutis perlas, at may magagandang mga mata, makakapal na kilay na siyang bumagay sa mukha niya, at mapulang labi. Siya ay isinilang at iniwan ng Mama at Papa niya sa Kuya Velo niya. ~~~~~ Pumasok siya sa is...