Date Ng Walang Label
Trinity's POV
Kainis ka, Kenji!
Panay ang suntok ko sa pader pero maya maya ay naramdaman ko na malambot na ang sinusuntok ko. Bakit lumambot yung pader? Sa sobrang lakas ba ng suntok ko lumambot siya?
Tinaas ko ang paningin ko at nakitang si......Hinayupak na Kenji.
Aalisin ko na sana ang kamao ko sa may kamay niya pero hindi niya ito pinakawalan. Ano bang problema nito? Parang kanina lang sinisigawan niya ako ah. " Let's go. " saad nito pero nag pumiglas ako.
" Ano ba?! Bitawan mo nga ako! " sigaw ko at hinila ang kamay ko sakaniya. Tiningnan ko ito at nakitang dumudugo parin dahil sa pag suntok ko sa pader. Matapos nun ay tumingin ako kay Kenji at sinamaan siya ng tingin. " Ano pa bang gusto mo?! " saad ko at medyo lumayo sakaniya. Kainis, matapos niya akong sigawan lalapit na lang siya bigla sakin ng ganito?
" Just come with me. Let's talk. "
Talk mo mukha mo!
Hindi ko siya pinansin at nag balak na pumunta sa loob ng school pero hinawakan niya ang kamay ko at hinarap ako sakaniya. " I'm sorry. " napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Marunong ka naman pala e, kailangan ata suntukin ka pa bago ka humingi ng tawad. " I'm sorry if I yelled at you. " saad nito habang nakayuko. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Hinayaan ko na lang siya para matapos na din. Nakatingin lang ako sakaniya at pinag mamasdan siya.
Nakita kong nahihirapan siya kaya balak ko sanang itaas ang mukha niya para makaharap niya ako pero hindi niya pinakawalan ang kamay ko. Kusang tumaas ang tingin nito sakin at nakitang may luhang tumutulo.
Hala?! Naiyak pala 'to?
" I-I was just frustrated that time. I feel useless, Triyx. "
Tinitingnan ko lang siya at hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin. Literal na naiyak siya ngayon, napansin ko din na may pasa siya sa may bandang labi. Ano kayang nangyare sa isang ito? Nawala lang ako nagkapasa na. " Anong useless? At bakit naman? " sagot ko sakaniya. Ramdam niya wala siyang kwenta?
Hindi ko alam anong tumatakbo sa utak nitong Kenji na 'to
" Nung nalaman kong nakakareceive ka ng death threats, natakot ako. Hindi para sa sarili ko kundi para sa'yo. " paliwanag niya. Tumango ako at handang pakinggan siya. Ibang iba talaga siya ngayon, parang hindi si Kenji ang kausap ko. Saka, hindi umiiyak ang dating Kenji na nakilala ko 'no. " I know na wala ka pang alam sa mga nangyayare sa paligid mo. But trust us, we're protecting you so don't worry. " tumango ako sakaniya at niyakap siya. Mali man 'to pero alam kong kailangan niyang maramdaman na okay lang 'yon.
Habang yakap ko siya ay nahawakan niya ang kamao ko na may dugo. Aray ha. " A-aray. Sinasadya mo ba?! " inis kong saad at tiningnan ang kamao kong nadugo parin. Kita ko naman ang pagkagulat sakaniya kaya agad niyang kinuha ang kamay ko. Chineck niya 'to na parang may nabalian ako na buto, e dugo lang naman 'yan.
YOU ARE READING
The Only Pearl Of SECTION Z ( UNDER REVISION )
FanfictionSi Trinity ay isang magandang babae na may kutis perlas, at may magagandang mga mata, makakapal na kilay na siyang bumagay sa mukha niya, at mapulang labi. Siya ay isinilang at iniwan ng Mama at Papa niya sa Kuya Velo niya. ~~~~~ Pumasok siya sa is...