Chapter 55

773 28 6
                                    

AN: ALMOST THEREE, krishanellemae thankyou! Sa simula pa lang ng story ko andiyan kana, I consider you as my top 1 fan! Loveya! ❤️


Dedicated to: Dan-ihshshs




Regret




Trinity's POV




Wednesday. Wala kaming pasok ngayon dahil may seminar daw lahat ng teachers. So andito kaming apat sa coffee shop. Sila Xerox, Joshua, Murphy, at ako.




" Alam mo Trinity, ang ganda mo. " napatingin naman ako kay Joshua nang sabihin niya iyon. Napakunot naman ng noo si Xerox dahil sa sinabi ng mokong.





" Siyempre, inaalagaan e." sagot iyon ni Xerox sa compliment ni Joshua. Sinamaan ko naman silang dalawa ng tingin. Kung ano anong sinasabi, porket wala rito si Murphy para sawayin silang dalawa sa pang iinis sakin. Nag oorder kasi siya sa may counter, kaya wala siya rito.





Napatingin naman ako sa paligid. Magaan sa pakiramdam ang ambiance dito sa loob, kaya siguro ito ang napili ng tatlong 'to. " Wag 'yang bag ko, Xerox! " sigaw ko nang balak niyang buksan iyon. Napatingin naman ito sakin ng may pagtataka.







" Bakit? May tinatago ka? " saad nito at ngumisi.






" Wala! " sagot ko naman. Pero dahil matigas ang ulo niya, triny niya paring buksan. Pero bago naman niya magawa iyon ay hinaklit ko na agad sakanya at saka kinurot siya.




" Hmmp! Tangina ka, sabi ko wag! " asar kong saad sakaniya. Balat kalabaw ata ang gago at wala manlang pamumula o sugat ang ginawa kong kurot sakaniya. Tumawa naman ang dalawa habang tinitingnan akong iritang nakatingin sakanila. Wala ng ginawa kundi sirain ang araw ko!





" Tigil niyo na nga 'yan, inaasar niyo na naman si Trinity. " saway ng lalaking papalapit na samin habang may hawak na tray. Nakalapit na siya at tangkang tutulungan ko siya pero hindi siya pumayag. " Wag na, kaya ko naman. Umupo ka lang diyan. " saad nito at isa isang binigay samin ang kape.



Habang nahigop ako ng kape ay nag tatawanan ang dalawang mokong. Kami naman ni Murphy ay tahimik na nainom ng kape. Bigla akong tinawag ni Joshua kaya tumingin ako sakaniya.



" Triyx, payag ka no'n baka maging girlfriend na ni Kenji si Kitty? " nag init naman ang ulo ko sa sinabi ng kinanginang 'to. Dahil sa irita ko ay binara ko siya.



" Ikaw, Joshua? Payag ka non, wala ka na ngang girlfriend bugok ka pa? " sabi ko sakaniya. Mukhang hindi naman siya na offend dahil tumawa lang ng tumawa ang gago kasama ni Xerox.




Kakasabi lang samin ni Murphy na pupunta raw dito sa coffee shop si Vlare. Kaya eto ako ngayon excited dahil narin sa may kasama na akong babae at hindi na ako mag iisa sa mga mokong na ito, panay ang asar.




Maya maya pa ay dumating na si Vlare na may dalang paper bag. Umupo naman siya sa tabi ko, at katabi niya rin doon si Murphy. " Hey guys! I bought some cookies! " lumiwanag naman ang mukha ko sa sinabi niya kaya't napatingin ako sakaniya. Nilabas niya na ang isang box na puno ng cookies.




The Only Pearl Of SECTION Z ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now