AN: OMG, na p-pressure ako sa pag gawa ng chapter HAHAHAHAHAHA ilang araw nadin simula nung hindi ako nag update 😥😥
~~~ My bebe loves Kenji's picture at the
end of the chapter 🥰🥰Foundation Day
Trinity's POV
Ilang linggo na ang nakalipas simula nang mag bati kami ni Kuya Velo. Kalagitnaan ng October ngayon kaya't simula na ng Foundation ng Saniego High.
Naisipan ng mga ugok na gawin ang Section Z Cafè. Sinong nakaisip? Walang iba kundi si Murphy. Sino pa ba ang maloko samin? Si Murphy lang naman ang kilala kong maloko. Kasunod na no'n si Verry at Ryler.
" Ano Clyde?! Uupo upo ka nalang diyan? Madaming customer sa labas! "
" Paabot nga ng ibang tasa diyan! "
" Patulong ako! Dinudumog ako ng mga babaeng baliw! "
Sila yan. Nagkakagulo sa likod ng classroom. Dumami kasi ang customer namin para sa cafè. Attractive daw yung mga nagse-serve, tapos ang plot twist pa. Mga naka mini skirt sila tapos naka uniform pambabae. Kitang kita tuloy yung legs nila at abs. Kanina pa nga ako hindi mag kandaugaga kakatawa sakanila.
" HAHAHAHAHAH para kayong mga tanga diyan sa suot niyo. " rinig kong asar ni Vlare sa labas. Sa mga nakaraang araw naging close na din namin siya, tumulong siya sa pag aayos nitong booth namin.
Habang ang mga boys ay nakasuot ng uniform pambabae. Yung akin naman ay panlalake. Naka polo ako, pants, may necktie pa. Sinong pasimuno? Edi ang gagong Murphy. Sabi niya, para fair daw e mag suot ako ng panlalake.
Triyx's uniform:
Section Z's boys uniform:
DIBA? Anlaking kahihiyan nito. Pero ayos na din, pogi naman ako sa suot ko. Sila lang yung hindi maangas.
" Wife? "
Tawag iyon ng nag iisang King Kumag. Ano na naman bang kailangan nito? Mang iinis na naman siya. " Tigil tigilan mo nga ako sa pag tawag mo niyan! Asikasuhin mo yung customers doon! " sigaw ko sakaniya. Palapit siya ng palapit sakin kaya't paurong naman ako ng paurong.
Pigilan niyo ako! Sasapakin ko 'to!
" T-tumigil ka nga! Wag kang l-lalapit! Sasapakin kita! " banta ko sakaniya. Pero tinawanan lang ako nito at mas lalong lumapit sakin. Hanggang sa maramdaman kong dikit na dikit na ako sa black board. Lumapad ang ngisi nito habang nalapit sakin. Oh no!
" Why, wife? Why are you scared? " hanggang sa isang metro nalang ang layo namin sa isa't isa. Ano na namang problema nitong lalaking 'to kasi?
![](https://img.wattpad.com/cover/367807713-288-k799998.jpg)
YOU ARE READING
The Only Pearl Of SECTION Z ( UNDER REVISION )
FanfictionSi Trinity ay isang magandang babae na may kutis perlas, at may magagandang mga mata, makakapal na kilay na siyang bumagay sa mukha niya, at mapulang labi. Siya ay isinilang at iniwan ng Mama at Papa niya sa Kuya Velo niya. ~~~~~ Pumasok siya sa is...