AN: Hello there Snowbears! Thank you sa pag subaybay sa story ko HAHAHAHAHA I'll try na matapos agad 'to bago mag back to school! ❤️
Explanation
Trinity's POV
Saturday. Sa wakas, nailabas din ako ng hospital. Amboring din kaya roon! Nakatitig lang ako sa bintana o kaya sa ceiling. Buti ngayong umaga pinayagan na ako makalabas. Nasa mansion na kami ngayon at nag hahanda na sila Manang Selya ng tanghalian.
" Sisteret, halika may pasalubong ako sayo. " napalingon naman ako sa nag sabi no'n at nakita kong si Kuya Trevor. Hindi ko alam paanong nangyari na Kuya ko siya pero hinayaan ko nalang din, I'll ask Kuya Velo later. Naging close ko na rin si Kuya Trevor nung may times na bored ako sa hospital kagabi, makulit siya at the same time mabait din. Masakit man sa ulo yung mga nangyayare pero unti unti rin naman niyang pinapaliwanag sakin. " Ano pang tinutulala mo diyan? Tara sa taas, baka pasukan pa ng langaw ilong mo. " tinaasan ko naman siya ng kilay kaya tumawa nalang siya. Hinila na ako papunta sa kwarto niya. Yes, may kwarto dito. Dating guest room, dalawa ang guest room dito kaya sakto lang sakanila.
Nang makapasok kami sa kwarto niya ay sinara naman niya ito. " Wag ka mag alala, wala akong gagawin sayo. Yucky! " arte niyang sabi.
" Kuya Trevor? "
" Hmm? "
" Are you gay? "
" WHAT?! Mukha bang bakla 'to? " saad niya at pinakita sakin ang biceps niya. Mukhang batak sa gym ang isang 'to ah. Niyabangan niya pa ako ng abs niya kaya hinampas ko naman ang braso niya. " Bad! Sumbong kita kay Kuya! " saad ko at lalabas na sana pero hinila naman ako nito sa braso.
Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan. Nagulat naman siya pero tinarayan din ako. Aba?! " Wag kang maarte diyan! Sa susunod naman makakakita ka rin nito, akala mo ba hindi ko alam na engage ka? " saad pa nito habang may hinahanap sa drawer niya.
Bilis naman kumalat ng news!
" P-paano mo naman nalaman? Huh?! Chismoso ka talaga! " sigaw ko sakaniya at humiga sa kama. Bakit ganon? mas malambot ang kama niya kesa sa kama ko?! Madaya!
Nang mahanap na niya ang kanina niya pang hinahanap ay pumunta siya sa pwesto ko at umupo. " Oh, gift ko sayo. Hindi ko alam ang mga favorites mo kaya random gifts 'yan. Wag kana mag reklamo, kunin ko 'yan. " saad pa nito at binigay sakin ang malaking paper bag. Sumilip ako at may laman na stuff toys, chocolates, perfumes, at mga damit.
" Ang dami naman nito?! " sagot ko at tinabi ang binigay niya. Baka kunin e, sayang naman may mga stuff toys pa naman. Sinamaan naman ako ng tingin nito. " Ayaw mo ba? " tanong nito sakin.
" Gusto! Sinong aayaw? "
" Yun naman pala eh, daming arte. "
YOU ARE READING
The Only Pearl Of SECTION Z ( UNDER REVISION )
FanfictionSi Trinity ay isang magandang babae na may kutis perlas, at may magagandang mga mata, makakapal na kilay na siyang bumagay sa mukha niya, at mapulang labi. Siya ay isinilang at iniwan ng Mama at Papa niya sa Kuya Velo niya. ~~~~~ Pumasok siya sa is...