Chapter 38

973 29 4
                                    

AN: Hello po! I just want to clarify some things po. May isang chapter po ako dito na nag sabi akong hindi po ito inspired sa section e. Ayoko rin naman pong i-spoil kayo sa mga susunod na mangyayare kay Kenji at Trinity. Pero kung ipipilit niyo po, sasabihin ko ngayon dito yung mangyayare sa future nila.

May chapter po dito sa story na gumawa ng kalokohan ang Section Z. Binantaan sila ni Kuya Velo na mag lalagay ng dorm sa Saniego High at Section Z lang ang laman non. Since ayaw ni Trinity ng dorm kasi strict daw, edi hindi siya pumayag. Pero sa future chapter po makakagawa sila ng kalokohan kaya ayon ginawa ni Velorousse yung panakot niya sa Section Z.






Set Up





Trinity's POV

Day 3 na ng foundation day. Eto na rin yung araw na mag no-nominate na ng sasali sa Mr. and Ms. Saniego.




" Hoy guys! Punta na daw sa stadium!"


" Tara na! "


" Bilis! Baka iba manominate na partner ni Kenji, naku lagot tayo! "




Nag mamadali na sila kaya lumabas na ako ng classroom at hinintay sila. Mga nagmamadali na kasi si Kenji nandun na, e late kami nakarating ng school. So, nag aalala sila baka iba ma partner kay Kenji. Ako pa naman muse nila.



Nag lalakad kami nang banggain ako ni Kitty. Tinarayan ako nito at balak pa sana akong banggain ulit pero hinarang na ni Helix ang braso niya. " Stop this shit, Kitty. You know that Kenji won't like this. " asar na sabi ni Phoenix. Kakarating lang pala ni Phoenix galing ibang bansa, kaya MIA ( missing in action ) siya. 






" What did I do? Maarte lang talaga 'yan si Nyx. " sabat naman ni Kitty. Siya pa talaga itong matapang ah. Siya na nga ang nakabangga sakin. " You know what you did, Kitty. Kung ako sa'yo pumunta kana ng stadium. " sagot ni Lancer sakaniya. Napatingin naman si Kitty sakaniya at inirapan siya. Akala mo naman talaga inapi na.




~~~~~



" Sshh, ano ba Joshua! " saway ko.


Tumawa naman ito pero pinag patuloy din ang ginagawa. Nandito nga pala kami sa loob ng classroom, hapon na at halos wala ng students dahil umuwi na. Dahil malikot ang bulate ko sa utak, naisipan kong gawan ng date si Murphy at Vlare. Ambagal kasi ni Murphy gumalaw, baka mamaya manakaw nalang bigla ng kawatan si Vlare.




" Hoy! Ayusin niyo yung curtains! "



" Asan na yung kandila?! "



" Andyan na sila! JOKE! "






Nairita ako sa nag sabi no'n. Dahil sa sigaw niyang 'yon nataranta ako at napaso ng mainit na kape. Inihahanda ko kasi ito para doon sa dalawa. " Shit, inamo talaga Vincent! " sigaw ko at pinakita ang daliri kong namumula dahil napaso. Napakamot naman si Vincent sa ulo at umalis doon sa dati niyang pwesto.





Lakas tama din 'yon e no?





Maya maya pa ay may narinig nalang akong nagtatakbo papunta sa labas. Naku! Baka masira yung mga design na ginawa ko! Talagang masasapak ko sila. " S-SORRY NA, HELIX! HINDI----AY!---NAMAN SINASADYA EH! " rinig kong sigaw ni Vincent sa labas. Pag tingin ko ay hinahabol kasi siya ni Helix ng mainit na spatula.



" Tingnan mo! Pulang pula daliri niya gago ka! " sigaw ni Helix at pinag patuloy ang pag habol kay Vincent hanggang sa pumunta na sa likod ko si Vincent.



Nagsusumbong ito na parang bata at nakaturo pa kay Helix. " T-tingnan mo 'yan! Inaaway a-ako! " utal na sabi ni Vincent habang nakahawak sa damit ko.




" Hays! Bahala nga kayong dalawa diyanmalapit na sila Phoenix at Kenji! Sila diba yung kumuha kina Vlare at Murphy? Kaya umayos kayo. " paalala ko sakanila.


Parang mga batang nag salute naman ito na siyang kinatawa ko. " Mga isip bata. " bulong ko sa sarili ko habang inaayos ang kandila sa may table na gagamitin nila Vlare at Murphy.



" Andyan na sila! "



" Hala ayusin niyo na! "



" Tago! "






Sigawan nila kaya nag tago nalang din ako sa likod. Mukhang mabilis na napa-oo nila Kenji at Phoenix yung dalawa.




Pumasok si Phoenix habang hawak hawak nito ang panyo sa may mata ni Vlare. Ganon naman din ang kay Kenji na hawak si Murphy. Dahan dahan nila itong pinaupo sa chairs at iniwan na.




Hala bakit iniwan?







" Anong meron? " sabay na tanong ni Vlare at Murphy nang matanggal na nila ang blind folds. Lumabas naman ako para mag explain sakanila at para narin makaalis na yung mga ugok sa likod.







" Bulaga! Hello, gusto ko lang sabihin na mag enjoy kayong dalawa. Saka ikaw Murphy, may utang ka saking 'Thankyou' ha? Bagal mo kasi pag dating sa damoves. Yun lang, babye! " saad ko at iniwan na ang dalawa sa classroom. Ni-lock ni Kenji ang dalawang pinto kaya't paniguradong walang takas ang dalawa.






" Baka naman may gawing kung ano 'yon si Murphy? " tanong ni Clyde at tumawa naman ang mga gago.





" Hindi 'yon, kilala niyo naman si Vlare. Marunong din manuntok 'yon. " natatawang sagot ni Lancer.





Sabagay, isang suntok lang kay Murphy panigurado knock out 'yon!








" Hmm, tayo kaya? Kailan magkakaroon ng date? " rinig kong tanong ni Kenji. Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay. Aba, nag aya pa talaga ng date. Akala naman nito papayagan ko siya, lalo na kay Kuya Velo.





" Siguro pag buto buto na tayo. " biro ko at tumakbo papunta sa CR. Alam ko namang hindi makakapunta dito si Kenji. Girls bathroom 'to e, baka pag babatuhin siya ng babae dito.





~~~~~

Chapter 38 is done! Please vote and comment, Thankshie! [06/17/24]




AN: Minadali version HAHHAHAHA para lang ma explain ko yung side ko sainyo na iba talaga plot nito. Huhu, wag niyo akong atakihin sa tiktok! HAHAHAHA mag eexplain naman ih.

The Only Pearl Of SECTION Z ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now