Chapter 28

1K 34 7
                                    

AN: Guys! Puro POV ito ni Kuya Velo niya ha? Ipapaliwanag dito lahat. Enjoy! ❤️

Dedicated to: QueenieLanipga

Kuya's Pain




Flashback





" Anak, Velo. Maiwan ka muna namin dito ha? May kailangan lang kaming bilhin." paalam ni Mommy sakin. Tumango ako sakaniya at ngumiti.




" Mamaaaaa! Sama ako, pwease?" pagmamakaawa ng bunso kong kapatid na si Trinity. Makulit talaga siya pero mahal na mahal namin 'yan, ang nag iisang prinsesa namin.




Walang nagawa sila Mommy kaya't sinama na nila si Trinity. Hinayaan ko nalang dahil nag lalaro naman ako ng mga laruan ko. " Oh, mag meryenda ka muna iho. " alok sakin ni Manang Selya. Siya ang mayordoma namin dito sa bahay, ang pagkakaalam ko ay since teenager sila Mommy at Daddy, nandito na si Manang. Inassign kasi siya nila Lolo't Lola.


Habang nag lalaro ay biglang nalaglag ang frame namin nila Mommy, Daddy, at ni Trinity. Nakasabit ito sa wall pero ngayon ay nahulog na, nag kalat ang bubog nito. Pero nagulat ako nang sumulpot si Manang Selya sa tabi ko. Nagulat siya sa nangyare. " Oh no, sana walang nangyare sa mga Mommy at Daddy mo. Diyos ko. " saad ni Manang Selya habang nililinis ang mga bubog na nag kalat. Umusod muna ako at umupo sa sofa.




Anong ibig sabihin ni Manang Selya?


Binuksan ko ang television at hindi sinasadyang nailipat sa news flash. Nakita ko dito ang sasakyan na nabangga pa ng isang sasakyan. Pero pamilyar saakin ang kulay ng sasakyan na isa.



"[ Magandang gabi, kababayan. Narito na ang maiinit na balita para sainyo. Isang sasakyan nabangga ng isang van. Patay ang dalawang hinihinalang magulang ng batang kasama. Habang ang batang babae ay ginagamot na sa hospital. Sabi ng mga residente, ang pangalan daw ng batang babae ay Trinity. Magbabalik ang......TV PATROL.]"






The Only Pearl Of SECTION Z ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now