Chapter 9

1.4K 52 1
                                    

Cat Fight

Trinity's POV




" Ang tagal mo. " bungad ko kay Kenji nang makalabas na nang tuluyan si Kuya Velo. Pumasok ulit ako sa clinic. Sumandal ako sa may pintuan at tumitig sakanya. Halatang halata ang ubeng pasa nito sa may bandang pisngi.





" Your Kuya is so talkative. Kaya natagalan. Let's go, pumunta na tayo sa classroom. Mukhang late na late na tayo. " saad nito at inaya na ako umalis sa clinic. Sumunod nalang ako sakaniya at nag lakad lakad na.





Tumigil siya sa pag lalakad at tumingin sakin. Nasa harap ko kasi siya at nauuna. "Kung ang kuya mo ay madaldal, ikaw naman mabagal. Are you a freaking sloth? "





Sinamaan ko siya ng tingin at humabol nalang sa lakad niya. Maiksi ang binti ko! Hindi katulad ng mga binti niya. " I really hate it when someone is staring at me, you know? " natatawa pa siya bago ako lingunin. Nakita ko ang mala berdeng mata nito. Napakaganda. Ng mata ha, ng mata.






" Tss, ASSUMING! " bulyaw ko sakanya. Kanina pa 'tong bwisit na 'to, lakas mang inis ng gago.





Tatawa tawa siyang naglakad na papunta sa room. Ako naman ay kasunod niya lang. Dapat sana binatukan ko na, kaso matangkad e. Nang makarating kami sa classroom ay wala ng teacher. Kakaalis lang ata. Na-excuse naman daw kami kaya okay lang.




" Ninakawan ka ng halik? bakit ganyan ka makatingin sakanya? Hahaha " saad ni Murphy. Katabi ko kasi siya ngayon, wala si Kenji Kumag sa tabi ko. Buti nga at hindi nag pilit na manatili sa tabi ko. Baka mabigwasan ko lang siya.






" Nope. Gusto ko lang siya batukan. " sagot ko habang nakatingin kay Kenji. Busy siya sa paglalaro sa cellphone niya ngayon. Mobile Legends ata nilalaro. Kasama sila Clyde, Vincent, at Xerox. Mga larong laro ang mga gago.




' Gago, top! '




' Ngina ka, pa feed ka ng pa feed! '




' Gago, larong laro si Kenji! kanyang kanya yung mga kill! '



' Shut up, Xerox. I'm trying to focus here. '




Sigawan ng sigawan ang mga tanga. Kanina pa 'yan. Sarap na itapon ng cellphone nila palabas ng bintana. " Phoenix my loveee " rinig kong merong tumatawag sa labas. Malamang si Kyla Putok na naman 'to.


" Kailangan mo? " bungad ko sakanya nang makapunta ako sa pinto. Andun siya at nakapameywang.


" Andyan ba si Pheonix? "


" Wala. Tulog umalis. " sagot ko.


Nainis naman siya sa sinabi ko pero tinatago niya lang. Aba dapat lang, baka inumpog ko siya sa pader kung papatol siya. " Why am I even asking? Wala naman akong makukuhang magandang sagot sayo. "

" Oo. Pipilosopohin kasi kita, pangit mo kasi. " pang aasar ko sakanya. Nakangisi naman ako habang siya ay tatalikod na sana. Humarap agad siya sakin at akmang sasabunutan ako. Naharangan ko naman agad at umiwas sa mga sipa niya. As much as possible hindi muna ako babawi. Hayaan ko siyang mapagod.


" You bitch! You're the one who's ugly here!" kitang kita ko ang pag kainis niya habang hawak ko ang dalawang kamay niya gamit ang isang kamay ko. Tawang tawa nalang ako dahil hindi siya makapalag. " Get off! Let me go! " sigaw ng bruha. Pero agad nawala ang pag kahawak ko sakanya nang may humila sakin. Mga alipores niya.


The Only Pearl Of SECTION Z ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now