Confront
Trinity's POV
" Woo! Ayos 'yon Kenji! "
" Finally! Gumawa na rin ng move! "
" Hiya pa kasi eh. "
Nasa room kami ngayon at inaasikaso ang mga kailangan asikasuhin para sa cafè. Kakabukas lang namin dahil narin sa kakatapos lang ng announcement ng nakapasok sa finals. Kasama kami doon at ang Team J.
Inambahan ko ng batok sila Ryler, Verry, Murphy, at si Joshua. Paano ba naman, kanina pa 'yan sila nang aasar tungkol doon sa kanta nila Kenji. Hindi man nila rinig ang huling sinabi ni Kenji pero rinig naman nila yung mga lines ng kanta na tumutukoy sakin. " Tumigil na nga kayo! Pag ako nainis isusubsob ko kayo diyan sa table!" inis kong sigaw sakanila. Pero tinawanan lang ako.
Kainis!
" Chill, wife. " rinig kong sabi ng hudas sa likod ko. Naalala ko! Mag kasama sila ni Kitty kanina, mga bwisit.
Flashback
" Omg babe! You're so galing kumanta, pero bakit naman hinila hila mo pa 'yang yaya mo? Pumangit bigla yung stage. " rinig kong saad ni Kitty nang makababa kami at makapunta sa back stage.
Kung sakin pumangit yung stage, sayo naman pumangit na yung stage dinamay pa yung back stage! Bwisit ka, Kitty. " Stop it, Kitty. " saway ni Kenji nang maramdaman niyang nasa likod niya lang ako. Hawak ni Kitty ang braso nito habang si Kenji naman pinipilit niyang tanggalin. Kahit wag na! Sipain ko pa kayo parehas diyan eh.
Hindi na ako nag paalam at balak ng umalis. Pero may naisip akong kagaguhan, pambawi lang kay Kitty. Duh, hindi rin ako papaapi.
Naupo ako saglit sa isang monoblock malapit sa kanilang dalawa. Nang nag lakad si Kitty sa harap ko ay tinalapid ko siya.
BOOM! Basag pati bungo
Nadapa si Kitty at napabitaw kay Kenji. Kinuha ko na ang chance na iyon para hilahin si Kenji at tumakbo pabalik sa classroom.
End of Flashback
Natawa ako ng bahagya. Naalala ko na naman ang mukha ni Kitty nang madapa siya. Buti successful ang ginawa ko, hindi yun minus points sa langit ah! Bumawi lang, binubully ako e.
YOU ARE READING
The Only Pearl Of SECTION Z ( UNDER REVISION )
Fiksi PenggemarSi Trinity ay isang magandang babae na may kutis perlas, at may magagandang mga mata, makakapal na kilay na siyang bumagay sa mukha niya, at mapulang labi. Siya ay isinilang at iniwan ng Mama at Papa niya sa Kuya Velo niya. ~~~~~ Pumasok siya sa is...